Chapter 22

468 51 35
                                    

AFTER one month ng ma-reveal ang relasyon namin ni Liam in public marami kaming naging project. Maliban sa pagma-manage namin ng kanya-kanyang business, may mga photoshoot, guesting from different tv shows, interview sa mga magazine at ngayon mayroon kaming shooting for endorsement commercial para sa isang toothpaste product. Natapos namin ito ng isang araw at nang makita namin ang unedited video maganda na ang kinalabasan, what more kung na-edit na. Nagpapahinga kami ni Liam sa may dressing room ng dumating si Che ang PA ko.

"Ms. Cassy may nagpapabigay po," sabi niya at inabot sa akin ang bouquet of tulips.

"Ikaw sweetheart ah may pa-surprise ka pa riyan na nalalaman at pina-deliver mo pa talaga. Thank you sa flower sweetheart," sabi ko at hinalikan siya pero tahimik lang ito.

"Are you okay sweetheart? Can we go now?" tanong niya at umalis na kami.

"Guys sina Cassy at Liam tara pa-picture tayo sa kanila at magpa-autograph." Narinig naming sabi ng mga fans so ang ginawa namin tinakbuhan sila joke lang siyempre hinarap sila treat your fans very well. Nagpahatid ako kay Liam sa isang restaurant dahil kikitain ko sina Olivia at Emma. Siya naman pabalik sa kompanya niya.

             3rd Person Point of View

Pagkahatid ni Liam si Cassy umalis agad ito pabalik sa kompanya. Habang nagmamaneho tinawagan niya sina Noah at William pinapapunta niya mga ito sa kompanya. After thirty minutes nakarating na siya at naroon na rin ang dalawa. Masamang tingin ang ginawad niya kay Noah na pinagtaka ng kaibigan.

"Woah! Ngayon lang ulit tayo nagkita bro kung tingnan mo ako para kang papatay," sabi nito sa kaibigan.

"Ikaw ba ang nagpadala kay Cassy ng bulaklak?" diretsahang tanong niya kay Noah.

"Ako? Bakit ko naman padadalhan ng bulaklak si Cassy wala naman okasyon?" confident na tanong nito.

"Maliban sa mga kaibigan niya ikaw lang naman ang nakakaalam ng favorite flower niya." Titig na titig ito habang sinasabi.

"Alam ko nga pero I swear bro hindi ako ang nagpadala at ayoko sirain relasyon niyo ni Cassy," sagot niya sa kaibigan.

"Teka nga bro kung makatanong ka para kang imbestigador may nangyari ba?" tanong ni William. Napaisip saglit si Liam bago sumagot.

"May nagpadala kay Cassy kanina ng bulaklak akala niya galing sa akin kaya nagpanggap na lang ako, habang hindi ko pa nakokompirma kung kanino galing," mahabang sagot niya.

"Baka naman galing sa mga fans niya huwag ka masyado paranoid bro ganyan ang nagagawa ng pag-ibig kaya nga ayoko eh," sabi ni William habang tinatawanan si Liam.

"Tumigil ka nga Will, ayaw mo oh baka bakla ka lang?" pang-aasar ni Noah sa kaniya at ayon nag-asaran na ang dalawa.

"Hey! Stop guys baka nga tama si Will na galing sa mga fans masyado lang akong nag-assume." Sumandal ito at hinilot ang sentido.

"Alam mo bro pagod lang iyan kaya kung ano-ano iniisip mo. Tara sa bar mo mamaya," anyaya ni William na nagpatango kay Liam.

Sumapit ang gabi at nasa bar sila ni Liam. Nagre-relax silang magkakaibigan ng may mga babaeng nagsulputan at halatang nakikipaglandian sa kanilang tatlo.

"Girls look who's here mga eligible bachelor," malanding pagkasabi ng babae.

"Hi! Handsome," sabi niya kay Liam.

"You want some fun?" tanong pa niya habang hinihimas ang dibdib nito. Pero walang pakialam ang binata.

"Girl huwag na iyan si handsome Liam may Cassidy na siya," sabi ng isa pang malandi na babae.

"Okay lang iyon girl wala naman siya rito at hindi mo naman ipapaalam sa kaniya 'di ba?" malanding tanong niya habang patuloy pa rin sa paghihimas.

"You bitch get lost!" galit na sabi nito sa babae at tinanggal ang kamay na nakahawak sa dibdib nito.

"Suplado ikaw na nga itong pinapaligaya hmph!" umirap na lang ang babae sa kaniya.

"Come on girls! Umalis na tayo rito mga choosy pala ang mga ito wala tayong mapapala," saad ng isa.

"Bitch!" sabay-sabay na sabi ng tatlo. Dumating si Dave ang tauhan ni Liam para mag-report sa kaniya.

"Ano ibabalita mo sa akin?" cold na tanong nito sa kaniya.

"Boss kanina po kasama ni Mam Cassy iyong mga kaibigan niya. Pagkatapos nilang kumain sa restaurant nag-shopping po sila tapos umuwi na rin si mam kaso po-" pagpuputol ni Dave sa sasabihin.

"What Dave spill it!" galit na pagkasabi ni Liam.

"Nakita ko po kasi na may nag-deliver ng bulaklak kay Mam Cassy sa suite niya. Tinanong ko iyong nag-deliver kung kanino galing hindi niya raw alam pina-deliver lang din sa kaniya," paliwanag ni Dave.

"Mayroon na naman grabe magmahal mga fans ni Cassy pati sa suite niya," sabi ni Noah.

"Imposibleng sa fans lang galing iyon pati room number alam nila kung saan tumutuloy si Cassy," opinion ni William.

"Actually naisip ko na rin iyan. Dave, nung sinundan mo maghapon si Mam Cassy mo wala ka ba kakaibang napansin?" tanong nito.

"Wala naman po boss maliban na lang sa madaming sumusunod kay mam para magpa-picture at magpa-autograph," sagot ni Dave.

"Okay basta subaybayan mo siya palagi kahit saan siya magpunta." Utos ni Liam at tumango lang si Dave.

Gusto niya puntahan si Cassy kaso late na masyado kaya naisip niya bukas na lang. Tinawagan niya ito para kumustahin.

("Sweetheart what are you doing?"...kasama ko sina Noah at William nasa bar kami...yes I know...take care sweetheart...I love you goodnight.") Binaba niya ang phone na balisa.

"Anong sabi bro?" tanong ni Noah.

"Nagpasalamat ulit dahil do'n sa bulaklak. Hindi ko masabi sa kaniya na hindi ako iyon." Hindi siya mapakali habang sinasabi.

"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo na hindi galing sa'yo?" tanong ni William.

"Huwag muna hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang nagpapadala. Pinapakilos ko na mga tauhan ko pati private imbestigador," sagot niya sa kaibigan.

"Baka naman may fans si Cassy na stalker," singit ni Noah.

"Baka nga hindi malayong mangyari iyon," wika ni Liam habang pumipikit na ang mata.

"Kaya mo pa ba bro mag-drive parang inaantok ka na?" tanong sa kaniya ni Noah.

"Okay lang ako bro magpahatid na lang ako sa mga tauhan ko." Pagkasabi niya iyon umalis na rin sila.

"Hahaha!" tumatawa siya ng malakas dahil alam niyang napapaisip ng sobra si Liam kung sino ang tao sa likod nito. "Papasakitin ko ang ulo mo Arnault sa kakaisip. Galingan mo ang paghahanap kung mahahanap mo. Konting araw na lang mawawala na siya sa'yo hahahaha." Kausap niya ang sarili habang nakatingin sa salamin.

================================

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Where stories live. Discover now