26

1.2K 29 6
                                    

Kabanata 26

Punong puno ng katahimikan ang kapaligiran, hinihintay ko lang kung may magsasalita. Pero dumating na ang mga kasambahay at dala dala ang mga pagkain. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko, pakiramdam ko ay pinagmamasdan ako galing sa aking likuran.

Bumagal ang aking paghinga habang unting unting may namumuong pawis na nagmumula saaking noo at sa aking batok. Kabado pero kinakaya ko namang umayos sa pagkakaupo.

Paano ba ito? para akong nasa isang lugar na kung saan andaming taong nakapaligid saakin tinitingnan kung ano ang puputulin kong kable para mapigilan ang pagsabog ng bomba. Pero huli na ng mahulog ko ang kutsara. Feeling ko sumabog ang paligid ng pinulot ni Gino ang kutsara at binigay sa isang kasambahay. 

Nakita ko ang dahan dahan pagtingin ni papa sa kinilos nito at huminga ng malalim, nakaknerbyos ang sitwasyon ngayon, hirap akong huminga. 

"So..." biglang nagsalita si papa kaya tiningnan ko agad siya habang kumukuha ng pagkain.

"How's your day?" pagpatuloy niya.

Tumikhim ako at mabilis na lumingat sa gilid bago magsalita.

 "Good" ngumiti ako kahit ninenebyos, Hindi ko alam pero sa tingin ko pawis na rin ang aking singit sa sobrang nerbyos.

Tumaas lang ang kilay ni papa na parang nakukulangan sa sinabi ko kaya uminom muna ako ng tubig bago tumingin sakanya.

"Uhmm, I was actually practiced my walk and it got viral I think?"

Ngumiti naman si papa, "Great! and how about your manager?"

"Wensetell? well he's good I mean he's taking care of me. He takes all the responsibilities being manager"

Tumango naman si papa, "Okay I hope you do well and what about our company?"

Tumahimik muna ako bago maglipat ng tingin sakanya, hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko bukod sa gusto ko munang unahin ang gusto ko bago ang kompanya. Bukod sa abogado ang aking ama ay may inaalagaan rin siyang kompanya dahil kay mama. Si mama ang may ari ng kompanya pero nung nawala na siya ay pinanghawakan ito ni papa. Travel Agency. Dahil mahilig si mama mag travel ay siya mismo ang gumawa ng kompanya.

Lumawak ito ng lumawak dahil na rin sa maganda ang serbisyo, puro artista at mga kilalang tao ang pumupunta saamin, perks na rin ito kung kami naman ay gusto magbakasyon sa ibat ibang lugar. We have drivers na hatid sundo kayo, private plane pero dipende naman kung afford mo, of course tour guides, hotels and etc. All around services. 

"Soon papa, soon" I said

He nooded, nagpaalam na siya saakin bago umalis. Kaya ako nalang at ang mga bodyguards ang naiwan. Mas lalo akong na tense, pakiramdam ko buhay ko ang nakataya kung magkamali man ako ng galaw. 

Tinapos ko ang pagkain, hindi ako nabusog kasi puro lunok lang ako ginawa ko hindi ko na siya nginuya muntik pa nga akong mabulunan, matapos lang. Tumayo na ako at huminga ng malalim bago maglakad. Bago ako makarating sa sala alam kong  madadaanan ko si Brent at Gino. Nakita ko ang sabay nilang paglipat ng tingin saakin. Para akong ikakasal kaso dalawa nga lang ang naghihintay saakin sa altar.

Pumunta ako sa gawi ni Brent, lumunok muna ako bago magsalita.

"Make a schedule for me tomorrow, make sure walang maiiwan"bago tumingin kay Gino at lumingon na kay Brent na seryoso ang itsura. 

Hinihintay ko ang sagot ni Brent pero wala akong natanggap, tanging tango lang at iwas ng tingin saakin. Napakunod ang noo ko sa simpleng aksyon niya. Nagkibit balikat ako at nilagpasan na silang dalawa.

Hanggang sa umakyat na ako at pumasok sa kwarto, pagkasarado ko ng pinto ay isang malaking buga ng hangin ang ginawa ko at pinunasan ko ng aking noo. Huminga ulit ako ng malalim at binuga ito sa sobrang kaba at pagkalito sa nangyayari.

Ang akala ko ay galit ang aking ama kay Gino, ngayon bakit siya nandito?

Natatandaan ko pa ang sinabi niya simula ng magising ako ay puro masasakit na salita ang nanggaling sakanya. Pero bakit parang nagtilang anghel at kalmado siya sa nangyayari. Wala siyang sinabing rason nagpatuloy pa rin siya  na akala mo ay siya ang nagkaruon ng amnesia at hindi ako. 

Humiga na ako at nag iisip kung anong mangyayari bukas, Tumayo ako at umupo ng maayos kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung ano na ang nangyari sa mundo. Bukod sa viral kong video, si Brent naman ay nakikita ko sa news feed. Bigla kong naisip kung may account ba ito. Hinanap ko pero wala akong nakita. Baka siguro ibang name ang gamit niya. Naisip ko bigla bakit si Gino gamit niya ang sarili niyang pangalan?

Hinanap ko ulit ang account niya, ganun pa rin ang update. Walang bago si Heather pa rin. 

Natawa ako aking sarili, bakit ko ba siya pinagkukumpara kay Brent, di hamak na mas gusto ko pa si Brent kahit na baliw yuon. Kung sa itsura lang well si Gino ang panalo. Teka ano ba itong pinagsasabi ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko ito, nanlaki ang mata ko ng nakita ko si Gino ang dahilan.

Gino:

Are you still awake?

Hinampas ko ng unan ang aking sarili, makita lang kung nag iimahinasyon ako pero hindi. Nasaktan lang ako sa ginawa ko. Mag rereply ba ako or hindi ko iseseen?

Nagtatalo ang isip ko kung mag rereply ba ako, bakit? wala naman masama kung sabihin kong gising pa ako diba? Hindi naman ako mamamatay. Kaya naman lumunok ako bago magtipa ng sasabihin. Nanginginig at kagat labing nagtitipa.

Ako:

yup :)

Pikit mata kong isend bago bumuga ng hangin. Iba parin epekto pag talagang si Gino. Kumunot ang aking noo na realize ko kung anong pinag iisip ko, bakit kailangan ko pang kabahan eh wala naman akong ginawang masama. Sa simpleng chat lang nagkakaganun na ako bakit sino ba siy-

Muling tumunog ang aking cellphon, kasing bilis ng kidlat ko itong kinuha at binuksan, pagkabukas na pagkabukas ko ay hindi si Gino ang nag text, hindi ko alam kung sino kasi hindi siya naka registered.

Uknown:

Are you still awake? Im still organizing your schedule. Grabe! ang dami mong gagawin bukas. You should sleep, good night 

kumunot ang noo ko sa text, si Brent ito. halata naman. Walang kaba ko itong nireplyan bago nilagay sa aking contact

Ako:

Okay :)

Tinitingnan ko pa ang message ko bago makaramdam ng antok, pero biglang tumunog ulit ang cellphone ko, akala ko si Brent pero baliktad naman. Si Gino naman ang nag reply. Sa sobrang antok ko hindi ko na ito naisipang buksan. Pinikit ko ang aking mata ng maramdaman kong nag v-vibrate ang aking cellphone. Pero mas pinili ko nalang matulog.

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon