CHAPTER 13

899 64 4
                                    

Nang maka baba ako ay siya namang pag dating ni papa. Nag mano muna ako sa kanya bago nag punta sa dining area. Tinawag ulit ako ni mama kanina at kakain na daw. Alam niya kasing darating na si papa kaya ay nag handa nalang siya.

Nang maka upo ako, agad namang dumating si papa na naka bihis na ng kanyang pambahay. Bilis ah.!

"Bilis mo namang mag bihis pa!" sabi ko sa kanya

"Gutom na ako nak, saka naamoy ko na ang luto ng mama mo alam kong sobrang sarap na naman." sabi naman ni papa

"Nako ikaw talaga Miguel. Kahit kelan talaga bolero ka padin." sabi ni mama naman na bagong dating may dalang panibagong ulam sa likod niya ay naka sunod si Albert.

"Good evening po Tito!" magalang na saad ni Albert

"Oh iho, good to see you again! Sya sige maupo kana para maka kain na tayo. Gutom na din ako eh." saad pa ni papa

Natawa naman si Mama pati nadin si Albert, naku si papa talaga ganyan talaga siya kahit may bisita. Bahay kong bahay kong maka asta, sabagay bahay naman namin to. (Choss!)

Nang maka upo na ang lahat ay sabay sabay na kaming kumain, nag pasalamat muna sa gracia mula sa Diyos at nag simula nang mag si kain sina mama, papa at albert. Hindi mo naman magalaw ang pag kain ko kasi naiilang ako at katabi ko si Albert. Napansin naman ito ni Mama kay ay nag tanong sakin.

"Oh nak, bakit hindi kapa kumakain?" takang tanong ni Mama sakin

"Ah eh kas" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumabat naman ang damuho.

"Nahihiya po ata sakin Tita, eh nakita ko naman siyang kumain dati nung huling lakad namin sa mall, matakaw nga yan eh." sabi ni Albert na sobrang komportable mag salita feeling close sa Mama ko. Kaloka! Napa irap ako sa kanya ng hindi sa oras.

"Anong matakaw? Anong nahihiya sayo? Feeling ka ha!" buong taray kong saad

"Oh nak, easy ka lang. Ano ba naman kayong mga bata para kayong aso at pusa." Natatawang saad naman ni papa

"Hayaan mo na Mika, kain kana wag ka nang mahiya kay Albert, saka diba may gagawin daw kayong project ngayon?" tanong ni Mama sakin

"Siya nga pala iho, yan ba ang dahilan kung bakit ka andito?" tanong naman ni papa kay Albert

"Opo Tito. May gagawin po kaming business proposal. Ngayon po kami mag bri - brain storming, binigyan kami ng one week para po dito." Magalang na sagot niya

Infairness sa kanya ha, kuhang kuha noya agad ang mga magulang ko. Kakaiba talaga ang kamandag at kapreskuhan ng lalaking to.  Ang lakas at ang taas ng level.

"Buong akala ko ay umaakyat kana ng ligaw sa anak ko" pabirong saad ni papa kaya ay nabulunan ako

Agad naman napatawa si mama, mahinhin at may class. Oh diba sa kanya kaya ako nag mana.(Char! Kay papa talaga ako nag mana)  Agad naman akong inabutan ng tubig ni Bastos. Uminom ako at kumalma na din. Tinapos ko na ang aking pag kain, dahil gusto kong ayusin pa ang pwestong gagamitin namin ni Albert.

Nag excuse na ako sa kanila dahil tapos na akong kumain, agad naman akong nag tungo sa sala para ayusin ang pwesto namin. Kumuha nadin ako ng mga unang pang sapin para hindi naman kami malalamigan sa sahig. Hindi na namin gagamitin ang sofa o ano mang upuan para mas komportable kami, kung gusto niyang umupo edi umupo siya.

Nang matapos din silang kumain ay saka naman siya sumunod sakin.

"Bakit dito tayo pwe - pwesto?" naka ngising tanong nito sakin

Nakaka gigil ang ngisi niya pero bakit ang sexy padin. Ang landi ko kasi talaga, baka mag tilian naman ang mga bakla pag kwenento ko sa kanila na mag kasama kami ngayon ni Albert.

"Malamang, eh san pa tayo pwe - pwesto aber?!" balik tanong ko naman sa kanya

"In your room babe" malanding sagot nito sakin at sabay taas baba ng kilay at naka ngisi

"Bastos ka talagang panget ka!" sabi ko naman sa kanya sabay palo sa braso nito

"Bastos daw, gusto din naman!" saad naman nito sabay tawa padin

Hindi na ako nag salita at nahihiya ako dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na namumula at nag iinit ang pisngi. Ano ba naman ang lalaking to, mabubuko ata ako na crush ko siya.

"Feeling ka!" pinal na saad ko

Agad naman din kaming nag simulang pag planuhan at pag isipan ang magandang konsepto para sa magiging project namin bilang mag partner. Isang business proposal sa linyang gusto namin saad nang professor namin.

At serious mode talaga si Albert, kaya mas napa ayos ang pag iisip namin dahil walang nagaganap na bangayan. Mabuti na din yun at para masimulan na ang project, isang linggo lang ang binigay samin na palugit, at exempted sa finals ang maganda ang presentation at business proposal.

"What kind of business would you like to have in the future?" tanong sakin ni Albert na hindi man lang makitaan ng kagaguhan sa mukha niyang seryoso ngayon.

"Gusto kong mag karoon din ng Clothing corporation, ako mismo mag dedesign ng mga damit" saad ko naman with matching ngiti dahil naiisip ko palang ay nasisiyahan na ako.

"Well that is a good business, Mine will be focused on Export and Import of products like shoes, bags, accesories to different places in the world. Actually that is our line of business as of today" sabi niya sakin with the handsome serious face.

Hindi talaga ako maka paniwala na ganito pala kaseryoso pag dating sa project ang lalaking to. Ang gwapo mga ate! Haruy sana naman hindi ako mabuang kakatitig sa kanya. Kaya panay alerto ako kun titingin na siya sakin para makaiwas at hindi mahalatang naka titig ako sa kanya.

"Hala grabe, ang yaman niyo naman pala talaga " mangha kong saad sa kanya

"Well that's good right? Para sa future nating dalawa." sabay bitaw ng nakakalaglag panty niyang ngiti

I was dumbfounded by his captivating smile, hindi agad ako naka pag salita o na process man lang ang kanyang sinabi kaya napatango nalang ako. His eyes are reaching deep within my soul, yung mga labi niyang nakaka akit titigan, mistula akong nahihipnotismo sa kanyang salita.

Nang makabawi ako ay narealize ko ang sinabi niya. Kaya bigla naman akong napaiba ng reaction. Kahit na kinikilig ako ay hindi padin pwede ipahalata sa bakulaw na to. Baka yun na naman ang gamitin niyang pang aasar sakin.

"Future future ka jan. Hindi kita type no! Feelingero! " pag de - deny ko sa kanya

Ngumisi naman ang gago sabay sabing.

"Sus hindi daw type, pero kanina pa sakin nakatitig. Kala mo hindi kita napapansin na palaging nakatitig sakin!" sabi naman nito sa birong tono

Hindi agad ako nakasagot mga ate, patay nahuli tayo ni Mayor.!

Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon