30

1K 31 12
                                    

Kabanata 31

Nagising ako sa umaga sa katok ni Gino, late na pala ako nagising hindi ko namalayan dahil sa nangyari kagabi. Iniisip ko kung bakit nasasaktan pa rin ako kung alam kong hindi na ako yung para sakanya.

May pagkakataon na kahit anong gawin mong limutin ang isang tao hindi mo magawa kasi aminin natin sa hindi, naging masaya rin tayo dahil sakanila. Hindi ba pwedeng sa iba ka nalang maging masaya? kung pwede lang bakit hanggang ngayon mahal mo pa rin siya hindi ba?

Pagkatapos kong mag ayos, bumababa na ako. As always parehas na naman silang nag aabang saakin sa baba. At first I felt uneasy, but then kung araw araw ko ba naman makikita sila sa umaga normal na lang yung feeling. Except kay Brent, hindi ko alam pero tuwing titignan ko siya ibang klase yung tingin niya saakin.

I feel shy, na c-concious ako sa sarili ko. The way he stares at me is so deep. Tagos.

That's why I always look at other way,hindi ko alam kung manyak ba siya o nagagandahan lang siya saakin. Well, I probably choose the last one. 

Pagkababa ko ay agad akong dumiretso sa dining area, nakita ko si papa na nag kakape as usual.

Nag mano ako bago umupo. Madami ding kaming pinag usapan habang kumakain nang agahan. Kung hindi tungkol sa company namin ay tungkol naman sa pag momodelo ko. Gusto naman mag modelo hindi sa pangarap ko, gusto ko lang talaga. Iba pa yung pangarap ko.

"Si Gino ang maghahatid sa'yo ngayon Cresia, tumawag rin si Andra saakin iniimbita kayo ng kaibigan niyo. Si Klaus"

"and what about it?"

"I don't know, I did not asked after that. Hindi ako chismoso anak" dad said humorously

Umiling nalang ako at binuksan ko na ang cellphone ko para tanungin si Andra tungkol sa pag iimbita ni Klaus.

Last time I checked, Klaus and I were in good terms. Yes, after he failed of flirting with me. We end end being friends although hindi ako ganun sa mga na encounter ko. But he's with friends with Andra that's why.

Ako:

What about Klaus, Andra? Iniimbita tayo? Why?

Andra:

Ngayon niya lang daw niya nabalitaan na naka uwi kana pala dito, so maybe a welcome party haha! 9pm sharp. Dito mo nalang ako sa office sunduin.

Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi, sunduin? Eh hindi ko nga alam kung pupunta ba ako. But on the second thought, siguro kaya si Gino ang maghahatid saakin kasi anduon rin si Heather? Huh? Napangisi ako sa naisip ko. Hindi pwedeng ako lang ang nagmumukhang kawawa dito. Isasama ko si Brent!

Tumayo na ako at humalik sa pisngi ni papa, tsaka na ako nagpaalam. Hindi ko na nakita si Brent sa likod ko. Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad, ramdam ko ang presensya ni Gino na nakasunod saakin. Nang malapit na ako sa kotse ay nauna si Gino saakin maglakad para pagbuksan ako ng pinto.

Saktong pagbukas niya ng pinto ay tumama ang braso niya saakin na kung saan ay naramdaman ko ang isang matinding kaba at kilabot.

"My agency" sabi ko, bago pumasok sa kotse.

Sa buong byahe walang nagtangkang magsalita saaming dalawa, hanggang sa makarating ako sa agency ko ay tahimik pa rin siya. Kung apektado parin siya sa nakaraang nakita niya sa amin ni Brent, ano naman sakanya? It's not that he is jealous! asa nalang. Bumaba na ako at sumalubong saakin si Wensetell.

"Good morning Cresia! and Good Morning papa Gi--" putol na sabi ni Wensetell dahil nilagpasan na siya ni Gino

"Ay! Lq kayo?" bulong saakin, umiling naman ako and I cling my arms around his.

Umupo na agad si Gino, habang ako ay nag papalit ng heels. Pansin ko ang pag kunot niya at pagtingin sa aking likod. Sumulyap ako sa heels ko habang hirap na inaabot dahil sa sobrang taas nito. Biglang naramdaman ko ang init saaking siko sa pagkakahawak ni Gino. Nagulat ako dahil hinila niya ako at pinaupo. Lumuhod siya para isuot ang heels ko saakin. Nanlalaki pa rin ang aking paa sa kaniyang ginawa at pagtapos niya bigla siyang tumayo.

"Next time if you wear that goddamn shoes, wear them decently" sabi niya

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "What?"

Bumuntong hininga siya at tumingin sa aking mata na habang nakakunot parin ang kaniyang noo na tila para bang pinapahayag niya na wala akong alam. Lumapit siya saakin at bumulong.

"Huwag kang tutuwad" he said in a baritone voice, then he left.

Kaya naman tumayo na ako at pumwesto sa tabi ni Wensetell na kanina pa enjoy na enjoy sa panunuod saaming dalawa. 

"Tina, anong channel 'to? ang ganda ng teleserye, masubaybayan nga..." sabi niya sa malanding tono.

Umirap ako at pasimpleng tumingin kung saan lumabas si Gino, buong oras ay puro paglalakad lang at pagpapalit ng heels ang ginagawa ko. Hindi na rin bumalik si Gino. Napansin ko lang hindi dahil may pake ako. Umupo ako at nagpalit ng heels sa pang pitong pagkakataon.

Huling rampa ko na ito kaya naman medyo mabagal at pagod na ang aking pagkilos, tumayo na ako pagkatapos kong magsuot. Saktong pagpasok ni Gino sa kwarto na may dalang inumin para siguro saaming lahat. Dahil naka plastic bag pa ito. Biglang pumalakpak si Wensetell.

"Nag abala ka pa para saamin" kinuha niya ang plastic at pasimpleng paghawak sa braso ni Gino

Umayos na ako ng lakad nang tumingin siya sa akin at sa aking heels, natawa ako sa aking isip ng nakita ko ang pagkunot na naman niya ng noo dahil iba na ang ayos ng heels ko. 10 inches na siya at kung ikukumpara ako sa height namin ni Wensetell 'di hamak ay mas mataas na ako.

Tinagilid niya pa ang kaniyang ulo para lalong makita ang ayos ng paa ko, pasimple naman akong sumulyap sa paa ko ng nakita kong namumula na ito kaya naman iniba ko ang ayos ng aking paa para hindi na niya mapansin. Nagpatuloy ako sa aking pose at lakad at pagkatapos dumiretso na ako sa upuan para tanggalin ang aking heels. Pero bago ko pa man magawa yun ay kinuha na ni Gino at siya na ang nagtanggal. Kunot noo niyang tinitignan kung saan ang lock ng heels ko. Inikot ikot pa niya na parang isang Rubics cube ang suot kong heels.

Malalim ang pagbuga niya ng hininga nang matanggal na niya ang heels ko na parang nakabuo siya ng puzzle o dikaya naka solve ng problem sa math. Napahilamos pa siya ng mukha at umupo sa tabi ko at pumikit sa pagod.  

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon