SINAMAHAN ako ni Liam sa isang fashion event kung saan rarampa ako sa finale. Sabi ko sa kaniya kaya ko na pero nagpumilit siya. Ewan ko ba parang sobrang protective niya sa akin ngayon. Nanonood lang siya at patingin-tingin sa paligid, ng ako na ang magrarampa todo palakpak niya. Iyan ang isa na nagustuhan ko sobra siyang supportive. Actually pareho kami anuman ang ginagawa namin nandiyan ang isa para sumuporta. After ng event pumunta ako sa dressing room para magpalit sumunod pala si Liam.
"Sweetheart are you done?" tanong niya sa akin.
"Yes sweetheart can we go now?" balik na tanong ko sa kaniya tumango lang siya. Paalis na dapat kami ng dumating ang isang staff.
"Mam Cassy may nagpapabigay po," sabi niya at inabot sa akin ang isang kahon. Nag-thank you ako sa kaniya at umalis na siya. Pagbukas ko napangiti ako dahil puro stolen pictures ko ang laman.
"Sweetheart no'ng una bulaklak tapos ngayon stolen pictures ko kailan ka pa naging stalker ko." Tumatawa ako habang sinasabi. Lumapit siya sa akin at tiningnan.
"Sweetheart ang totoo niyan hi-" naputol ang sasabihin niya ng may dumating na reporter.
"Hello Liam and Cassidy a few question lang po," sabi ng reporter at tumango kaming pareho.
"Kumusta relasyon niyong dalawa?" tanong niya sa amin. Nagkatinginan kaming pareho ni Liam at siya ang sumagot.
"We're fine and going strong," masayang sabi niya habang sobra ang pagyakap sa akin.
"So papunta na ba iyan sa kasalan? Kailan niyo balak magpakasal?" Hindi ko alam ang isasagot ko kaya sinenyasan ko si Liam na siya ang sumagot.
"Well actually, hindi pa namin napag-uusapan pero kung ako ang tatanungin kahit ngayon puwede ko ng pakasalan si Cassy," tumatawang sabi niya pati mga reporter nagtawanan din. "Pero honestly speaking I want to marry her soon," seryosong sabi nito at nagtilian sila. After no'n umalis na rin ang mga reporter.
"Sweetheart ano pala iyong sasabihin mo dapat kanina?" Iyong sasabihin dapat niya kanina na naudlot.
"Wala sweetheart nevermind," sagot niya at umalis na kami.
Nagpunta kami sa mansion nina Liam dahil nagpatawag ng dinner ang Daddy niya. Pagdating namin sa bahay nila naabutan naming nagkwekwentuhan sina Mama, Papa at Tito. Humalik ako kina Mama at Papa pati rin kay Tito gano'n din ang ginawa ni Liam. Siyempre hindi niya hinalikan sina Papa at Tito si Mama lang baka ano isipin niyo. Nagpunta na kami sa dining area para mag-dinner konting kumustahan ang pagsisimula ng usapan namin.
"Kumpadre hindi ko akalain na itong mga anak pala natin ang magkakatuluyan," sabi ni Tito habang tumatawa ng mahina.
"Iyon nga kumpadre nagtataka rin ako pilit ko nga pinapalayo itong anak mo sa anak ko," saad ni Papa habang nakatingin sa amin.
"Papa, wala po kasalanan si Liam dahil ako naman po itong lapit ng lapit sa kaniya noon," paliwanag ko kay Papa.
"Paano patay na patay ka sa akin noon," tumatawang sabi ni Liam.
"Oh! Bakit ikaw hindi ba? Pero ngayon ikaw na ang patay na patay sa akin," biro ko sa kaniya at tumango naman siya.
"Tama na iyan baka magkapikunan pa kayong dalawa," pagtitigil sa amin ni Mama.
"Hindi ko nga alam na si Cassidy pala ang anak mo kumpadre mabait na bata ito may pinagmanahan." Nagtawanan lang sila.
"Basta Liam hijo huwag mong pababayaan ang anak ko hindi natin alam kung may mga kalaban pa," paalala ni Papa.
"Opo Tito hindi ko po siya pababayaan," tumango naman si Mama at Papa.
"Kailan ba kayo magpapakasal para magkaapo na rin kami?" tanong ni Tito.
"Malapit na Dad hayaan niyo po magkakaroon agad kayo ng apo," sagot ni Liam.
"Iyan ang gusto ko sa'yo son galingan mo palagi." Tumawa lang ako sa sinabi ni Tito. Nagpatuloy pa ang usapin namin ng kung ano-anong topic at makalipas ng ilang oras umuwi na rin kami.
3rd Person Point of ViewPagkaalis ng pamilya ni Cassy tinawagan niya ang kaibigan niya na pumunta sa bahay. Pagdating ng dalawa bwisit na bwisit sila dahil sa pang-iistorbo ni Liam.
"Bro naman hindi namin iniistorbo ang buhay mo sana huwag mo rin istorbohin mga buhay namin argh!" naiinis na sabi ni William.
"Wala naman katuturan iyang mga pinaggagawa niyo kaya mas mabuti kung istorbohin ko na lang kayo!" malakas ang loob na pagkasabi nito.
"Sige na para matapos na ito bakit mo kami pinatawag?" tanong ni Noah.
"Mga bro iba na ito dati bulaklak lang tapos ngayon stolen shots na pictures ni Cassy." Pinakita niya sa kaibigan ang mga kuhang pictures. May kuha si Cassy sa studio, sa kwarto niya, sa office, bonding nilang magkakaibigan, naka roba lang siya at ang nakakatakot kuha niya habang tulog. Nagulat din mga kaibigan nito.
"Bro, paano makukuhanan ng pictures si Cassy na natutulog kung fan lang siya nito?" tanong ni William.
"Iyon nga din ang iniisip ko bro sa tingin ko hindi basta-basta ordinaryong tao ito," sagot ni Liam.
"Ano sabi ni Cassy tungkol diyan?" Ang tinutukoy ni Noah iyong mga stolen shoot na pictures.
"Natuwa pa nga dahil ini-stalk ko raw siya. Kampante dahil ako lang naman ang nakakapasok sa hotel niya," sabi niya habang tinitingnan ang mga kuha.
"Bro sa tingin ko roon mo na lang patuluyin si Cassy sa parents niya. Mahirap na kasi kung mag-isa lang siya," opinion ni William. Naisip ko na rin iyan sabihin ko kay Cassy. Sabi ng isip ni Liam pero tumango ito bilang sagot kay William.
"Dad, naiinip na ako dapat magawa na natin ang plano hindi na ako makapaghintay. Sabi nila magpapakasal na sila baka hindi ko na tuluyan makuha si Cassy," sabi ng lalaki.
"Calm down son, okay gagawa na ng paraan si Daddy huwag ka na magmaktol diyan," sabi ng kaniyang Ama.
"Pangako mo iyan Dad ah asahan ko." Napangiti ito dahil sa sinabi ng kaniyang Ama.
"Yes son hindi ka bibiguin ni Daddy." At nagtawanan ang mag-ama.
================================
BINABASA MO ANG
Eligible Bachelor 1: Liam Arnault (Ikaw Pa Rin)
Romance[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo ang sakit, mapapaniwala ang iba na kaya mo, pero hindi mo maitatago sa sarili mo na yung taong nagpa...