9

1.5K 34 5
                                    

kabanata 9

"lupit mo,I'm sorry too but I think you're not good enough, you're only good at wasting our time" pang gagaya niya saakin, kaya naman napahinto ako at tinitigan siyang masa kaya naman siya ay napatahimik at biglang nagbago ang masayahin niyang itsura.

bigla akong napabuntong hininga at lumingon sakanya. "gusto ko ng umuwi"

tumango siya at naunang maglakad saakin, masyado na akong pagod sa mga nasaksihan ko. Unang una ano ginagawa ni Gino sa Hospital? bakit nanduon siya sa Obygyiene? may anak na ba siya? sino asawa niya? si Heather ba?

"maam" biglang may tumawag saakin, si Brent na nasa malayuan na hindi ko namalayan lumagpas na ako sa aking sasakyan. Kaya agad akong naglakad papunta duon at sumakay na.

umaandar na ang sasakyan at habang bumabyahe kami ay wala paring umiimik. Kaya sinandal ko ang aking ulo sa bintana at pinikit ang aking mga mata.

"Andito na tayo" pagkakasabi ni Gino, agad akong bumangon at tiningnan siyang lumabas para pagbuksan ako ng pintuan agad akong lumabas at sinamahan siyang kunin ang aking mga gamit pero iniwas niya ang kanyang sarili bago ko pa ito makuha.

"pumasok ka na, ako na bahala" tiningnan ko muna siyang matagal bago ako pumasok, masakit pa rin ang aking puso. Hindi ko aakaling masasabi niya yun saakin. Ang hindi ako importante.

Hanggang pagpasok ng bahay ay matamlay parin ako, pero bago ako maka akyat sa hagdanan nauna na siyang umakyat dadala ang mga gamit ko kaya binilisan ko ang aking pag akyat makasabay lang sakanya. Pagdating ko sa kwarto ay nakita ko na siyang paalis na pero bago siya makaalis ay hinawakan ko muna ang kanyang braso.

"Ano bang ginawa mo na mas imporatnte pa saakin? o baka Sino?" tanong ko habang tumitingin sa kanyang hindi makatingin saakin.

"I believe that's my privacy" aalisin na sana niya ang aking kamay pero mas lalo ko pa itong hinigpitan.

"You promised" galit kong pagkakasabi. dahil totoo naman! nangako siya saakin na pupunta siya.

"Pinilit mo ako, peo hindi ibig sabihin na nangako akong pupunta ako" nagulat ako sa sinabi niya kaya lumuwag ang aking pagkakahigpit sa kanyang braso. Humakbang na siya palayo pero bago siya makaalis ay agad na ako napabalikwas.

"Si Heather ba? mas importante pa ba siya saakin?" agad siyang napahinto pero nagpatuloy ulit siya sa paglalakad, mas lalo akong nagalit.

"sagutin mo! pinipilit ka pa ba niya?"

"hindi na kailangan" pagkakasabi ni Gino, kaya agad akong lumingon sa ibang direksyon, sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon hindi ko na alam kung kaya ko pa ba siyang harapin kinabukasan"

"Maam andito na tayo" pagmulat ko ay hindi na si Gino ang nakita ko, kundi si Brent. Bumangon ako at nag ayos nag damit tsaka na binuksan ang pinto at dirediretsong lumabas, agad akong pumunta sa kwarto at binuksan ang gripo ng bathub, nung napuno na ay agad na akong humiga at pinakiramdaman ang maligamgam na tubig. Unti unti kong naisip yung naalala ko kanina nung nasa kotse pa ako, sumandal ako at pumikit.

Pagdilat ko ay umaga na, tiningnan ko bigla ang orasan at eksaktong alas singko. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa pag iisip kung anong mangyayari. Hindi ako importnate ang kapal naman niya ako ang boss niya. Dapat niya akong bantayan sa lahat ng oras. Sayang lang ang ibinabayad sakanya ng papa ko.

Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko, puno ng hinanakit ang puso ko ngayon. miski ayaw ko na siyang makita. Pag tunong ng alarm ay saktong alas sais na akaya agad na akong bumangon, ginawa ko na lahat ang routine ko, pagtapos ay bumaba na ako at kumain.

"Good morning papa" humalik ako sa pisngi ni papa at nagpaalam na rin akong umalis. Saktong pag lingon ko ay pagbukas ng kwato ay lumabas na si Gino na pormal na ang suot.

isinang walang bahala ko iyon at nag patuloy nasa paglalakad, Nang nakalabas na ako ay tinawag ko ang isang driver kaya nagtaka naman ito.

"maam diba si Gino po ang maghahatid sundo sa inyo?" nainis ako at agad siyang nilingon

"Ayoko pinaghihintay, ikaw naman ang madadagdagan ng sahod ngayon may problema ba?" kaya binuksan na agad ng driver namin ang pintuan at agad akong sumakay. Pag bukas ng makina ay nakita ko na si Gino na palabas na nakakunot ang nuo habang tinitingnan ang kose ko.

"bilisan mo" napasabi ko nalang dahil naglalakad na si Gino papunta sa direksyon ko, umamdar na ang kotse ay nakasunod pa rin ang tigin ni Gino na para bang nakikita ako sa loob ng kotse kahit tinted ito.

pumunta na ako sabuilding namin at nagsimula ng mag train bilang assistant, ayokong maging ceo na walang alam sa aming negosyo kaya hanggat maari gusto ko muna mapunta sa mababang, na may mapapatunayan ako na walang tulong kahit kanino. ito ang aking pagkakaabalahan habang hindi pa ako nag kaklase sa mga oras na ito.

pagtapos ko na ay nagpalit na ako bilang estudyante, nakita ko si Gino nakaabang sa labas ng building. Napahinto ako sa harapan niya at nagpatuloy nang maglakad papunta sa driver ko nang biglang may humatak sa aking braso.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong niya.

"naglalakad?" sagot ko na pabalang, kaya lalo siyang nagalit

"Ako ang mag susundo sayo at maghahatid, pero anong kalokohan ang ginawa mo kanina? nauna ka." nainis ako sa sinabi niya, kalokohan?

"Ang ayaw ko ang pinaghihintay ako, wala kang karapatan manunmbat kase binabayaran ka lang! kaya pwede ba? may driver ako ngayon. siya ang naghatid saakin siya rin dapat ang magsusundo kaya wag kangg pala desisyon!" natigilan siya sa sinabi ko at bigla kong inilayo ang sarili ko sakanya, habang naglalakad ako ay nakangisi ako. hindi ko aakalain masasabi ko iyon sakanya kaya sumakay na ako ng kotse

habang umaandar ang kotse ay nakikita kong nakasunod siya saakin, lalo akong napangisi dahil ngayon siya naman ang naghahabol.

Napabalikwas ako ng marinig ko ang tumutulong tubig na nanggagaling sa bath tub kaya umalis na ako sa bathub at nag ayos na ng aking sarili para sa aking pagtulog habang sinusukalayan ko angaking sarili ay ngumisi ako habang inaalala ang nangyari.

"Sisiguraduhin kong ikaw naman ang maghahabol at magmamkaawa ngayon"

HER LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon