Chapter Two

437K 4.9K 417
                                    

Si Noneen Evangelista-Alcantara nga po pala yung nasa gilid! ^____^

------------------------->

Salamat sa lahat ng nagbasa nung unang chapter! 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Alam mo kung pumunta ka dito sa canteen para titigan si Ralph habang may nakasubong fries sa bibig mo. Sige na sisterness, aalis na ako dito. Di kaya ng beauty ko ang itsura mong mukhang froglet na nakakita ng aso." Sabi ni Rhian habang nakatingin sa kanyang kaibigan na tila walang naririnig. Para kasing may sarili itong mundo habang nakaupo sa tabi ni Rhian at nakatingin kay Ralph na nasa dulo magisang kumakain. Actually mukha na syang tanga, paano kasi hanggang ngayon nakasubo pa rin yung fries sa bibig ni Noneen habang yung ketchup kalat na sa bibig nya.

"Hoy gashginess ng bruhildang gerlalu!" Binatukan ni Rhian ang kanyang kaibigan at bigla naman ito nabalik sa katinuan nya. 

"Ha?" Tumingin ito kay Rhian na parang hindi man lang sya binatukan. Napailing si Rhian; alam naman nyang ultimate crush ng bestfriend nya si Ralph pero yung itsura nya kasi ngayon ay hindi katanggap tanggap.

"Alam mo abo na lang si Ralph sa kinauupan nya." Sabi ni Rhian sa kaibigan. Tiningnan nito si Ralph. Buhay pa naman ha? Isip nya. 

"Ha? Hindi kaya, tingnan mo." Pagtanggol ni Noneen. 

=_=

"Ay grabe ka gerlalu! Kelan ka pa naging slow na parang turtlelite?" Pero hindi maintindihan ni Noneen ang sinasabi ng kaibigan. Wala talagang syang magets, dala na siguro ng nilipad na ang utak nya kakatingin kay Ralph.

"Eh di ko naman talaga kasi maintindihan eh." At sa wakas kinain na din ni Noneen ang fries na nakasubo sa kanyang bibig.

"What I mean is sa sobrang talim at tagal mong makatitig kay Fafa Raplhnessing, halos parang natupok na sya sa kinuupuan nya. Getching?! Hay nakuuu, eto nga tissue o punasan mo yang bibig mo puro ketchupness, nakakadurty!" Binalibag ni Rhian ang plastic ng tissue sa kaibigan. Kinuha naman ito ni Noneen at pinunasan ang kanyang bibig.

"Yun lang pala." Sagot nya.

"Yun lang?? Nilalang mo lang yun gerlalu? Eh halos parang gusto mo nang halayin si Fafa Ralphnessing sa titig mo eh!!" Sigaw ni Rhian bigla naman nyang sinipa ang kaibigan.

"Gaga, hinaan mo naman ang boses mo! Baka marinig ka ni Ralph eh, isipin nun may crush ako sa kanya!" Bulong ni Noneen sa kaibigan.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon