CHAPTER 2

7.8K 242 7
                                    


"Anak , di mo naman sinabi sakin na kasama mo ang pinsan mo"

"Hindi ko naman po alam ni si Kuya Arthur ay pinsan ko, tinulungan niya ako kanina kaya nag kakilala kami."

Ang nakabusangot kong tugon kay mama na ikinatawa nilang dalawa. Tinawagan ko naman si papa at sinabihan naka uwi na ako sa bahay baka daanan ako dun sa school. Di nag tagal ay maaga din naman palang naka uwi si papa at nakilala si Kuya Arthur.

Madami silang pinag uusapan, nag kakamustahan at panay tanong ni mama at papa kay kuya Arthur kung pano kami nag kakilala. Habang nag uusap sila at na OOP ako ay umandar na naman ang kalandian ko. Ang gwapo ni kuya, kaya inusisa ko nalang ang buong pisikal na anyo niya hehe

Matangakad 5'11 √
Matangos ang ilong √
Maputi √
Makapal na kilay √
Mahahabang pilik mata √
Mapungay na mata √
Magandang katawan √
Manipis at mapupulang labi √

Basta ang gwapo talaga ni kuya, check na check ang ombre patok to sa masa for sure. Ano bayan mga ate nahuhumaling si watashi, sa sobra kong pag iisip di ko napansin na tinatawag na pala ako ni kuya para kumain na. Hindi ko napansin na tapos na pala silang mag usap at naka pag handa na ng hapunan dahil sa kalandian at pag d- day dreaming ko. Nang maka bawi ako ay ngumiti nalang ako pabalik kay kuya at sumama na papunta sa mesa. Masaya kaming kumain, may kwentuha na hindi padin matapos tapos ang buong akala ko ay tapos na sila yun pala ay pan salamantala lang para maka pag handa ng hapunan. Ngayon naman ay usapang pag aaral ang topic nila.

"Anong Course ang kinuha mo Arthur?" tanong ni papa dito sa kalagitnaan ng pag kain namin

"Engineering po tito" sagot naman niya

"Sumusunod sa yapak ng mommy mo ah, kelan ba ulit kami huling nag kita ng mommy?" tugon ni mama naman

"Matagal na po tita, mga Fourth Year highschool yata ako nun"

" Ay oo nga pala, anyways kumusta ang lolo mo? Galit padin ba siya sakin?" seryosong tanong ni mama sa kanya

So ngayon ko lang narinig na buhay pa ang lolo ko, kasi never namang nag kwento si Mama o si Papa about sa lolo ko.

" May sakit po ang lolo, Tita. Pero kahit papano ay maayos naman po ang kalagayan niya. Hindi ko po alam kung ano na po ang iniisip ni lolo." sagot naman ni Kuya Arthur

" Hayaan mo na Lucil, Alam mo namang ayaw sakin ng Daddy mo, kaya tinakwil ka niya" sagot naman ni papa

"Wait nga lang, bat di ko alam na may lolo pala ako, at hindi niyo kwenento sakin yan pa?" nagtatampong tanong ko kay papa.

Naka busangot ako pero patuloy padin ang pag kain ko. Natawa naman silang tatlo sa reaction ko.

"Ang cute naman ng pinsan kong mag tampo" naka ngiting saad ni Arthur, infairness ha kinikilig ako pero bawal mag pahalata.

"Sorry anak kung di na namin sinabi ng papa mo, napaka masayahing mong bata kaya di na namin sinabi para wala kang rason para malungkot. Gusto naming palagung naka ngiti dahil napaka ganda mo" pangbobola naman ni mama

"Mag Smile na yan, sigurado akong mag smile yan. Ang ganda ganda ng prensisa namin, hindi bagay ang naka busangot at nag tatampo" panunukso naman ni papa

Hindi ko napigilan ang sarili ko at ngumiti na nga, pag dating talaga sa mga magulang ko ay wala akong laban. Trinatrato nila akong bata nakakahiya man dahil anjan si Arthur ay napaka sweet naman kung iisipin.

"Maganda talaga ako, Maganda ang pinaghalo niyong Genes Ma and Papa." naka ngiti ko naman saad sa kanila

Tawanan ulit at tuloy ang kainan. Nang matapos ang hapunan ay napag desisyunan na ni Arthur na umalis kaya nag paalam na ito sa mga magulang ko. Ako na din ang nag hatid sa kanya sa may pintuan.

Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Where stories live. Discover now