LUMIPAS ang ilang linggo magmula nung pagpunta namin sa Paris umiiwas na sa akin si Liam. Sa hindi ko alam na kadahilanan mabuti na rin iyon para hindi na niya ako guluhin. Pero sa totoo lang pagod na rin akong makibangayan sa kaniya. Ngayon susukatan ko sila dahil ako ang gagawa ng susuotin nila para sa yearly bachelor magazine. Top three eligible bachelor in the world silang tatlo. First si Liam, second si Noah at third si William. Tapos ko ng sukatan ang dalawa si Liam na lang ang hindi pa. Walang pasabi na nasa harapan ko na pala siya.
"Hi," bati niya sa akin.
"Hello," sagot ko sa kaniya. "Tapos ko nang sinukatan iyong dalawa ikaw na lang ang hindi pa start na tayo?" tanong ko sa kaniya at agad naman itong tumango.
Kinuhanan ko lahat ng body measurement ni Liam hindi talaga maiiwasan na may part na magdidikit ang aming katawan. Nang susukatan ko na ang waistline niya nagtitigan kami, wala halos kumukurap sa amin. Ang bilis ng tibok ng puso ko at gano'n din siya, hindi ko sinadyang nahawakan ang dibdib niya kanina kaya gano'n na lang ang pagtibok ng puso namin. Mahirap pigilan ang mga nangyayari kaya ako na lang ang umiwas.
"Tapos na," tipid kong sabi.
"Cassy, sorry pala iyong time na nalasing ako hindi ko gi-" pinutol ko anuman ang sasabihin niya.
"Okay lang iyon sa akin," wika ko na nakangiti.
"Sige alis na ako," saad niya at mabilis ko siyang tinanguan.
Nung araw din iyon magkakaroon silang tatlo ng interview na ipu-publish sa magazine ng bachelor. Ako ang nag-ayos ng susuotin nila, hindi talaga maikakaila na habulin sila ng mga kababaihan sa itsura at sa status pa lang nila sa industriya. Talagang lahat ng kababaihan magkakagusto. Habang pinagmamasdan ko silang tatlo nag-matured na ang mga ito compared nung nasa college pa kami. Hindi ko na pinatapos ang kanilang interview at umalis na ako.
Ilang linggo ang nakalipas natapos ko na ang kanilang suit at naka-schedule na sila for photoshoot. Magtatapos na kasi ang taon dapat ma-publish na rin ang magazine. Naging maganda ang takbo ng photoshoot nila ayon sa aking staff. Hindi ko na sila masyado nakikita o nakakasama dahil busy din ako sa mga schedules ko.
Nagpapahinga ako dahil sa sunod- sunod na schedules nang dumating si Karen.
"Cassy next week may guesting ka sa isang talk show hindi ka puwedeng tumanggi dahil nag-confirm na ako." Tiningnan ko siya.
"Hindi pala ako puwedeng tumanggi bakit sinasabi mo pa sa akin?" tanong ko sa kaniya.
"Nire-remind lang kita sa mga schedules mo baka makalimutan mo. Pumayag ako na hindi mo gawin ang movie role at tv series kahit itong guesting lang subukan mo," sabi niya sa akin.
"Okay sige gets ko na," malamig na wika ko.
"Sana this coming holiday Karen wala akong mga appointment para makapagpahinga naman ako," giit ko.
"Yes Cassy wala kang schedule this coming holiday kaya ang oras mo ay iyong iyo!" masayang sabi niya na nagpangiti sa akin.
Sumapit ang araw ng guesting ko para sa isang talk show. Nasa dressing room ako tapos na akong naayusan hinihintay ko na lang na tawagin nila ako. Nang mag-start na ang show tinawag na ako at pinapwesto sa may likod dahil doon ako lalabas. Narinig ko nang nagsalita ang host.
"Let's all welcome our guest for today Ms. Cassidy Tyler." Pagkarinig ko ng pangalan ko sigawan ang bumungad sa akin. Agad akong lumabas na nakangiti at kumuway sa mga fans na naroon. Nagbeso kaming dalawa ng host at nakatayo lamang.
"Pero hindi lang iyan mayroon pa tayong mga guest handa na ba kayo?" tanong ng host sa mga nanonood. Malakas na oo ang sagot nilang lahat.
"Let's also welcome the three eligible bachelor in the world Liam Arnault, Noah Carson and William Davis." Paglabas nila lahat ng kababaihan ay nagsisigawan puro ingay ang maririnig mo sa studio. Hindi ko alam na guest din pala sila. Nagulat ako nang hinalikan nila akong tatlo sa pisngi pati iyong host at saka kami naupo. Ako ang nasa gitna nasa kanan ko Liam at sa kaliwa si Noah katabi niya si William. Nang magsimula na nanginginig ako pero hindi ko pinapahalata.
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...