Chapter 14

544 54 56
                                    

NAGMAMADALI akong lumabas galing banyo. Katatapos ko lang maligo pagkahatid sa akin ni Noah. Nag-shower agad ako tanging roba lang ang suot ko. Wala akong ideya kung sino ang nagdo-door bell. Wala akong inaasahang bisita dahil natapos ko na lahat ng work ko sa araw na ito. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang mukha ni Liam na madilim parang sasabog anumang oras. Tiningnan niya ang kabuoan ng aking katawan. Agad siyang pumasok na walang pasabi at niyakap ako bigla ng mahigpit.

"Tu me manques tellement Cassy." Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang higpit. Panay ang salita niya sa french na hindi ko naman maintindihan.

Translation: I miss you so much

"Tu sens bon," sabi niya ulit. Ano pinagsasabi nito baka minamanyak na ako? Kaya tinulak ko siya.

Translation: You smell good

"Bitawan mo nga ako Liam!" Malakas ang pagkatulak ko sa kaniya pero tumawa lang ito.

"Anong tinatawa-tawa mo riyan? At puwede ba huwag mo akong pini-french kung hindi sipain ko iyan sa ibaba mo." Tiningnan ko iyong sa ibaba niya.

"Ouch! Huwag naman sweetheart inaalagaan ko ito kasi mapakikinabangan mo pa." Tumatawa na nakakaloko.

"Manyakis ka bwisit ka Liam umalis ka na nga rito!" Pagtataboy ko sa kaniya pero hindi siya natinag at umupo pa sa sofa.

"Nice place," puna niya sa tinutuluyan ko.

"Paano mo nalaman na rito ako tumutuloy?" tanong ko.

"I have so many connection Cassy kaya huwag ka na magtaka." Parang hari kung umasta.

"Puwes ito na ang last na pagpunta mo rito at huwag mo na akong guguluhin!" Galit ako sa kaniya bwisit siya. Pero bigla nag-iba ang awra niya. Agad akong hinila kaya napahiga ako sa sofa at dumagan siya sa akin.

"Umalis ka riyan Liam sinasabi ko na sa'yo sisipain ko iyan pinagmamalaki mo!" Galit na sabi ko habang nagtitigan kami.

"Do it sweetheart dahil ikaw lang puwede gumawa niyan." Sa sobrang magkadikit kami amoy ko ang mabango niyang hiniga. Tinitingnan niya ang labi ko at kinakagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Ano ba ang gusto mo Liam?!" inis na sabi ko pero titig na titig lang siya sa akin.

"Je veux que tu retombes amoureux de moi," sabi niya na hindi ko talaga maintindihan.

Translation: I want you to fall in love with me again

"Tagalogin mo manyak!" Natawa siya sa sinabi ko.

"Je veux embrasser tes levres," sinasabi niya nakatingin sa labi ko.

Translation: I want to kiss your lips

"Manyak ka layuan mo ako!" Kaya sinipa ko ang alaga niya. Agad siyang kumawala sa akin at napahiga sa sakit. Buti nga sa'yo sabi ng isip ko.

"Fuck! Fuck! Cassy it hurts! Why did you do that?" sinasabi niya habang hirap na hirap napasobra yata.

"Dahil napakamanyak mo kaya dapat lang iyan sa'yo, umalis ka na bilis!" Tinuro ko ang labasan sa kaniya. Nang nawala na ang sakit na iniinda niya tumayo na siya. Pero bago siya umalis hinawakan ako sa may batok palapit sa mukha niya.

"Je ne t' ai plus jamais laisse t' eloigner de moi Cassy."

Translation: I never let you go away from me

"Tu es a moi," sabi niya at umalis na.

Translation: You're mine

Naiwan akong tulala. Bigla kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Ito iyong pakiramdam ko noon sa kaniya bumabalik na naman ba? Hindi ito pwede pinaglalaruan lang niya ako, sasaktan, paiiyakin, gagawing tanga at sunod-sunuran. Tama na iyong pinaiyak ako ng sobra at sinaktan hindi na ako babalik sa dati. Kinaya kong bumagon kahit naging mahirap para sa akin hindi pwede sirain lang niya lahat. Sabi ng isip ko.

Naabutan ako ni Karen na tulala at nagtataka ito.

"Napano ka Cassy? Bakit ganyan ang itsura mo?" usisa niya sa akin.

"Wala pagod lang ako sa dami ba naman ng schedules ko." Pagsisinungaling ko pero ang totoo iniisip ko iyon nangyari kanina.

"Okay magpahinga ka ng maaga ngayon dahil bukas sunod-sunod na naman ang schedule mo." Tumango lang ako sa kaniya wala pa rin kasi ako sa tamang pag-iisip.

Kinabukasan maaga akong nakarating sa studio for photoshoot para sa cover ng Fashion Magazine Anniversary. Nakatulog ako ng maayos kaya balik na sa dati ang sigla ng katawan ko. Pinasuot sa akin ang isang seductive dress na bumagay sa akin. Nakapwesto na ako ng biglang dumating si Liam wearing three piece suit. Lalo siyang gumwapo kitang kita ang pagka-masculine niya.

"Am I late?" tanong niya. Ako naman ay nagtataka.

"What are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Tinaasan ko pa ng kilay.

"I'm here for the photoshoot with you," nakangiting sabi niya.

"What?! Karen what's the meaning of this?" tanong ko kay Karen.

"I told you yesterday na makakasama mo si Mr. Arnault for photoshoot and you said yes." Nakanganga lang ako.

"Wala akong maalala na may sinabi ka sa akin at nag-yes ako sa'yo." Napakaimposible kasi.

"Mayron Cassy lutang kasi isip mo kaya hindi mo napansin." Baka nga bwisit kasi itong Liam na ito ginugulo isip ko!

"So wala ng problema can we start?" sabi ng manyakis.

"Are you flirting with me Cassy?" Inirapan ko lang siya.

"You wish pervert!" May diin ang pagkasabi ko.

"But you know what naaakit ako sa'yo," sabi niya sa punong tainga ko.

"Puwes maglaway ka," sabi ko rin sa tainga niya na tunog malandi.

"Ok let's start," sabi ng photographer. May sinabi kung anong pose ang gagawin namin kaso hindi ko siya sinusunod.

"Be professional Cassy." Bulong niya sa tainga ko pero hindi ko siya pinansin.

"Okay I have an idea," sabi niya. Tapos bigla akong hinapit sa baywang na sobrang magkadikit mga katawan namin kaya lahat sila kinikilig.

"You know what may kasalanan ka pa sa akin sinaktan mo ang alaga ko," nakakalokong sabi niya.

"You deserve it pervert at excuse me ikaw ang may kasalanan sa akin baka gusto mo ipaalala ko sa'yo lahat!" Nag-uusap na kami lang ang nakakarinig.

"So parehas lang tayong may kasalanan sa isa't isa and everytime na may nagkakasala sa akin I give a punishment." Titig na titig habang sinasabi niya.

"Hindi ako natatakot sa punishment mo." Bulong ko sa kaniya na nang-aakit.

"Then let's see, tu me donneras ton corps et ton ame, c' est ma punition pour toi," sabi niya. Nakatingin lang ako at tulala dahil hindi ko maintindihan sinabi niya pero siya tumatawa lang.

Translation: You will give me your body and soul, that's the punishment for you

================================

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Where stories live. Discover now