Special Chapter 7 (Ralph De Guzman)

69.3K 880 65
                                    

"Ayan na yang plates mo." Nakangiting sabi ni Ralph at tsaka inabot kay DD ang lalagyanan nito. Napakunot naman ang noo ni DD. Pero patuloy lang si Ralph sa pagngiti.

"Eh bakit ganyan ang mukha mo? Di ba dapat aburido man lang or annoyed?" Tanong ni DD pero ngumiti lang si Ralph. Kung alam nyo lang ang dahilan sa likod ng ngiti na iyan. Sino nagsabi sa inyong walang 'tarantadong pinoy' side si Ralph? Tsk.

"It's a good day." Simpleng sagot ni Ralph. Para namang may question mark sa mukha ng babae dahil sa sagot ni Ralph. Hirap rin intindihin ni Ralph no? Paminsan-minsan malalaman mo talagang magkapatid sila ni Lawrence eh.

"Sure ka bang nagawa mo lahat ng dapat gawin dito?" Tanong ni DD. Tumango naman si Ralph habang nakangiti. Pakshet, talaga bang its a good day? Tinitigan tuloy siya ni DD, napailing na lang si Ralph at tsaka ngumiti ulit.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Maganda yang plates mo. Talagang sineryoso ko. Tandaan mo nanalo ako nung nakaraang design competition. Kaya wala ka dapat na ikabahala." Nakangiting sabi ni Ralph. Napataas naman ang kilay ni DD.

"Hindi kasi katiwa-tiwala yang mukha mo eh." Sagot nito.

"Same to you. Sige na, may klase pa ako. Bye!" Sabi ni Ralph at tsaka nagsimulang maglakad papalayo kay DD. Napangisi siya, nga naman minsan ang babae madaling utuin no? 

Napaisip naman si DD sa mukha ni Ralph. Di talaga kasi katiwa-tiwala. Mamaya ginawang delubyo yung plates niya eh 30 minutes from now na pasahan nito. Ay nako baka kapunin niya 'yon ng di oras! Tiningnan niya ang lalagyanan niya ng plates ng may maalala siya.

Di alam ni Ralph ang pangalan ko di ba?

Agad naman niyang binuksan ang lalagyanan ng plates niya at kinuha ito. At sa kagandahang palad may nakalagay naman doon sa pangalan kaso nung makita niya kung ano ang nakalagay, para bang lahat ng init sa Pilipinas pumunta sa ulo niya pababa sa butas ng ilong niya.

Ano lang naman ang nakalagay?

Demonyong Kulangot Dimaapi.

PAKSHET 

TRIPLE PAKSHET

"RALPH DE GUZMAN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

-o-o-o-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

"HAHAHAHAHAAHAHahaHAHAhHAHA HAAH HA AHA AHAHAHAHAHAHA!!!!!!"

"ANG SHUNGA HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAH!!!"

Napatingin naman si JC, Noneen at Rhian kay Ralph na kanina pa tawa ng tawa. Nasa reading center sila ngayon. Tutal lunch break at si Rhian walang pasok. Napagisipan nilang apat na wala tumambay lang. 

"Problema niyan." Bulong ni Noneen sa mga kasama at tsaka tinuro si Ralph.

"Teh ano ba diagnosis ni Papa Ralph? May tama na ba sa brain dahil sa course niya o nainhale yung utot ni JCbells." Sabi ni Rhian. Tiningnan naman ng masama ni JC si Rhian.

"How the hell did my fart came into the picture?" Inis na tanong ni JC. Nagkibit-balikat lang si Rhian at tsaka tumingin ulit kay Ralph na katabi niya ngayon at tawa pa rin ng tawa. Shems, ano na kaya nangyari kay papa Ralph? Sayang naman genes kung buang na peg nito!! Isip ni Rhian.

"Shet, ano kaya sasabihin ng prof niya? HahahahahahaHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Sabi ni Ralph. Sa totoo lang wala nang makaintindi ng dialogue niya. 30 minuto na ang nakakaraan pero hanggang ngayon wala talaga eh. Napakamot naman ng ulo si JC. 

"Grabe malaman kaya ng prof niya kung sino yon? Hahahahahaha!!! JUSKO!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Agad naman kinuha ni JC ang plastic bottle niya at binato kay Ralph, sumakto naman ito sa mukha niya. "Aray!" 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon