CHAPTER 18

6.1K 203 8
                                    


Nagising ako mga 5 am at napaka aga pa kaya naisipan kong mag linis muna ng kwarto, hindi naman magulo ang kwarto ko, inayos ko lang ang mga gamit ko at pati kama ko.

Matapos akong mag linis at mag ayos agad akong naligo at naghanda para sa school, bumaba ako ng kwarto ko at nag tungo sa kitchen , nakita ko sila mama at papa na nag uuspap ata agad ko namang sinabi sa kanila na ako ang representative ng aming department sa Miss Gay University.

"Mama Papa, pinili po kasi ako ng Professor namin na ako ang mag represent ng Department namin , may approval nadin sa Department Head namin kinausap ako kahapon, para sa Miss Gay University."

Masayang balita ko sa kanila na may matamis nga ngiti para simulan ang umaga ko, ngumiti naman si mama at papa at natuwa sa binalita ko sa kanila.

"Oh, edi maganda yan ,nak diba sumasali ka sa pageant sa probinsya,Maganda yan para naman masubukan mo dito" sabi ni mama

"Oo nga anak, kaya mo yan. Manood kami ng mama mo" ang dagdag pa ni papa.

Nong nasa probinsya pa kami ay sumasali ako sa mga Gay pageants at nananalo naman, kaso di rin maiwasan ang umuwing talunan. Pero kahit ganun masaya lang kami palagi ng mga kasali sa sisterhood namin sa province. Kasi nag eenjoy kaming lahat

Natapos kaming mag agahan at natapos narin akong mag handa para sa school. Agad naman akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi. Sumakay ako at after 20 mins nakarating na ako sa school ng bigla akong salubungin ng isang teacher namin si Ma'am Bella at dalhin sa gymnatorium.

"Sorry Mika, hindi kita na inform pero ngayon ang pictorial niyo para sa social media darling award at para sa voting online." sabi ni ma'am Bella sakin with her apologetic look

"Ah okay lang po yun Ma'am Bella, eh pano po ang classes ko?" tanong ko naman sa kanya

" It's okay na inform na ang mga prof mo na ikaw ang representative ng department natin" sabi naman niya

Nagulat man ako at hindi na naka react agad biglaan kasi kaya bigla akong kinabahan. Hindi ako naka pag ready. Nang makarating na kami sa gymnatorium ay nakita ko ang ibang mga contestant ang iba mukhang babae talaga at lahat magaganda, hindi rin naman ako nag papahuli, kaya lavarnn ako, dedma na sa bashers.

Inayusan na ako ng light make up at pinagbihis ng casual, at pinasuot ng high heels, 8 inches na mas lalong nag pa haba ng legs ko, lamang ako sa ibang candidates sa height, kaya itotodo ko na to. Buti nalang talaga at asset ko ang height ko

Nag simula na ang pictorial at 15 kaming candidates para sa ngayong taon for MGU, samantalang diko alam kung nasan si bastos , hay nakakaloka bat ko ba palaging iniisip si John Albert, inis padin ako dun kasi siya na naman ang partner ko dito. Pwede naman iba naman. (Kilig din kaya ako sa kanya Choss!)

"Candidate # 7, your turn. Show me your beautiful poses and smile" ang utos ng photographer sakin

Panay naman ang pose ko, at hindi naman ako nag papahuli sa pag pose dahil nag workshop ako a modeling ng minsan na umuwi sila mama sa probinsya kasama ang ilan sa mga models nila dahil may project sila duon. Kaya may background ako kahit konti. Natapos ako ng puro papuri lang ang natanggap sa photographer na ikinatuwa ng aming professor na si Ma'am Bella

--------- Classroom -----------

"Uy Mika di mo naman sinabi na ikaw ang representative natin sa MGU. ang pambungad ni Michael na masayang masaya sa balita

"Sorry mi, at hindi ko na kayo na inform. Kahanon ng ipatawag kami ni Albert duon ko lang nalaman. Hindi na din ako naka pag online kagabe at burlogs ako agad." sabi ko naman sa kanya

Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Where stories live. Discover now