Chapter Twenty Five

289K 2.6K 515
                                    

I dedicate this sa lahat ng readers ko na nakaintindi ng author's note ko nung nakaraang chapter. ♥

                                                                  ---

"Hoy uhugin, pwede bang mag make listen ka sa sona ng isang dyosang aketchiwa! Stop making run in the jungleness sa cellphone mo!" Sabi ni Rhian kay Marco na nakaupo lang sa harap niya, hindi man lang siya pinapansin nito. Kanina pa naman siya nagsasalita pero wala, mukha tuloy siyang tanga.



Napabuntong hininga si Rhian. Ibang klase, grabe tong lalaking to. Siya na nga tong tinutulungan mo, siya pa tong nagiinarte! Nakatingin lang si Marco sa cellphone niya ng hinablot ito ni Rhian.



"Hey!" Suway ni Marco pero hindi siya pinansin ni Rhian kundi tinago nito ang cellphone niya. Tiningnan niya ng masama lang lalaki tsaka nagsalita.



"Anong hey! Hey! ka dyan ha? Aba aba lintek, ikaw na nga tong tinutulungan ayaw mo pang makinig! Kalurkeytuties ka mygandaness!" Sabay punas sa noo niya. Napangisi lang si Marco tsaka tumingin sa kanya habang nakacross arms.



"Bakit? Sino ba nagsabi sa atin na tutulungan niya ako? Ako ba?" Sabi ni Marco sabay taas ng kilay. Para namang natigilan at napahiya si Rhian sa sinabi ni Marco. KFINE! Isip nito. Napabuntong hininga lang siya tsaka kinuha ulit ang papel.



"As I said. Eto nga pala ang gagawin nating 'Oplan Get Annabanana my loves to love a monkey like me.' okay?" Napakunot naman ang noo ni Marco. Eh? Monkey?



"Teka anong love a monkey like me yan ha? Are you kidding me?" Seryosong tanong ni Marco.



"Uh, no? Make looking on the mirror mirror on the wallness kaya ng ma make see mong you make super twins with kingkong who loves kangkong!"



Silence.



"Ano yun joke?" Tanong ni Marco habang nakatingin sa kanya ng seryoso. Para namang naginit ang ulo ni Rhian. Sige na tanggap na niya! Siya na talaga ang matalino. Parati na lang siyang barado eh. Masakit.



"Sabi ko nga eto gagawin natin! Hmp! So eto, magkikita tayo bukas sa ball--"

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon