Chapter 13

560 56 48
                                    

NAGMAMADALI akong makauwi sa hotel at pagdating ko hindi pa ako nakakaupo inulan na ako ng putak ni Karen as always ganyan siya.

"My god Cassy! Where have you been? I was calling you but you never answer your phone akala ko kung napano ka na!" worried na sabi niya. Si Karen siya iyong tipo na strict pero mahal ako niyan alam niya lahat ng pinagdaanan ko.

"I'm with my friends last night nalasing ako," cold na pagkasabi ko.

"My gosh! Next time mag-ingat ka baka may makakita sa'yo at pagpiyestahan ka," paalalang sabi niya.

"Pero may tumawag daw sa'yo and kay Che (my PA) para tanungin kung saan ako tumutuloy?" tanong ko. Pero bakas sa mukha nila ang pagtataka.

"Wala akong natanggap na call. I was holding my phone the whole day kasi worried ako sa'yo. Ikaw Che may natanggap kang call?" pagco-confirm niya kay Che at umiling ito. Now I know nagsinungaling ka Liam liar! Inis na sabi ng isip ko.

"Are you sure wala talaga?" paninigurado ko sa kanila.

"Oo nga sino raw ba iyong tumawag?" tanong niya.

"Wala nevermind, ano sched ko today?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"You have poster signing at around ten am it's already eight. You only have two hours to prepare." Tiningnan ko ang watch sa aking wrist.

"Okay maligo lang ako then alis na tayo." Pagkasabi ko umalis na para maghanda.

           

           3rd Person Point of View

Sa opisina naman ni Liam habang abala sa pagtratrabaho hindi niya inaasahan makikita niya si Noah. Dahil alam din niya busy ang kaibigan sa mga business nito at nakapagtataka may dala itong bouquet of tulips. Talaga bang seryoso siya? Ang sabi ng isip niya.

"Why are you here?" tanong niya kay Noah na nakakunot ang noo.

"Is Cassy here?" balik tanong naman ni Noah.

"I don't know," cold na sagot niya sa kaniya.

"Ah ok I just want to ask her to go out," nakangiting sabi niya.

"Ask her for a date?" pagco-confirm ni Liam pero may diin.

"Yes bro," mabilis na sagot niya.

"Are you serious with her? Hindi ka ba busy?" tanong niya.

"Yes, I'm serious for her matagal na. I'm busy pero mas mahalaga siya sa akin," diretso niyang sagot.

"I don't know where she is? Just call her manager," sabi niya sa kaibigan.

"No bro I just call Cassy. I have to go bye." Nagpaalam siya at umalis na. Nang nawala na sa paningin niya si Noah may tinawagan ito.

( bonjour...j' ai quelque chose a faire pour moi....la chercher chaque fois qu'elle va...les yeux sur elle...comprendre?...okay au revoir)

Translation: Hello... I have something to ask you to do...look for her everytime she goes...eyes on her...understand?...okay bye

Dumating si Cassy sa signing na fresh ang mukha kahit hindi todo ang ayos nito. Hindi makakailang napakaganda niya kaya siya ang tinaguriang number one sexiest and beautiful women in the world. Hindi niya lang pinasok ang acting pero marami ang kumukuha sa kaniya para gumawa ng isang movie at tv series pero tinatanggihan niya lang.

Kaliwa't kanan ang hiyawan ng kaniyang fans pati ang seguridad todo higpit. Nang magsimula ang signing napakahaba ang pila. Nagpapa-picture sila sa kaniya na hindi naman niya tinanggihan. Bakas sa mukha niya ang pagod pero hindi niya ito ininda dahil para ito sa mga fans niya. Tumagal ng ilang oras at ng matapos todo pasalamat ito sa mga fans. Nagpahinga muna siya ng konti then hindi niya inaasahan may dadalaw sa kaniya. Nagulat siya dahil may dala itong bouquet of tulips.

"Oh hi Noah what a surprise! Why are you here?" tanong niya.

"I'm here to ask you to go out with me?" Naalala bigla ni Cassy iyong usapan nila na lalabas.

"Oh Yes! I remember may usapan tayo na lalabas!" masiglang sabi nito.

"Oo buti naalala mo pa akala ko nakalimutan mo na." Nakangiting nakatingin kay Cassy.

"No hindi ko nakalimutan." Naka-smile lang siya palagi habang kausap niya ito.

"By the way this is for you." Sabay abot niya sa bouquet of tulips.

"How did you know na favorite ko ang tulips Noah?" Nagtataka siya. Paano niya alam?

"You already forgot Cassy nabanggit mo sa akin nung college pa tayo," sabi sa kaniya.

"But how?" tanong niya nito.

"Ok ipapaalala ko sa'yo," sagot nito.

Flashback

Natagpuan ni Noah si Cassy sa favorite place niya sa school tuwing malungkot ito. Umiiyak siya kaya nilapitan niya.

"Still crying again si Liam na naman ba?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata niyang lumuluha. Tanging tango ang sagot nito.

"Nakita ko siya may kahalikan na babae at ang masakit nito pinakita pa sa akin," umiiyak na sabi niya.

"Liam is always like that kahit sinong babae hinahalikan niya. Pero para sa kaniya wala ibig sabihin ang halik na iyon. Parang pampalipas oras lang niya. You better forget him Cassy kasi palagi ka lang niya sinasaktan. Cheer up! Stop crying okay?" Pagche-cheer up niya para hindi na umiyak. Pero tuloy pa rin sa pag-iyak si Cassy.

"Okay sige, ano ang isang bagay na magpapasaya sa'yo?" tanong niya.

"I like tulips iyon ang favorite flower ko. Everytime I see tulips napapasaya ako." Paliwanag niya. Pero walang makita si Noah ng tulips kaya tumingin siya sa paligid tanging gumamela lang ang nakita niya.

"Ito na lang muna gumamela Cassy ang ibibigay ko wala akong makita na tulips pero balang araw tulips na ang ibibigay ko sa'yo," sabi ni Noah sabay abot ng gumamela kay Cassy natawa ito sa kaniyang ginawa.

End of flashback

"Oh naalala mo na?" tanong niya.

"Yes Noah nakakahiya kasi iyakin ako noon hanggang ngayon iyakin pa rin ako." Malakas na tawa ang binigay niya pati si Noah natawa na rin.

"So are you free now?" tumango lang si Cassy.

"Let's go," pagkasabi ni Noah umalis na sila.

Sa isang restaurant na pamamay-ari ni Noah sila pumunta elegant ang itsura sa labas at loob. Puro mayayaman ang kumakain. Masaya silang nagkwekwentuhan at mahahalata mo panatag ang loob nila sa isa't isa. Sa mahaba nilang pag-uusap hindi mapigilan ni Noah ang nararamdaman niya para kay Cassy kaya hinawakan niya ang kamay nito na nakapatong sa mesa.

Sa kabilang banda may tumawag kay Liam tungkol sa pinag-uutos niya at may pinadala sa kaniya na picture. Pagkakita niya agad siyang sumandal sa shiwel chair at minasahe ang sentido nito. Hindi siya mapakali mga ilang minuto rin na nasa gano'n siyang position at nagmamadaling umalis.

================================

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ