12

1.3K 34 6
                                    

Kabanata 12

Walang nagsalita saamin, nanatiling nanahimik ang paligid, ingay lang ng mga patak ng ulan at hawi ng mga hangin sa kadiliman, bigla kong tiningan ang katabi ko na nanatiling nakatingin saakin.

"Ang sabi daw saakin ng papa ko duguan na lang daw ako ng nakita niya sa Hospital, may nagdala daw saakin nun pero hindi daw niya kakilala" basag ko sa aming katahimikan

hindi sumagot si Brent kaya pinagpatuloy ko nalang, " Ang sabi daw nasa club ako nang nangyari ang gulo, yung supposed to be na bodyguard ko eh napabayaan daw ako" tumingin ako sakanya, "Gago noh?, sariling boss pinapabayaan." sabay pagak kong tawa.

"Maybe he has a reason"sabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya

"Reason? that's bullshit!" kinuha ko ang isa pang can at muling tinungga, "Reason ba kamo? Kahit anong rason pa yan tama bang inahin ang iba?! sa sariling boss niya? I don't see any acceptable reason kung bakit hindi ako ang naging priority niya.."

Bigla nalang lumabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha sa aking mata, ang sakit pa rin pala kahit ilang daang libong lumipas pa yan kahit ilang taon pag naalala mo masakit pa rin pala ..

Sobrang sakit na makita mong may akay akay na iba ang taong mahal mo..Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang talaga. Wala na rin namang pinagkaiba sa nakikita ko ngayon.

Dahang dahan akong pumipikit sa aking nakikita kasabay ng pagkirot ng puso ko, hindi ko alam kung saan na ba ako lulugar. Wala na akong pake sa kalagayan ko ngayon. Lumalabo na ang aking paningin at dahan dahan kong nakikita na may lalaking papunta saakin. Siguro nga ito na ang katapusan ko.

Hanggang sa napapikit na ako habang naririnig ko pa ang mga putukan ng baril, sigawan ng mga tao at sigaw sa pangalan ko. Ang sakit ng ulo ko hindi ko na kayang mag isip pa na kung anong mangyayari pagkatapos nito

Dahan dahan umangat ang aking katawan, nararamdamam ko ang init sa bumubuhat saakin, hindi ko na kayang dumilat pa para makita ito. Ramdam ko ang pintig ng kanyang puso na para bang hinahabol. Ramdam ko kung paano umaalog ang aking katawan sa kanyang pagtakbo.

"Hold on..." He whispered "Hold on please...baby" 

Nagising na lang ako sa lamig ng aircon, gumagalaw ang paligid habang akay akay ako. pagtingin ko sa lalaki hindi si Gino, Malabo pa rin ang aking paningin pero alam kong hindi si Gino ang nasa tabi ko. Siguro nababaliw na ako kanina, umasa na naman ako..

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon