Chapter 25

484 53 41
                                    

           3rd Person Point of View

PAGDATING ni Liam sa hideout agad niyang tinapon ang kaniyang suit jacket. Naglagay ng alak sa baso at minsanang nilagok. Hindi pa nakampante ininom na lang niya ang bote ng alak na walang tigil. Dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Pinagbabasag niya lahat nang makita niya at pinagsusuntok ang pader. Pipigilan sana siya ni Noah pero pinigilan ito ni William.

"Let him," iyon ang nasabi ni William kay Noah. Kaya walang nagawa ang mga kaibigan niya kung hindi panoorin na nagwawala si Liam. Pati mga tauhan niya naaawa sa sinapit ng kanilang boss. Nang mahimasmasan na si Liam umupo ito at pinagtitingnan ang mga nakatingin sa kaniya.

"Lintik lang ang walang ganti!" iyon ang nasabi niya habang pinagmamasdan ang mga sugat sa kamao.

"Ano plano mo ngayon bro?" tanong sa kaniya ni Noah.

"Hanapin ang may gawa at parusahan!" puno ng galit ang makikita mo sa mukha niya.

"Bro huwag mo dungisan ang kamay mo ipaubaya mo na lang sa mga pulis," payo sa kaniya ni William.

"Huwag kong dungisan? Ang pagpatay nila sa babaeng pinakamamahal ko hindi ba nila dinungisan ang mga kamay nila? Hindi na sila naawa pati buhay ng anak namin nadamay, dapat ako na lang!" sabi niya sa kaibigan na umiiyak.

"Magpakatatag ka kung nandito si Cassy ngayon ayaw niyang nakikita kang ganiyan," tinatapik siya ni Noah habang sinasabi.

"Si Cassy lang ang nagpapalakas ng loob ko kaso wala na siya. Ano pa silbi ng buhay ko ngayon?" Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"Nandito kami bro hindi ka namin pababayaan magtulungan tayo para mahanap ang gumawa," sabi ni William habang nakatingin sa kaibigan na wasak.

Dumating si Dave at may binulong sa kaniya pinakita rin ang kuha niya sa phone.

"Sigurado ka?" pagco-confirm ni Liam tumango lang ang lalaki.

"Ano raw bro?" tanong sa kaniya ni William. Pinakita sa kanila iyong kuha sa phone ni Dave.

"Bungo na may nakatusok na rose," nagtatakang sabi ni Noah. "Bago lang yata sa paningin ko ito wala sa mga kalaban natin," dagdag niya.

"Bago lang na grupo or matagal na pero tahimik lang kaya hindi natin napapansin," opinion naman ni William. Tinawag niya ulit si Dave.

"Alamin niyo lahat ang tungkol sa grupo na ito at kung sino ang pinuno nila!" maawtoridad na utos niya. Tumango si Dave at umalis na. Kung sino ka man sa likod nito humanda ka sabi ng isip ni Liam.

"Bro itigil mo na ang pag-inom kahit lunurin mo ang sarili mo sa alak hindi na mabubuhay si Cassy!" galit na sabi ni Noah.

"Ano ba alam mo sa nararamdaman ko wala? Kaya huwag mo akong pakialaman!" Saka niya tinabig ang kamay ng kaibigan.

"Sa palagay mo wala? Alam ko ang nararamdaman mo, minsan ko rin minahal si Cassy. Pero putangina bro nagpaubaya ako para sa'yo, kaya masakit din para sa akin ang pagkawala niya," sabi niya kay Liam habang pinipigilan ni William ang dalawa.

"Huwag kayong mag-away bro mas dapat na magtulungan tayo kaysa magbangayan sa isa't isa," sabi ni William.

"Iwan niyo na ako rito gusto kong mapag-isa," sabi niya habang tuloy sa pag-inom ng alak.

"Nandito lang kami bro huwag mo isipin na nag-iisa ka," sabi ni William.

"Sorry bro magtulungan tayo para kay Cassy," sabi naman ni Noah. Nag-bro hug ang tatlo. Naiwan si Liam sa hideout na tuloy pa rin sa pag-inom.

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz