36

450 13 7
                                    

Kabanata 36

Stone Cold

Randam ko ang hampas nang lamig ng hangin, mga kaluskos galing sa puno at ang lakas ng tibok ng aking puso. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi dapat ganito ang aking nararamdaman.

Masyado naba akong naging malambot?

Huminahon ka Cresia, wala siyang gusto sa'yo. Naawa lang siya at nakokonsensya sa nagawa niya. Bakit ba nasama ko pa sa utak ko na gusto niya ako? Parang hindi ako na ako natuto nuon pa. Wala siyang gusto saakin. Tapos.

Habang inaaway ko ang aking sarili, biglang may naramdaman akong init na nakayakap sa aking katawan. Jacket lang pala. Tumingin ako kay Gino, "Sorry, wala akong dalawang extra. So, I just cover you with my jacket."

"Hmm" nasabi ko at tumango, mag gagabi na kaya mas lalo kong ramdam ang lamig dito sa tagaytay. 

"Bakit naisipan mong dalhin ako dito?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit dito pa ang dami daming lugar. Inaalala ko kung may nasabi ba ako dati na gusto ko pumunta dito hanggang sa may naalala ako na nasabi ko na---

"You always wanted to go here, you said that you always wanted peace and quiet"  he said

Peace and quiet huh?

I am being quiet, but my heart is not at peace, ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga nagdaang oras.Para akong laging nasa panganib, kaya mayat maya tumitingin ako sa paligid. Ultimo pag galaw lang ng dahon, ramdam ko na may nag mamasid. Kilala ko ang sarili ko at hindi naman talaga ako ganito. Napasulyap ako sakanya, habang siya nakatulala lang sa aming harapan. 

Ang lalim ng iniisip ng nasa tabi ko, ano kaya ang iniisip nito? o hindi kaya sino? Nagtatanong pa ako, kilala ko naman na kung sino. 

Ang sabi ko nga, naawa lang siya. Gusto niya lang ako ipasyal para makabawi pero si Heather ang lagi niyang iniisip kahit na kasama ako. Sino ba naman ako? namumuo bigla ang galit ko, bumalik ang aking inis kaya inalis ko ang jacket at binigay sa katabi ko. 

Tinignan niya ang hawak hawak niyang jacket sabay tingin saakin na nagtatakha. 

"Gusto ko na umuwi, ang boring pala dito eh" nasabi ko habang nakatingin sa kotse

Hindi siya nagsalita at nilagpasan lamang ako para buksan ang pintuan. Nagsimula na akong maglakad papunta sakanya at nung pag apak ko papasok sa kotse rinig ko ang kaniyang malalim na buntong hininga.

Hindi ko na lamang pinansin, at tinignan siya sa labas na naglalakad papunta sa kabilang pintuan. Hinanap ko ang aking cellphone at naisipang magtipa.

To Brent:

Boring

Sabay send, at nagsimula na ring umandar ang kotse. Tumitingin lang ako sa kanan ko dahil ayaw kong sulyapan ang katabi ko. Peace and quiet my ass. I'm always quiet, I never said anything that is against from what I feel. Lagi nalang akong tahimik, hindi ko masabi kung ano yung masakit, kung ano yung gusto ko at kung ano ang ayaw ko. Gusto ko siya mismo makapansin, gusto ko kusa niya akong iintindihin, kusa niya akong magustustuhan.

 Gusto ko kusa niya akong protektahan. 

From Brent:

Where are you? Tara saan mo gusto?

Napangiti ako, at nagtipa ulit.

To Brent:

On my way na mag gagabi na rin pagod na ako

Biglang may narinig akong tikhim, tumingin ako kay Gino ng nakataas ang kilay

"You can sleep if you're tired" sabi niya

"Nope, I don't sleep in the cars" sabi ko, mahirap na 

From Brent:

You sure? In case you change your mind, I'll be waiting 

"Are you hungry?" sabi ng katabi ko

"Nope" sabi ko habang nakatingin pa rin sa cellphone, nag iisip ako kung ano irereply ko ramdam kong huminto ang kotse kaya napatingin ako sa harap at lumakas ang tibok ng puso ko. Tumingin ako sa paligid ko para tignan kung anong nangyari.

"Is he your boyfriend?"

Nagulat ako sa biglaang tanong niya, "What?"

"Is he your boyfriend?" ulit niya

"Who's he? madaming he" pabiro kong sumbat

Huminga muna siya ng malalim at sinabing, "Brent"

"huh?" nakikita ba niya convo namin?

"You're smiling while tapping your fingers in that phone, so I conclude you were chatting him." 

"Sorry, pero ano naman ngayon sa'yo?" 

Tiningnan niya muna ako ng napakatagal, hanggang sa pumikit siya ng ilang segunda sabay dilat. Binuhay niya ulit ang saksayan at pinaandar ng mabilis ang kotse.

"You didn't even know him that much"

"So am I with you, I didn't even know you that much" sabi ko

Sinulyapan niya ako sandali, at binalik ang tingin sa harap. "I can introduce myself a hundred times, don't trust that guy"

How could he say that? trust? gusto kong tumawa at ipamukha sakanya kung ano yung trust na sinasabi niya, "I don't trust you too, Bakit mo ba ako pinapakealaman? Did my father pay you just to tell me whom I was supposed to trust?"

"You don't know him that much, and neither does he. But me? I know you too well"

Hindi ako nakapag salita.

Mas lalong umandar ng mabilis ang sasakyan, mas lalo akong kinakabahan. "Ano ba?! slow down!"

Biglang bumagal ang andar nang kotse, kaya napatingin ako sakanya. He looks sad and worried. I can even see his veins sa sobrang kapit niya sa manibela. is he angry? Siya pa galit?

"I promise you with my life, I will introduce myself again, I will beg."

Tumahimik lang ako sa buong biyahe, at hanggang sa makarating na kami sa bahay. Hindi ko na hinintay siyang ipagbuksan ako, kaya nauna na akong umalis at nilagpasan si Brent na naakdungaw sa pintuan seryoso ang tingin sa aking likod.

Ayokong manumbat, at mas lalong hindi ako nanunumbat. Pero sa ilang taon kong  pagpapapansin at pagkukwento kung ano mga hilig ko, ayaw ko at kung saan ako masaya. 

"I know you too well"

Earlier,pinilit kong alalahanin kung may nasabi ba ako dati na gusto ko pumunta dito, hanggang sa naalala ko na nasabi ko na--

"Peace and quiet? edi duon sa Tagaytay ka pumunta! I don't like peace and quiet, I like loud and freedom."

Does he really know me too well?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon