CHAPTER 23

727 54 3
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, at todo supporta din naman sakin ang mga kaibigan ko sa tuwing may mga rehearsals kami. Palagi din silang andun dahil naka subaybay sila sa mga poging lalaki na kasali sa kontes.

"Goo miii, laban na mi! Push push for the win. Saka pwede pa usog mi diko makita si baby boy eh" naka ngiting saad ni Mico

"Ay ang landi ha! Kinabog mo naman si Kyla, halos tumulo na ang laway sa mga boys!" biro ni Melissa agad namang napa tingin si Kyla sa kanya

" Wow ha! Hindi katulad ng iba jan, basa na ang inuupuan!" pagkontra ni Kyla

"Ang ingay ha! Malalandi talaga kayo kaya mag kakaibigan tayo!" masayang saad ni Michael tawanan silang lahat at agaw pansin sa mga candidates na nag prapractice. Dinig na dinig ko sila at natatawa na din ako. May mangilan ngilan ding na nonood ng rehearsal. Matapos ang rehearsal ay agad naman kaming nag usap usap na umuwi ng maaga para maka pag handa dahil bukas ay ang mismong araw ng pageant.

"Mi excited na kami! Nasa harap kami at sisigaw ng sobra!" excited na saad ni Melissa

"Omg, thank you mga mi!" pasalamat ko sa kanila

" Oh siya sige na at nang maka pag beauty rest kana. After mong manalo celebrate tayo. Keri?" naka ngiting saad ni Kyla

"Ay ma pressure naman sa manalo!" napangiwi ako sa sinabi niya

"Ay ma wag nega! Mananalo ka! Ikaw ang pinaka dyosa sa lahat tapo brainy pa. Oh ikaw na uwi na kami. Choss!" malokong saad ni Mico

" Oo nga mi, kaya mo yan! Saka hello papalapin na satin ang inspirasyon mo. Kaya mauuna na kami!" saad ni Michael na hindi ko agad na gets. Bigla naman silang nag paalam at nag si alisan iniwan akong nag tataka. Napansin ko nalang na may tumikhim sa likod ko.

"Uhumm!" pag agaw ng pansin niya sakin

Kilala ko ang boses na yun, kanina pa niya ako hindi kinikibo sa rehearsal namin kaya na stress ako sa lalaking to. Hindi nag paparamdam at kung gusto lang ako kakausapin. Ano ba naman kasi to parang may kulang pag hindi kami nag babayangan ng Bastos.  Liningon ko ito at tiningnan sa mataray na tingin ko.

"Lets go. I'll have you meet someone." saad nito sakin sa seryosong boses.

"Luh, teka lang. Kanina hindi moko pinapansin tapos ngayon may ipapakilala ka sakin?" takang tanong ko dito dahil hindi ko siya maintindihan.

"No more questions! Lets go. After this I'll take you home." sabi pa niya

Kaya hindi na ako nag tanong, ano naman kaya ang nakain ng lalaking to at ako na naman ang nakita, baka pag tripan na naman ako. Lately kasi hindi na talaga ako nito ginagambala, minsan hindi pumapasok ano kanyang nagyayare kay John Albert. Bahala na, basta ihahatid naman niya ako pauwi kaya ayos lang.

Nakarating kami sa isang maganda at engradeng mansion. May mataas na pader, ang gate ay automatic na nag bubukas, nang makita ko ang pintuan ay halos malula ako. Hindi ito isang pangkaraniwang mansion. Parang palasyo ito. Sana all nalang ang nasabi ko sa isip ko.

"Wow ang laking bahay! Kanino naman to?" takang tanong ko sa lalaking walang imik na nag dra - drive. Sa buong byahe seryoso lang siya kaya hindi nadin ako nag tanong at nag pahinga nalang.

"It's our house!" maikling sagot nito

Grabe talaga ang naging reaksiyon ko, hindi ako makapaniwalang ganito kalaki ang bahay nila. Alam kong mayaman sila pero hindi ko expected na ganito pala kayaman. Nang makababa na kami ng kanyang kotse ay alangan akong humakbang sa likod niya matapos akong pag buksan nito ng pinto ng kanyang sasakyan.

"Let's go!" utos nito sakin

"Ahmm. Wait lang ba't mo ba kasi ako dinala sa bahay niyo? Saka nakakahiya baka anjan ang parents mo!" may pag aalinlangan kong saad dahil ayokong may masamang masabi ang kanyang mga magulang sa kanya, dahil sa pag sama sa isang kagaya ko sa bahay nila.

"No more questions babe! This will be fast. Don't worry my Mom knows were going to visit! My Dad is not around. So don't worry!" malumanay na saad nito na kinagulat ko. Pabago - bago na naman ang ugali nito, mula sa seryoso ngayon naman ay malumanay. So ano ba talaga? Pero kahit ganun kinilig naman ako sa babe niya, hindi na ko komontra at nagpatianod nalang sa kanya.

Nang makapasok kami sa kanilang bahay at agad na bumulaga sakin ang napagandang interior desing. May malalaking painting, picture frames nina Albert. Mayroon din silang Family picture na umagaw ng atensiyon ko. May babae pala siyang kapatid. Pero hindi na ako nag tanong at hinayaan ang sarili ko na usisain ang kanilang engradeng mansion. Mula sa magagandang palamuti at muwebles, bumungad sakin at isang engradeng staircase. Nako ano ba naman to parang palasyo, saad ko sa sarili ko.

Sa kakatingin ko sa mga design ng kanilang bahay hindi ko namalayan na narating na pala namin ang kanilang dining table. Doon sa dining table ay may isang magandang babae tingin ko ay nasa 50's na ito. Kahit na ganun ay angat dito ang kanyang mala aristicratang aura at kagandahan. Nang makalapit kami ay agad naman bumati si John Albert sa babae.

"Good evening Mom!" saad niya sabay halik sa pisngi nito

"Good evening son! Finally, you brought her with you!" naka ngiting saad nito habang naka tingin sakin. Bumati naman ako sa kanya at ngumiti ng pabalik. Nahihiya ako dahil baka may masasamang sinabi si bastos sa mama niya, jusko kasi diba palagi kaming magulo nitong damuho.

"You sit here Mika. Malapit sakin para makapag kwentuhan naman tayo!" nak ngiting saad niya. Nagulat naman ako at alam niya ang pangalan ko. Kaya hindi na ako umalma kahit na kinakabahan ay umupo ako sa tabi ng kanyang ina.

"Finally! I got to meet you iha. I'm Albert's Mother. You can call me Tita Barbara" pag papakilala nito sakin

"Hello po tita Barbara. Mika Villanueva po!" sabi ko naman

"Oh I know you honey! Palagi ka nalang bukang bibig nitong bunso ko!" naka ngising saad ni Tita Barbara sa kanyang anak. Napaubo si Albert at halos maibuka nito at tubig na iniinom.

"Mom!" reklamo nito sa kanyang ina. Ngumiti lang ang nanay niya at kung ano ano pang kwento ang pinag usapan namin. Masayang kausap si Tita Barbara, napakagaan ng loob ko sa kanya.

"Alam mo ba Mika na iyakin itong si Albert? Halos ayaw humiwalay sakin eh!" sabi nito.

"Mom! It's not true, don't believe here!" reklamo nito pero kahit ganun may bahid ng tuwa ang kanyang mga sabi. Hindi ko alam pero sa nakikita ko ngayon sa mga reaksiyon ng damuho ay may kung anong saya at pag kakontento sa kanyang mga ngiti. Ang ganitong mga emosyon ay ngayon ko lang nakita sa kanya.

"Isa pa iha, you know na lahat ata ng mga nurses at ibang mga medical practictioners na nandun sa hospital na pinag patulian ni Albert ay halos pag agawan na siya. May malaki kasing alaga to! Kaya swerte talaga ng pipiliin niya!" mapaglarong saad ni Tita Barbara

"Mom! Pati ba naman yan?" napahilamos si Albert ng mukha, napatawa nalang ang kanyang ina. Pinamulahan naman ako sa sinabi ng kanyang ina, kaya hindi na ako nagsalita. Masaya kaming nag kwentuhan, nakapag palagayang loob ko na si Tita Barbara at minsan naman ay sumasali sa usapan namin ang bastos na kanina ko pa pansin na naka tingin lang saming dalawa ng kanyang ina at parang tangang naka ngiti. Ang creepy ha!

"Goodluck bukas sa pageant niyo Iha! I know you're going to do great!" naka ngiting saad ni Tita Barbara sakin

"Thank you po, Tita!" pag papasalamat ko sa kanya. Matapos kaming kumain at kwentuhan ay nag paalam nadin kami. Hindi naman na kami pinigilan ni Tita dahil kailangan din daw namin ng beauty rest. Nang maka alis kami sa bahay nila at nasa byahe na kami ay tinanong ko naman ang damuho.

"Bakit mo pala ako dinala sa bahay niyo? Tanong ko ito kanina pero hindi mo naman ako sinasagot kaya ngayon sagutin mo na. Sige ka hindi ako makakatulog nito!" sabi ko sa lalaking nag dradrive ng kotse at seryosong naka tingin sa daan. Hindi padin ito sumagot kaya ayokong ma stress ang sarili ko hindi nalang din ako umimik. Hanggang sa narating na kami sa bahay namin. Pumasok kami at kinausap ni Albert ang mga magulang ko na magiliw naman ding nakipag usap sa kanya. Hindi din ito nag tagal at umuwi agad. Hinatid ko na siya sa kanyang kotse at nang maka pasok na ito ay bigla naman ito nang salita.

"It's because, I told myself that I'm going to introduce the person I like to my mom!" naka ngiting saad nito sabay paandar ng kanyang sasakyan at tuluyan ng umalis. Hindi ko pa maproseso ang sinabi niya kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko. Hanggang sa maintindihan ko na ang sinabi niya, pinamulahaan ako at kinilig. Ano bayan matutulog nalang ako may pakilig pa si mayor! Okray!
Goodnight mga beks, see you sa pageant! Ganurn!

Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon