Chapter Forty Two

264K 3.1K 994
                                    

Naglalakad si Noneen sa hallway. Pagkatapos kasi nilang magusap ni Ralph, tumulong na siya sa pagaayos para sa event. Well, nagulat kasi siya biglang nagpaalam si Ralph. Tsk, naooffend kaya siya sa sinabi ko? Isip nito habang naglalakad. Err, paano naman kasi alam niya na kahit anong sabihin niya kay Lawrence di niya mapagbibigyan yung gusto nya. Gusto niya kasing magkabati na yung dalawa, para naman kahit papaano. Matahimik na rin yung isang parte ng isip niya. 

Pareho silang importante nga naman para sa kanya.

Naglalakad lang siya ng bigla siyang mapatingin sa kaliwa niya. Actually dapat aalis na siya ng building eh. Kaso nagulat siya. Si Yla ba yun? At si Doc Darryl??

"Ehhhh!! Sige na dyan na lang ako sa office mo!! I'll accompany you!! " Pagpupumilit ni Yla.

"Hindi nga pwede. Isa pa, school hours ngayon. Dapat nasa classroom ka ha." Sabi ni Darryl. Napangiti naman si Noneen. So totoo nga tinamaan na nga talaga si Yla XD

"It's okay! This is my school naman eh! Papasa pa rin ako miske di ako pumasok kaya please!! Papasukin mo na ako sa office mo!! Pleaseeee?" Nagpout pa ito biglang pagpapacute sa lalaki sa harapan niya. Napabuntong hininga lang ang lalaki tsaka umiwas ng tingin sa kanya.

"Ang kulit mo rin no. Kaya nakakairita ka eh!" Inis na sabi ni Darryl. Sa totoo lang pinipilit niyang wag magalit. Baka kasi umiyak to kaso halos isang oras na silang nagkukulitan dine!! Aba may pasensya naman siya no. Sa ilang araw ba na ginawa ng Diyos. Parati na lang siyang kinukulit nito, ever since nakapunta ata tong babaeng to sa school na to wala siyang ginawa kundi gamabalain ang tahimik na buhay ni Darryl. Nagulat nga siya eh, nakuha rin nito ang number niya. Parati siyang tinetext nito ng 'Goodnight' o 'Goodmorning' at ang worst sa lahat pag nagtetext ito ng 'I love you' sa kanya. Ni hindi nga niya alam kung ano gagawin para patigilin ang dalagang to. Naka-ilang palit na nga siya ng sim dahil dito eh.

"Eh!! Sige na! Kung hahayaan mo naman kasi akong samahan ka de sana hindi na tayo nagkulitan dito." Napapikit na lang si Darryl. Your temper hold it, bata to wag mong patulan. Isip niya sa sarili. Mas matanda kasi siya kay Yla ng 8 years. Kaya nga bata lang ang tingin niya dito. Minsan nga di niya maisip kung bakit pa nagkagusto sa kanya si Yla samantalang halos parang kuya na siya sa kanya. Hello 8 years!!

"Pwede ba Yla!! Tigilan mo na nga ako! Kahit kelan di mo ba maiintindihan yung salitang ayoko sayo! Look Yla, hanggang bunsong kapatid lang ang tingin ko sayo at hindi na magbabago yun. Kaya please, wag mo nang ipilit ang hindi pwede okay?" Sabi ni Darryl. Napahinto naman si Yla sa sinabi niya. Para bang nagising si Yla bigla, ouch; aray ang sakit naman. Isip ni Yla.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon