CHAPTER 22

897 53 2
                                    

Maaga akong nagising at nag handa dahil ngayon na ang Final examination namin. Kahit na patapos na ang sem ay kailangan mo pading siguraduhing magiging maayos ang resulta ng pagsusulit ko. Kaya nga advance na ang aming pag sasanay para sa nalalapit na pageant para hindi maka apekto saking exams. Nang maka pag ayos ako ay agad akong bumaba at nag almusal. Si mommy jel ay may lakad kaya ay mas maaga pa itong umalis sa bahay sabi ni mama. Hindi ko na inantay si papa dahil gusto kong makarating ng maaga sa school ng sa ganun ay maka pag handa pa ako sa exams. Nang maka sakay ako sa isang taxi ay agad naman ako nitong dinala sa school. Nang maka baba ako rito ay inabot ko ang bayad kay manong driver. Nang papasok na ako ng gate ay may narinig akong mag salita sa likod ko.

" Wow bakla, ang aga natin ah!"

Biglang nag pintig ang tenga ko sa narinig ko, pamilyar ng boses na nag mula sa damuhong kagabe lang nag paramdam. Teka bakit ba parang affected ako na hindi nag paramdam sakin ang lalaking to. Well crush ko nga naman kasi. Nang lingunin ko ito ay nakita ko itong naka ngisi, mapang asar na ngisi ang naka ukit sa mukha ng nag iisang damuho sa mundo si John Albert Valencia.

"Eh ano naman ngayon kung maaga ako, saka exams ngayon. Kelangan hindi ma late!" sabi ko naman sa kanya na sa kalmadong boses

"Yieee! ang sabihin mo na excite kalang dahil sa chat ko kagabe!" pang aasar pa niya sakin

Bigla tuloy nag init ang mukha ko dahil sa sinabi niya, naalala ko ang chat niya kagabe. Pero hindi ko ito pinahalata bagkus ay binulyawan ko pa ito.

"Ang aga aga ang gago mo. Utot mo blue! Panget!" sabi ko sa kanya bago tumalikod at pumasok na sa school. Agad ko namang tinungo ang classroom namin para nadin maaga akong maka pag handa ng upuan ko at ng maka pili ako ng pwesto na walang isturbo. Hinihintay ko nalang din si Michael dahil sa usapan namin kahapon sa group chat namin ay dapat mag katabi kami sa exams. Nang maka hanap na ako ng pwesto ay agad kong tinungo ito at linagyan ng bag. Ayan maganda na ang pwesto ko sa last row, walang isturbo. Nang maka upo ako ay siya din namang pag upo ng Damuho sa may kanang parte ko. Bigla akong napatingin dito at napa irap.

"Anong ginagawa mo dito? Pwesto namin ni Michael to!" mataray kong saad sa kanya

"Oh easy kalang bakla! Don't be such a hot headed. Syempre dito ako pwepwesto para walang isturbo sa exam" naka ngising saad ni John Albert saakin. Sa mukha at expression palang niya ay talaga nakaka inis pero sheyt nakakabasa ng party mga beks! Loka!

Hinayaan ko nalang ito at hindi na ako nakipagbangayan pa. Inayos ko nalang ang katabi kong upuan sa kaliwang parte at siniguradong doon mauupo si Michael. Dumating na ang halos lahat ng mga kaklase namin ganun na din ang bessy ko at naka upo na kaming lahat. Inaantay nalang namin ang pag pasok ng proctors namin para sa gaganaping final examsination. Nang pumatak ang oras ng saktong alas 8 ng umaga ay dumating ang una namin proctor sa subject na English. Explain dito, Explain doon. No cheating and No talking daw. Basta lahat ng mga protocols sa exam ay dapat e follow ang mahuhuli ay maaring singko sa subject. Kaya ng mag distribute na ng mga test papers ay binigay ko na ang atensiyon ko dito at nag simula nang mag sasagot.

Tatlong test ang natapos namin sa umaga, sa hapon naman ay tatlo din. All in all a total of 6 subjects. May natitira pang dalawa, pero ang isa ay exempted ako at ang isa naman ay practical test na may 50 item written bukas pa magaganap. Heavy ang schedule kasi nalalapit na din ang Festival of Talents, kung kaya ay parang tuloy tuloy na ang takbo ng mga pagsusulit. Natapos ko ang mga exams ko sa araw na ito, halos maging lantang halamang ang utak ko. Tuyong tuyo pero alam ko sa sarili ko na nairaos ko ang mga pag susulit at alam kong pasok ako sa mga papasa.

Kinabukasan ay nairaos ko ng matiwasay ang lahat ng nga exams ko. Matapos ang exams ay lahat ay free na at hinayaan ng makauwi ang nga estudyante ng maaga. Wala naman ng ibang gagawin at pag hahanda nalang para sa nalalapit na events. Nag pag usapan naming mag kakaibigan na mag celebrate dahil natapos namin ang Final exams. Kaya matapos yun ay nag kita kita kami sa may harapan ng school.

"Mga mami, tapos na ang ating madugong labanan!" saad ni Melissa sabay bitaw ng malalim na pag hinga

"True mami, kala ko talaga mahihirapan ako sa mga exams." ani ni Kyla

"Ay naku mga mi, itong si Mika nga eh siya palagi nauunang mag submit ng papel kaloka si ate mo. May notebook ata sa utak!" natatawang saad ni Michael sa kanila

" Gaga, nag araw ako mi! Kala mo ha!" naka ngiti ko naman saad

"Ay sana all talaga yan eh! Iba talaga ang may inspirasyon sa school!" tukso ni Mico saakin

"Gaga may inspirasyon din naman si Kyla, pero bakit ganun nga nga padin sa exam?" saad ni Melissa na ikinatawa namin lahat ganun din sa Kyla

"Loka edi It's a tie!" sagot ni kyla na mas lalong ikinatawa ng lahat. Hindi ko alam pero nakakatanggal talaga ng pagod ang mga kaibigan ko. Kaya nag desisyon kaming mag punta sa starbucks at mag chill. Matapos sa nakaka goodvibes na pag punta sa starbucks ay napagdesisyunan naming kumain sa isang Seafood restaurant. Kakaiba ang restaurant na ito dahil eat all you can. May mga promo lang na dapat e avail, either for two or barkada package. Pinili namin ang barkada package at dalaga namang mabubusog kami ng naglalakihang mga King crabs, lobsters, prawns, maliliit na shrimps at may alamang sauce. Bigla akong natakam ng ilatag na saamin ang order namin. Kamayan ang pag kain nila dito kaya alam kong mapapasarap ang pag kain ko.

"Ready na ba mga beks?" tanong ni Mico na nag hugas na ng kamay at nakangisi samin lahat.

"Ready!" sabay sabay namin saad na hindi maitago ang pananakam sa pagkain saaming harapan.

"Pak, lafang mga mami!" ang mando ni Mico at tawanan kaming lahat bago nag simulang kumain. Habang nag kwe - kwentuhan kami ay hindi maisawang mag katuwaan.

"Mi parang alimango!" malokong sad ni Michael kay Melissa

"At bakit naman?" tanong ng isa

"ang dami mo kasing paa!" naka ngising saad ni Michael dito

"Gaga waley ka naman eh!" saad ni Kyla

"Tingin ko si Cameron na talaga ang para sakin!" malandi at pabebeng saad ni Kyla

" Sure ka beks, bakit naman? " pag kokompirma ko

"Kasi siya na ang prawnscharming ko eh!" sabay sabi nito

" Ay infairness havey mi! Palakpakan lahat!" nakakalokong puri ni Melissa

Masayang natapos ang malalang kainan na may halong okrayan at katuwaan. Matapos yun ay napag pansyahan naming umuwi. Excited na magaganap na events sa susunod na week. Todo nato mga keke, laban na. Im so excited!


Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Where stories live. Discover now