25

1.3K 34 14
                                    

Kabanata 25

Pagkatapos nun ay hindi na siya nag salita pa, ako naman patingin tingin sakanya. Kunot ang nuo at nakagat labi habang nagmamaneho ang kaniyang postura.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin, nagtataka ako at kabado sa kaniyang sinabi. Who's him?

Kanino naman niya ako pro protektahan? May mang yayari na naman bang masama? Mauulit na naman ba ang mangyayari dati? Andami kong tanong sa isipan ko kaya hindi ako mapakali.

Malapit na kami sa bahay dahil kita ko na ang subdivision na aming papasukan. Pero bago ko pa matanaw ang aming gate ay may nakita akong isang Range Rover na sasakyan na nasa gilid.

Nagtaka ako at hindi pa rin matanggal ang paningin ko sa sasakyan, hanggang sa huminto kami sa tapat at sininyesahan ang aming guard na papasukin kami.

Pagbaba kami sa aming kotse, natanaw ko ang mga bodyguard sa gilid ng aming pintuan. May isa akong namumukhaan at siya naman ay ngumiti saakin. Tanda ko pa na siya ang kapartner ni Gino.

Kaya naman lumingon na ako sa aming pintuan at kabadong pumasok habang nanatili sa gilid ko si Brent.

Pagpasok ko, bumungad saakin si manang Lourdes na sinasaway ang mga katulong. Tumikhim ako kaya napalingon siya sa gawi ko. Tumingin muna siya sa gilid bago pumunta saakin.

Ngumiti siya na para bang kinakabahan bago kunin ang aking ibang gamit.

"Kumain ka na ba ija?" Tanong niya

Sumagot naman ako, at tinanong kung nasaan si papa. Napawi naman ang kaniyang ngiti, napalitan ng kabadong istura.

"Ah...nasa office niya" sagot nito

Tumango ako at ngumiti, nagpaalam na para pumunta duon pero bago ako humakbang ay hinawakan niya ang aking kamay.

Tumingin naman ako sakanya, sa mata niyang aligaga. Hinihintay ko kung may sasabihin siya pero lumunok nalang siya at napabuntong hininga, inalis niya ang kaniyang kanyang kamay at ngumiti saakin bago umalis.

Napakunot muli ang aking noo at lumingon sa pintuan kung saan ang office ni papa.

Nasa harapan na ako ng pintuan pero hindi ko magawang pumasok, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ganito lang ako pag may ginawang kasalanan.

Tiningnan ko naman si Brent, na nakataas ang kilay habang nakasandal. Actually kahit siya nag hihintay sa gagawin ko. Napatingin ako sa door knob.

Paano kung ako nalang ang kakatok at siya ang papasok?

Napailing ako.

"Open Sesame" sabi ni Brent

Napalingon ako sakanya.
"Akala ko hinihintay mong bumukas mag isa ang pinto"

Inirapan ko siya at lumingon ulit sa door knob, suminghap muna ako bago ako kumatok at buksan ang pintuan.

Agad kong nakita ang lalaking nakatalikod saakin bago ako bumaling kay papa na naka kunot ang noo.

"Pa?" Panimula ko

Tinginan ko ulit ang lalaking nakatalikod muka ulo hanggang paa. Hindi ako nag kakamali. Si Gino ito.

Tumikhim si papa at pumunta saakin, hinalikan ang aking ulo bago ako paupuin nang hindi inaalis ang aking tingin sakanya.

Tumingin naman ako kay Brent ng umiigting ang panga habang nakangisi na.

"How was your day?" Agad na tanong ni papa, kaya naman napukaw ang atensyon ko sakanya.

"Good" mahina kong sabi

"May bisita ka po ata" ani ko.

Kaya naman tumingin si papa kay Gino na nakatalikod pa rin. Tumikhim ito bago sumagot.

"Uhh..yeah, why don't you go upstairs first?" Pag iiba ni papa

Tumango ako at lumingon sa gawi ni Gino, naglakad patungo sakanya. Nilahad ko ang aking kamay.

"Hi, I'm Lucresia" sabi ko ng nakangiti sakanya.

He just looked at my hand, then he looked at my eyes. I felt fire. They way he looked at me is like what I did was wrong. So I put down my hand and just smiled at him.

I know! It was stupid idea! I looked in other direction just to ease the tension between us.

"Gino, I am Gino" bigla niyang sabi

I looked at him, and smiled even more. After that, pumunta na ako sa gawi ni Brent na naka kunot ang noo bago bumaling saakin. Pagtingin ko kay Gino ganun din ang tingin kay Brent.

It was battling between fire and ice, kung anime lang ito malamang may kidlat na sa bawat titigan nila. Kinilabutan ako bigla.

Tumikhim si papa, "Brent"

Nawala ang ngisi ni Brent, he's back at being serious again.

Umalis siya sa pagkaka upo sa arm rest, at pinuntahan sa gawi namin ni Gino, pero huminto muna siya at tiningnan si Gino gamit ang maliliit na mata bago ako puntahan.

Nakakunot ang aking noo habang naglalakad palabas.

"Is there uhmm, is there something between you two?" I asked

Umiling siya at nilagay ang isang kamay sa bulsa at ang isa naman ay inakbayan ako. He even leaned his head right on me!

"We're lovers, lover" he whisphered. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Shoo you" sabi ko at inalis ang kaniyang pagkaka akbay saakin.

"Scew me" he playfully said, hinatid na niya ako sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong humilata sa kama at nagtakip ng mukha.

What was I'm thinking?! That was stupid!

Nagpagulong gulong ako sa higaan hanggang sa mahulog ako, but I realized that was good move! Magtataka siya kung bakit ako nagpakilala. Right? Genius!

Nanatili akong nakahiga sa lapag ng may kumatok, nagmadali akong tumayo at inayos ang mga gamit ko sa kama bago buksan ang pintuan.

Tumambad saakin si papa.

"Hey there sweetie"

Kumunot ang noo ko at binuksan pa lalo ang pintuan pero hindi siya pumasok kaya mas lalo akong nagtaka.

"I just want you to know that...that the food is ready. Let's go?" Anyaya niya

"Okay?" Lumabas na ako at dahang dahan sinarado ang pintuan. Hindi ko alam kung anong meron ngayon bakit kabado lahat ng tao, pati ako kinakabahan din.

Bumaba na ako at tumambad si Gino pati si Brent habang tinitingnan ako pababa.

Nauna si Gino pumunta saakin pero mas pinuntahan ko si Brent.Napangisi si Brent sa ginawa ko pero isinang walang bahala ko ito.

Dumiretso na kami sa hapag kainan, nanataling nasa likod si Brent at Gino gaya ng ginagawa ni Gino dati nung bodyguard pa namin siya.

So...what's happening?

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon