Chapter 28

565 53 47
                                    

NASA kwarto ako at hindi mapakali panay ang lakad ko. Paano sa lahat ng nalaman ko kanina hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Kahit may mga pinakita sa akin na ebidensya hindi pa rin ako naniniwala. Matagal namin nakasama ang pamilya Russo ng anak ko hindi ko akalain na magagawa nila ito.

Natigil ako sa kalalakad ng may narinig akong nagsisigawan lumabas ako upang tingnan. Sa may study room nanggagaling mukhang nag-aaway ang mag-ama. Hindi ko sinasadyang makinig sa usapan nila dahil sa lakas ng kanilang bangayan.

"Dad, tingnan mo kung anong gulo ang ginawa mo. Sinabi ko na sa'yo huwag na tayong bumalik dito pero nagpumilit ka. Unti-unti ng nahuhulog ang loob ni Cassandra sa Liam na iyon!" sigaw nito sa Ama.

"Huwag mo akong sisihin Kevin apat na taon ang binigay ko sa'yo para tuluyan mapasayo ang puso niya pero ano may ginawa ka ba? Binigay ko sa'yo kung ano ang magpapasaya sa'yo ngayon wala na sa akin ang problema!" bulyaw ng kaniyang Ama.

"Dad, please bumalik na tayo sa France ayokong tuluyan mawala siya sa akin. Hindi pa kami nakakasal paano kung bumalik na ang alaala niya tuluyan na niya akong iiwan." Napatigil ako dahil sa aking narinig. Bumalik ang alaala paulit-ulit sa aking utak.

"Hindi na babalik ang alaala niya hanggat patuloy mo siyang paiinumin ng gamot. Hindi niya malalaman na siya si Cassidy at hindi si Cassandra." Napako ako sa aking kinatatayuan so ibig sabihin matagal na nilang tinago sa akin ang pagkatao ko. Dahil sa pagtaranta nahulog ko ang vase malapit sa pinto. Biglang lumabas si Kevin at parang nakakita ng multo.

"Cassandra kanina ka pa riyan? Ano ang narinig mo?" tanong niya sa akin at hinigit ako sa aking braso na sobrang higpit.

"Bitawan mo ako Kevin matagal mo na pala akong niloloko." Habang nagpupumiglas sa kaniya pero ayaw pa rin akong bitawan.

"Ngayon nalaman mo na ang totoo babalik ka na sa kaniya ah. Wala kang naaalala Cassandra hindi mo siya kilala kaya hindi ka puwedeng bumalik pa." Pinipilit ko pa rin makawala sa kaniya pero hinihigpitan niya. Nang makawala ako bigla ko siyang tinulak kaso nawalan ako ng balanse at nahulog ako sa hagdan. Ang huli kong naalala tinatawag niya pangalan ko and everything went black.

Nagising ako at alam ko sa hospital ito. Pinipilit kong bumangon habang hinahawakan ang sumasakit kong ulo. Nakakaalala na ako dahil sa lakas ng bagsak ko kanina. Nakita kong pumasok si Kevin, ang loko matagal na niya akong ginagago kaya gagaguhin ko rin siya sabi ng isip ko.

"Cassandra huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya." Parang concern talaga ang bwisit. Sige lang panindigan ko muna ang pagiging Cassandra ko.

"Okay lang ako Kevin gusto kong umupo." Ginalingan ko ang pag-arte.

"Tulungan na kita, kumusta pakiramdam mo may masakit ba sa'yo?" habang inaalalayan akong umupo.

"Wala naman maliban sa masakit ang ulo ko." Hinawakan ko may sugat pala.

"Kumusta naman wala ka bang naaalala?" Talagang naninigurado ang loko kung bumalik na ang alaala ko.

"Wala, ang naalala ko lang nahulog ako kanina sa hagdan." Actress ako kaya magaling ako diyan sabi ko sa sarili.

"Naalala mo ba iyong mga narinig mong usapan namin ni Daddy?" Nakatingin siya sa akin na parang hinuhuli ako. Umiling ako bilang sagot. Magpapanggap ako at dapat makaalis ako rito agad.

Umalis si Kevin at tanging mga tauhan niya ang naiwan para magbantay. Pero bakit marami? Ayaw talaga akong makaalis. Dahil actress ako gagawa ako ng acting. Ano kaya magandang eksena? Okay alam ko na.

"Ah kuya pabili naman po ako ng makakain," sabi ko at ginalingan talaga.

"Sige po mam bibilhan ko kayo sa canteen." Natahimik ako.

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Onde histórias criam vida. Descubra agora