Chapter 16

519 54 38
                                    

KINABUKASAN ilang oras na lang at magsisimula na ang palabas. Sinigurado ko na walang magiging problema. Marami ng tao halos kilala sa industry ang panauhin kaya dapat hindi ito papalpak, pero nagkamali ako dahil sinabihan ako ng aking staff na hindi makakapunta iyong isang model para sa finale. Sino ang puwede kong kunin? Hindi puwede ako lang mag-isa ang maglalakad sa finale dahil wedding ang theme ng show ko. Bahala na kakayanin ko naman, sabi ng isip ko.

Maganda ang naging takbo halos lahat namangha sa ganda ng mga design. At ng umabot na sa finale  maglalakad na sana ako ng biglang sumulpot si Liam sa harapan ko suot ang pinartner ko sa aking gown. Kaysa makipag-away pa ako sa kaniya go with the flow muna.

Natapos ang show ng matiwasay another milestone na naman ito para sa akin. After ng event may mga reporter na kinausap ako. Then, mga kilalang tao sa fashion industry.

"Congratulations Ms. Tyler job well done! You have a great design and I love it! If you like you can work for me," sabi ng isang kilalang businessman sa Paris. Mabuti at marunong mag-english.

"Thank you Mr. Hans it's my pleasure," sabi ko na nakangiti. Habang patuloy kami sa pag-uusap tumabi sa akin si Liam.

"Salut enchante," sabi niya at nag-handshake sila.

Translation: Hey nice to meet you

"Qui es-tu?" tanong ni Mr. Hans.

Translation: Who are you?

"Je suis Liam Arnault il est petit ami," sabi niya at inakbayan ako.

Translation: I am Liam Arnault he's boyfriend

"Anong sabi niya?" tanong ko kay Liam.

"Kung magkaibigan daw tayo," sagot niya sa akin.

"Oh! Yes Mr. Hans we are," sabi ko na nakangiti tapos nginitian niya rin ako pabalik, pero si Liam tawa ng tawa na hindi ko na lang pinansin.

"Vous avez l'air bien ensemble," sabi niya sa amin.

Translation: You look good together

"Merci!" sabi ni Liam at nagpaalam na si Mr. Hans.

Translation: Thank you

Pagdating namin sa hotel na tinutuluyan may konting celebration dahil sa success ng show ko.

"Girl congrats! Hindi ka na talaga maabot," pagbibiro sa akin ni Emma.

"Huwag mo sabihin iyan pare-pareho lang tayo," sagot ko sa kaniya. "Salamat sa support guys," dagdag ko.

"Hindi mo ba pasasalamatan si Liam he save you," sabi ni William na inakbayan si Liam.

"Thank you," maikling sabi ko. Tumango lang siya. "Kahit pala ganyan ka kasamang tao may nagagawa ka rin kabutihan," sabi ko pa habang nakatingin sa kaniya.

"Grabe ka hindi naman ako gano'n kasamang tao," sabi niya pero hindi na ako nakatingin sa kaniya.

"Bakit ka pala biglang sumulpot? Kaya ko naman lusutan iyong problema," sabi ko.

"Narinig ko ang pag-uusap niyo ng staff mo kaya to the rescue ako," pagyayabang na sabi niya.

"Ok salamat ulit," iyon lang ang sinabi ko. Biglang natahimik ang lahat nang pumasok si Noah may dala-dalang bouquet of tulips.

"Congrats Cassy! For you," sabi niya at binigay sa akin iyong flower. "Actually hindi lang congrats ang gusto ko sabihin sa'yo," dugtong niya. "Matagal ko na gusto sabihin sa'yo kaso nauunahan ako ng kaba," paputol-putol na sabi niya.

"Noah bilisan mo na pinapahaba mo pa eh," sabi sa kaniya ni Olivia.

"Teka lang guys kukuha lang ako ng maiinom natin,"  sabi ko at tatayo na sana ng...

"Cassy I like you, I love you, college pa lang tayo mahal na kita," walang preno niyang sabi. Natulala ako sa aking narinig. "Bago ka umalis papuntang US nagsisisi ako dahil hindi ko man lang nasabi sa'yo. Ngayon na nakabalik ka na hindi ko na palalagpasin ito," mahaba niyang pahayag. Mabait si Noah siya palagi ang tagapagtanggol ko at pinapagaan ang loob ko sa tuwing umiiyak ako noon. Dahil ayoko siyang mapahiya sa mga kaibigan namin niyakap ko siya.

"Thank you Noah," madamdamin kong saad. Sobrang bait niya sa akin.

"Ano na ibig sabihin iyan?" tanong ni Emma pero hindi namin pinansin.

"Bro sa wakas nasabi mo rin." Nag-bro hug ang dalawa pero hindi namin napansin kung saan nagpunta si Liam. Tinuloy na lang namin ang celebration.

          

           3rd Person Point of View

Habang nagkakasiyahan sila sa taas nasa bar ng hotel si Liam umiinom mag-isa. Hindi niya masisisi ang kaibigan dahil sa kagaguhan niya kaya nandito siya ngayon sa ganitong kalagayan. Ilang oras din siyang namalagi bago naisipan umakyat. Dahil sa kalasingan sinadya niyang pumunta sa room ni Cassy. Gulat ang dalaga nang makita niya lasing ang binata.

"Cassy," sabi ni Liam. Pagewang-gewang na pumasok sa loob. Ala una na ng madaling araw kaya tulog na ang lahat.

"Liam, bakit ka nagpakalasing?" tanong niya kay Liam. "May problema ka ba?" sunod niyang tanong.

"Bakit mo sa akin ito ginagawa? Alam ko gago ako pero may dahilan ako," sagot niya habang nakapikit ang mata.

"Halika ka nga humiga ka rito," utos ni Cassy at pinahiga siya sa kama.

"Ang tanga ko! Ang gago ko! Kasalanan ko ito!" Patuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Kung maibabalik ko lang sa dati sana hindi naging ganito." Nakikinig lang si Cassy sa mga sinasabi niya. "Sinaktan ko siya, sinaktan ko siya, sinaktan ko siya," sabi niya ng paulit-ulit hanggang natulugan na niya.

"Kung alam mo lang Liam," mahinang sambit ni Cassy.

"Cassy...Cassy...Cassy..." Kahit papano napangiti si Cassy dahil tinatawag ni Liam ang kaniyang pangalan kahit tulog ito.

Kinabukasan nagising si Liam na masakit ang ulo dala ng kalasingan. Naabutan niya ang mga kaibigan na nag-aalmusal. Hinanap niya si Cassy ngunit hindi niya ito makita.

"Bro, bakit sobrang lasing ka kagabi okay ka lang ba?" tanong ni William sa kaniya.

"Okay lang ako bro nasobrahan lang," sagot niya. "Si Cassy nasaan bakit wala siya rito?" tanong niya ulit.

"Nauna na siyang umuwi sa Pilipinas dahil tumawag ang manager niya may urgent daw," sagot sa kaniya ni Noah. Agad niyang kinuha ang phone at may tinawagan.

"Hello...yes...she's there...do what I say," tanging wika niya sa kausap.

Hindi kaya umalis siya agad dahil sa nangyari kagabi? Kahit lasing ako alam ko ang ginagawa ko. Sabi ng isip ni Liam. Iyong araw din na iyon sabay-sabay silang umuwi pabalik ng Pilipinas.

================================

IrishHeaven

Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon