11

1.3K 33 6
                                    


Kabanata 11

Agad akong sumakay sa kotse niya at pasimpleng sumulyap sakanya, nakita ko ang kaniyang ngiti bago pumasok sa kotse.

Sumandal naman ako sa bintana ng kotse nang biglang may narinig akong kanta.

"Hindi naman ako tanga, alam ko na wala ka na, pero mahirap lang na tanggapin hindi na kita kapiling" napakanta ako at agad niya akong tiningnan na para bang manghang mangha sa ginawa ko

"Iniwan mo akong nag iisa sa gitna ng dilim at basang basa pa sa ulan" napakanta na rin siya at nginitian niya na rin ako.

He even bang his head and act like he's the drummer in a band.

"Pero wag mag alala hindi na kita gagambalain alam ko na naman ngayon may kapiling ka ng iba" biglang sabay kaming napakanta at napatawa hininaan nalang niya ang kanta pagkatapos.

Hindi ko aakalaing kumakanta rin siya at mas hindi ko inakalang ang ganda ng boses niya.

Napasandal nalang ako at tumingin sa paligid ng bigla siyang nagsalita.
"Ilan taon kana ulit?"

"25, bakit?" Yung maliit niyang mata biglang nanlaki sa sinabi ko

"Tanda mo na, 24 palang ako" kahit ako nagulat rin kasi joke lang naman sinabi ko.

"Tapos kung ano ano pa pinag gagagawa mo saakin, wala kang respeto" napatawa nalang siya dahil naalala ko na naman ang pinag gagawa niya kaninang umaga.

"joke lang, 30 na talaga ako" sambit niya

"33 ako still mas matanda ako sayo"

"Eto na nga po ate, date na nga kita" pinisil pa niya ang pisngi ko

"Ate ka diyan? Don't touch my face yuck!" sabay inilayo ko ang kamay niya sa pisngi ko habang tumatawa pa rin siya.

"Matulog ka muna, matagal tagal rin ang byahe" sabi niya

"saan ba kasi tayo pupunta? pwede naman mall lang?" umiiling nalang siya sa sinabi ko at hindi na ako pinansin. Sa sobrang tahimik ng byahe ay nakaramdam ako ng antok.

Matagl tagal rin ang byahe dahil hanggang ngayon andito pa rin ako sa kotse pagkagising ko, nang bigla akong makaramdam ng gutom. Tiningnan ko agad ang katabi ko ng nakaramdam agad siyang tumingin saakin at biglang ngumisi.

"Gutom ka na noh?" tanong niya, tumango agad ako bilang sagot.

"Meron akong binili habang tulog ka" sabay tiningnan ko ang likod namin, Gulat ko ng andami niyang binili punong puno galing siguro ito sa drive-through. May mga french fries, apat na bucket ng chicken, tatlong box ng donuts, limang rice na nakabalot?, may mga chicken nuggets pa at tatlong 1.5 na mga softdrink jusko! Kung saan saan niya ata binili ang ibang nandito.

"Don't wory, it's safe" sinabi niya agad nung napansin niya ang reaksiyon ko pagkakita sa mga pagkain, nang biglang tumigil na ang sasakyan sa pag andar at bigla siyang lumabas. Pumunta siya sa likod ng kotse at may kinuha mula duon kaya lumabas na rin ako.

Ngayon ko lang napansin na mag gagabi na pala, umakyat ako para makita lalo ang tanawin at nagulat ako sa sobrang ganda. Tanaw na tanaw ko ang ang isla sa kabila. Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadawi saaking balat. Napabaling ako sa likod ng naramdaman ko ang ingay ng pagkakasara ng kotse. Nasa labas na ang mga pagkain na nakalatag sa makapal na tela na may 2 unan na malaki na aakaling mong higaan na iyon.

"Let's eat" tinanggal niya ang jacket niya at nilagay sa mga binti ko upang hindi ako makitaan. I am wearing a lacey dress that I regret, I should wear jeans and t shirt.

Nilagyan niya na rin ako ng kumot sa magkabila kong braso dahil napansin niya ata na nilalamig na ako. Pagtapos nun ay agad na akong kumuha ng chicken na agad niyang tinampal ang aking kamay kaya napabaling ako sakanya.

"Pray first" He glared at me.

Umirap ako at nag simula ng magdasal, pagtapos ay kinain ko na talaga ang chicken at kumuha na rin ako ng rice at nagsimula kumain. Napansin ko na hindi pa gumagalaw ang kaharap kaya tiningnan ko ito ng nahuli kong nakatitig lang saakin.

"why?" tanong ko sabay pagtaas ng ang kilay.

"you are so cute, I wonder why he left you for another woman" napaubo ako sa biglaang pagka seryoso niya kaya lahat ng nasa bibig ko nabuhos ko sa mukha niya , bigla niya akong binigyan ng tubig at inalo alo habang pinupunasan ang kaniyang mukha.

Napatawa ako sa reaksiyon niya hindi ko alam kung makakahinga pa ako sa sobrang tawa ko, God! Napatigil lang ako nung naalala ko ang mga sinabi niya bago ako mabilaukan.

I wonder why is he curious?

Napatigil ako ng biglang may tumulong tubig saaking pisngi,napatingin ako sa ulap at nagsimulang dumami ang mga malalaking patak ng tubig. Agad kaming tumayo at nagligpit. Nilagay ko ang mga tela at unan sa likod ng sasakyan habang siya ay kinukuha pa ang mga natitirang pagkain. Inayos ko ang tela at mga unan na kinalabasan ay ang kama. Umakyat na ako sa kotse habang si Brent naman ay umaakyat na rin sa kotse. Mas lalong lumakas ang ulan at mas lalong lumamig ang paligid. Pinagpatuloy pa rin namin kumain hanggang sa mabusog kami.

Niligpit na niya ang mga naubos at ang mga tira ay nagsilbing pulutan habang binubuksan niya ang isang beer in can.

"Only one can for you" sabay bigay niya saakin.

Uminom ako at lasang lasa ko ang pait ng aking nakaraan, Habang nakatitig sa labas na hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasarado ang pintuan sa likod ng kotse. kaya kitang kita ko ang patak ng ulan at hawi ng mga damo at puno sa paligid namin.

"What is his name?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sakanya.

hindi ko na kailangan tanungin kung sino ba ang tinatanong niya, kasi alam kong si Gino na yun.

"I-I don't remember" nasabi ko at iwas tingin

"really? I thought it was Gino? sabay inom.

"ahh baka siya nga, Nakalimutan ko na rin" sabi ko sabay uminom na rin

"Ano lang ba naalala mo?"

" 6-17 years old?" sabi ko habang nagtataka sakanya

"I mean before you had an accident, what is the last thing that you remember?"

Napatingin ako sa sa labas.

I remember the moment when I was falling while staring at the guy who's protecting his love.

and that should be me.

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon