32

1K 31 12
                                    

Kabanata 32

Habang naglalakad ako patungo sa lugar kung saan dumarami ang tao, ramdam ko ang lamig sa aking balat. Mga ala ala na hindi ko makalimutan. Masyado akong nalunod sa ala ala na hindi ko na kayang makaahon pa. 

Nang biglang may humawak sa braso ko, "Ayos ka lang? Gusto mo na ba umuwi nalang tayo?"

"Okay lang Andra, kailan pa ako naging KJ?" at tumawa ako.

Ngumiti saakin si Andra at hinatak na ako papunta sa aming pwesto. Pagka upo ko naramdaman ko rin na umupo si Gino saaking tabi. Lumingon ako saglit at tinutok ko na ang atensyon ko sa iba. Tumayo na si Klaus at sumenyas si waiter. Nanatili akong nakaupo, pinagmamasdan lang paligid ko. 

Mga taong nag sasayawan, mga nag uusap sa tabi, naghahalikan sa kanan, naghihipunan sa kaliwa. Mga nakasanayan ko ng makita tuwing pupunta ako sa mga ganitong lugar. Ramdam ko ang pagtingin saakin ni Gino. Ngunit wala akong pake.

Tumayo na ako at tumingin kay Andra, ngumiti ako at inaya siya ngunit siya naman ang tumanggi saakin.

"I'm good"sabi niya

Bantay siguro ng asawa, buti nalang ako wala!

Lumingon na ako sa pabalik kung saan madami ang nagsasayawan, ngumiti ako at dinama ang kanta. Gusto ko ulit maramdaman ang mga hindi ko nagawa nuong nakakulong ako sa pagmamahal.

I start moving my hips and close my eyes to feel the rhythm, touching my hips, and chuckle a little bit in a sexy way. Freedom...

"Andito yung anak nung Attorney pare!" rinig kong bulong ng isa sa mga lalaking nasa tabi ko

"Si Cresia!" 

Wala akong pake sa mga naririnig ko ngayon, ang gusto ko lang sumayaw ng sumayaw. Biglang nagbago ang music from chill to sexy vibes.Kaya mas lalo akong napangiti at napahiyaw pa sa sobrang saya.Dumilat ako, ganito pala yung saya pag malaya ka na...

Dahil duon, dumami lalo ang mga tao sa paligid ko. Ramdam ko na may humawak sa braso ko pero nawala rin yun ng maharangan pa lalo ng mga dumadating at pumupunta sa gawi ko kaya isinawalang bahala ko ito. 

"Hi Cresia!" bati saakin ng babaeng hindi ko kilala. Ngumiti nalang ako ng kaunti.

"Kailan ka pa umuwi dito sa pinas?" sabi niya

"Last week?"sabi ko habang sumasayaw

"Oh! Welcome back nga pala! nabalitaan ko yung nangyari sayo. Actually kalat siya kaya nga nagulat kami ng mga kasama ko na nandito ka" daldal ng babae

"Oh thank you!" sabi ko habang lumingon sa iba, lumingon ulit ako sakanya ng ramdam kong hindi pa rin siya umaalis sa pwesto. Tingingnan ko siya at tinaas ang kilay.

Ngumiti siya ng bahagya na para bang nahihiya sa kung ano man ang kanyang sasabihin.

"Uhmm pwede ka  bang maimbita sa pwesto namin? Nahihiya kasi mga kasama ko especially mga lalaki naming kasama. Baka tanggihan mo daw. Sabi daw kasi may boyfriend kana"

Alam naman palang tatanggi ako pero hindi dahil sa may boyfriend ako, ni hindi ko nga alam na may nobyo na pala ako. Mas advance pala sila saakin.

"Sure pero saglit lang ah?" sabi ko

Nagningning ang kaniyang mga mata, at hinila ako papunta sa pwesto nila. Tiningnan ko ang kaniyang kamay na nakahawak pa rin saakin. Nung napansin niya ay agad niyang binitawan.

"Sorry, uhmm eto nga pala yung mga friends ko" pakilala niya saakin

Isa isa silang nagsibatian saakin at nagpakilala, "Hi Fred nga pala" pagpapakilala ng isa sa familliar na nagsalita kanina. Nang matapos na sila sa pagpapakilala ay bumati na rin ako.

"Nice to meet you" sabi ko

"May kasama ka?" sabi ni Fred

"Yup, si Andra pinsan ko at si Klaus" sabi ko

Naglakihan ang mga mata ng mga babae nung narinig nila ang pangalan ni Klaus,matinik talaga.

"Talaga andito siya? where?" sabi nung isang babae

"I don't know eh, nauna siya umalis sa pwesto namin" sabi ko at nagpaalam na umalis pero biglang nagsalita yung Fred.

"Cresia uhmm your number? Can I get your number?" nahihiya niyang sabi

Tumango ako at binigay ang aking number.

Ngumiti naman siya at tuluyan na akong nagpaalam para pumunta kung saan ako sumasayaw kanina. 

Kaagad akong tinangay ng mga taong sumasayaw, at napunta ulit sa gitna. Hindi ko alam kung automatic ba 'yon. Sumayaw nalang ulit ako at sumasabay sa pagkanta. Tumingin ako sa nakapaligid saakin ng biglang may humila sa aking bewang.

"Where did you go?" kaagad na sabi ni Gino

"Dito lang?" 

"Kanina pa kita hinahanap" sabi niya

"Why?"

Wala na siyang sinabi at nanatiling nakatingin sa mata ko puno ng pag alala? hindi ko alam pero sa itsura niya ngayon ay mukha siyang natatakot. Hindi ko alam kung saan or kanino. 

Bumuntong Hininga siya at tila para bang nagpipigil habang nakapikit ang mata.

"Cresia pwede bang dito lang ako sa tabi mo?" sabi niya na nakapagpatigil sa systema ko.

Nawala ang pagkalas na music at biglang nabingi ako sa sinabi niya.

"Kung ayaw mo...pwede bang" hirap niya sabi, tumingin muna siya sa iba bago siya yumuko at bumuntong hininga ulit.

"Nothing, just do what you want and I'll guard you" ngumiti siya saglit at hinawakan niya ang aking ulo, mahinang tinapik ito na para ba akong bata na pinayagan lumabas.

Kita ko ang lungkot niyang mata habang unti unting tumatalikod saakin paalis. 

"Why Gino?" 

Pumunta ako sa pwesto namin at uminom ng mga nakalagay na drinks duon, inorder ata ni Klaus

"Woah easy tiger!" sabi ni Klaus ng masaksihan niya ang pag sunod sunod kong inom. Tumayo naman si Andra at nag aalalang hinawakan niya ang aking balikat.

"What's wrong Andra?"

"Nothing's wrong" right?

"Nothing's wrong when Brent is here instead of Gino" dagdag ko

Hinanap ko ang aking bag, at tinawagan si Brent. Nagring ang cellphone ko at sinagot na ito.

"Hey..." bati saakin

"Brent.." sabi ko

"What's wrong?"

"Everything's wrong when he's here" 

Walang nagsalita saamin at bumonting hininga siya

"Are you in a bar? Give me the specific place and are you drunk?" sabi pa niya

"I don't know, I just wanna go home"

"Right, I'll fetch you"

Pagkababa ng tawag ay yumakap na ako kay Andra habang si Klaus ay tinitingnan ako ng pagalala at halong pagtataka. 

"I still love him Andra, I still do" bulong ko habang kinakain ng malakas na music galing sa dancefloor. Humigpit ang yakap saakin ni Andra....

"I knew it from the start Cresia, but he's in relationship now with Heather"

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon