Chapter 24

423 51 34
                                    

DAYS, weeks and month ang lumipas sobrang naging protective sa akin si Liam. Pinatira niya ako sa bahay ng parents ko, hatid sundo sa mga work ko. Bantay sarado ng mga tauhan niya daig ko pa ang isang bilanggo. Tinatanong ko siya kung bakit? Ang palaging sagot niya para raw sa kaligtasan ko. Hindi na lang ako komontra pa pero lately nakiusap ako sa kaniya kung puwede luwagan kahit konti at pumayag naman.

Ngayong araw ang kaarawan niya may salo-salo sa hotel na pamamay-ari nila. Sabi ko susunod na lang dahil madami akong work kanina, galing ako sa isang pictorial at shooting sa isang commercial. Pumayag naman basta mag-ingat daw ako.

Habang nagdri-drive excited ako para sa surprise gift ko kay Liam. Ano kaya magiging reaction niya? Hindi na ako makapaghintay sabi ng isip ko. Pero hindi ko inaasahan na may mga sasakyan sumusunod sa akin at napakadami. Nasa likuran ko lang naman mga tauhan ni Liam nakasunod din sa akin. Pero pinagpuputukan sila hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

May babaeng sumakal sa aking leeg galing sa likod ng aking kotse. Paano siya nakapasok sa loob? May sinasabi siya sa akin na layuan ko raw, na malandi raw ako hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Dahil hindi ako makakilos pagewang-gewang na ang takbo ng kotse ko. Sabayan pa ng putukan ng baril hanggang sa sumalpok ang sasakyan ko. Sa lakas ng impact tumama ng malakas ang aking ulo kung saan. Hanggang sa unti-unting nawalan ako ng malay. Nasabi ko na lang sa bandang huli Liam and everything went black.


3rd Person Point of View

Habang nagkakasiyahan ang lahat hindi maintindihan ni Liam ang pakiramdam niya. Dapat masaya siya dahil kaarawan niya pero parang may mali sabi niya sa sarili. Pati ang Mama ni Cassy hindi maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Bakit siya kinakabahan? Kompleto na ang lahat ng bisita siya na lang ang hinihintay. Hanggang sa tumunog ang kaniyang cellphone at sinagot ito.

"Hello Dave nasaan na kayo si Mam Cassy mo? Malapit na ba kayo?" sunod-sunod na tanong nito pero hindi sumasagot si Dave iyong tauhan niya.

"Dave ano ba sasagot ka? O papuputukan kita ng baril mamaya?" pananakot na tanong ni Liam. Pati magulang at kaibigan nila nakikinig sa sinasabi ng kausap.

"Boss may sumusunod kanina sa kotse ni Mam Cassy, pinigilan po namin kaso madami sila. Pinutukan kami ng baril ako lang po ang natira lahat sila patay." Nanghina si Liam sa nalaman.

"Si Mam Cassy mo nasaan siya?Sabihin mo sa akin nasa maayos ba siyang kalagayan?" umiiyak na tanong ni Liam.

"Boss punta na lang po kayo rito sa may Arellano Avenue sa may intersection po," sabi ng tauhan niya. Pinatay na ang tawag at pabagsak na binaba ni Liam ang phone niya.

"Bakit anong nangyari? Nasaan ang anak ko?" tanong ng Papa ni Cassy pero hindi sumagot si Liam. Nagmamadali siyang umalis na pinagtaka ng mga bisita. Agad naman sumunod ang magulang at kaibigan nila. Sa daan walang pakialam si Liam kahit makabangga pa siya. Ang nasa isip niya that time mapuntahan si Cassy. Dahil sa bilis niya mag-drive dumating siya sa lugar kung saan sinabi ni Dave. Pagdating niya marami ng mga pulis, maraming bangkay ang nagkalat. Pati mga magulang nila at kaibigan hindi makapaniwala sa nangyari.

"Ano nangyari rito?" tanong ng Daddy ni Liam.

"Sir, may sumusunod po sa kotse ni Mam Cassy pinigilan namin kaso pinagbabaril kami. Sa dami nila naubos kami at ako lang ang nakaligtas," paliwanag ni Dave. Si Liam hinahanap si Cassy.

"Dave nasaan si Cassy? Nasaan siya!" malakas na sigaw nito.

"Boss sorry po," iyon lang ang nasabi niya.

"Kayo po ba kamag-anak ng biktima?" tanong ng pulis at tumango sila.

"Sumabog po ang sinasakyan ng biktima at kasama po siya ro'n ito po iyong nakuha namin sa kaniya," sabi ng pulis. Binigay kay Liam ang kwintas kung saan ito iyong binigay niya na regalo no'ng pasko. Nanlumo si Liam sa narinig agad niyang pinuntahan ang bangkay na nasa body bag at nahihirapan niyang buksan. Pagkakita niya bumagsak siya agad sa lupa dahil sunog na sunog na katawan ang nakita niya pati mga kaibigan nila nanlumo.

"Diyos ko! Lucas ang anak natin hindi ito totoo!" Sobrang paghihinagpis ng kaniyang ina kadahilanan para ito'y nahimatay na sinalo agad ng kaniyang asawa.

"Sino may kakagawan nito?" tanong ni William na naiiyak na rin.

"Cassy! Hindi ito totoo Emma," sabi naman ni Olivia. Sobrang pag-iyak din ng dalawang babae.

"Bro, huwag kang panghinaan ng loob sa mga oras na ito. Hanapin natin kung sino may kagagawan," sabi ni Noah habang pinapalakas ang loob ni Liam.

"Kung involve ito sa mafia pagbabayaran ko sila," sabi ng Papa ni Cassy. Sobrang sakit ang nararamdaman nito sa nangyari para sa anak.

"Son be strong pagtatawanan ka lang ng mga kalaban kapag nakita kang ganiyan," pagpapalakas loob ng kaniyang ama.

"Sweetheart bakit ngayon pa? Kung kailan magpro-propose na ako sa'yo ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Akala ko ito ang pinakamasayang araw nating dalawa. Bakit mo ako iniwan bigla Cassy? Hindi ko kaya para mo na rin akong pinatay. Ang dami pa natin plano na hindi ko na magagawa mag-isa. Sweetheart, look ito ang engagement ring na ibibigay ko sa'yo. Ngayon wala ng kwenta ito kung wala ka na. Sweetheart sabihin mo panaginip lang ito, dapat hindi kita hinayaan sa gusto mo, sana kasama pa kita ngayon, Cassy mahal ko," humahagulgol na sabi niya.

"Liam may dapat kang malaman buntis si Cassy magkaka-baby na kayo ito iyong surprise gift niya dapat sa'yo. Sorry kung hindi namin nasabi dahil nakiusap si Cassy na isekreto raw muna namin," umiiyak na sabi ni Emma. Natulala si Liam sa nalaman.

"Buntis siya? Magkaka-baby na dapat kami. Bakit ito nangyari? Magbabayad ang may gawa nito sinusumpa ko. Kung sino ka man magtago ka na dahil hindi kita mapapatawad maling tao ang kinalaban mo!" sigaw niya na halos dinig ng lahat. Tumayo ito at kinuha ang baril na nasa likuran ni Dave. Nagpaputok siya ng baril sa itaas ng ilang beses habang sumisigaw.

"Ah fuck you! Kung sino ka man humanda ka!" patuloy pa rin siya sa pagwawala niya. Pinigilan siya nina William at Noah na tumigil. Nang mahimasmasan tinawag niya si Dave.

"Tawagan mo sila magkita-kita tayo hideout now!" pagkasabi niya pinaharurot niya ang sasakyan.

Habang naghihinagpis ang mga taong mahal ni Cassy hindi niya mapigilan mapangiti.

"Ngayon Liam alam mo na kung paano ako maghiganti. Ginago mo ako noon ngayon ako naman. Magdusa ka sa sakit hindi ako natatakot sa mga banta mo! Goodluck na lang sa'yo kung kakayanin mo akong kalabanin," sabi niya at tumawa.

================================

Patay na si Cassy ending na....

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon