CHAPTER 1

11.6K 326 7
                                    

Maaga akong nagising dahil excited na ako dahil mag eenroll na ako sa isang magandang university dito sa maynila. Ako pala si Mika Villanueva, isang probinsyanang Transgender. Ako'y labing walong taong gulang na at kasulukuyang mag eenroll bilang isang freshman sa Bineldo University.

Sanay akong gumising ng maaga dahil ganito ako sa probinsya, kaka dating ko palang dito last week, dahil dito na din naman naka base ang parents ko. Nuong nag aaral pa ako ng elementary at highschool ay nasa probinsya ako at ang kasama ko lang duon ay ang mga pinsan ko at tita ko. Hindi naman sa pag mamayabang ay may kaya kami. Si mama at papa ay nag mamay ari ng isang kompaya sa clothing line, na trend ngayon sa buong bansa. Pero kahit ganun yun, gusto ko padin ng isang simple at masayang buhay.

Nag ayos na ako ng sarili ko, inayos ko na din ang higaan ko. Medyo naninibago padin ako pero masaya naman dito sa syudad, nakaka miss nga lang ang fresh air at ang mga kaibigan ko sa amin dati.

"Goodmorning pa" pag bati ko kay papa na nag babasa ng dyaryo at umiinom ng kape sa dining area namin.

"Goodmorning anak, oh napa aga ata gising ng prinsesa namin" ang tugon ni papa na may halong mahinang tawa.

Bata palang alam na nina mama at papa na akoy isang Dyosa at tanggap naman nila ako, kaya nga mahal na mahal ko sila, hindi ko naranasan na ipagtabuyan at hindi tanggapin ng mga magulang na siyang nararanasan ng ibang mga bakla o trans, nag iisa lamang akong anak nila kaya kung maka suporta sila ay wagas.

"Goodmorning anak" pag bati ni mama na may dala dalang omelet at inilapag sa mesa, agad naman itong yumakap sakin at humalik sa noo ko.

"Si mama talaga kahit kailan kung ituring ako ay parang baby. Malaki na po ako. Saka dalaga na ako." naka ngiti kong tugon kay mama

Tumawa si mama at papa at nakisabay narin ako, mahal na mahal nila ako at gayon din naman ako sa kanila. Sabay sabay na kaming nag almusal at matapos ay kanya kanya din kaming pag hahanda para sa mga lakad namin.

Nag handa na ako para sa aking pag eenroll. Matapos kong maka pag ayos, at maihanda lahat ng credentials ko ay pumili na ako ng susuotin ko. Ako kasi yung tipo ng tao na gustong gustong palaging naka outfit hehe, nahilig kasi ako dahil si mama at papa, spoiled ako palagi sa mga damit. Kaya nilabas ko na ang pinaka cute kong Jumper at isang fitted shirt na may print na napaka cute na panda. See my childish side. LOL

Hindi naman sa pagmamayabang ay masasabi kong may itsura naman ako, sabi panga ng mga kaibigan at guro ko sa dati kong paaralan ay para akong isang tunay na babae, isabay pa ang makinis at maputi kong balat, manipis na mga labi, matangos na ilong, magandang mata na kulay tsokolate, mahahabang pilik mata at maayos na kilay na alaga ko naman.

"Ma, tuloy napo ako." Pag papaalam ko kay mama sabay halik sa pisngi niya.

"Anak, sabay ka nalang sa papa mo, tutal paalis narin naman"

"Sige po Ma"

Sabay kaming umalis ni papa, at nakita kong malapit lang naman ang bago kong school, sa nakita ko isang sakayan lang at nasa harapan kana ng school, sana pala ay nag commute nalang ako. Pero sabi pa nga nila mas mabuting may kasama ako sa unang pag punta sa school para hindi naman ako maligaw.

"Sige Nak, una nako I love you." Sabay halik sakin ni papa sa noo

"Thank you pa, I love you po"

Nang maka baba ako sa kotse ni papa ay manghang mangha ako sa Gate palang ng University, ibang iba sa picture. Mas maganda at sosyal. BINELDO UNIVERSITY, isang sikat na privately owned university, colleges, Highschool, at elementary ay nandito na sa school nato. Halos malock jaw ako sa laki ng nga nga ko, hindi ko din napansin sa pag katulala ko ay nabunggo ako ng isang estudyante.

Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Where stories live. Discover now