Special Chapter 1 (Daryl and Yla)

153K 1.7K 208
                                    

Hello guys! Its February, meaning...I'm sort of back. Yey! Part one ng mga special chapters ko. Sa mga nagrerequest kung ano nangyari kay Daryl at Yla, eto na bibigyan ko na sila ng hustisya. Sila po yung nag-appear sa tatlo kong chapters. Pinsan ni Lawrence si Yla at Doctor si Daryl sa school nila. Mga nasa chapter thirty to forty-ish sila. Kung nakalimutan nyo na. Yun lang. Enjoy :---)

       -----

10 years later

"Yla meron ka bang notes dun sa Otorhinolaryngology? Nawala ko kasi yung xerox ko nun." Tanong ni Gil kay Yla. Tumingin naman siya dito at tsaka kinuha ang folder niya at kinuha ang xerox copy nito. Ngumiti siya kay Gil.

"Pabalik na lang ha? Magrereview pa kasi ako mamaya." Sabi nito. Tumango naman si Gil at tsaka nagpa-alam kay Yla upang ipaxerox nga ito. Sino nga naman ba mag-aakala na after 10 years makikita mo siya sa isang medschool. Si Ylanne na napakaimmature at halos napaka-spoiled brat ay isang babaeng nag-aaral na nang medicine? Nasa third year na siya ngayon ng Med niya. Pagkatapos nito ay clerkship na nila. Grabe halos wala na ngang tulog at kain itong si Yla dahil sa dami nang inaaral nila. Pero miske ba parang slavery na itong nararamdaman niya sa Med School di pa rin niya nakakalimutan ang sinabi sa kaniya ni Daryl.

 

"Pag natapos mo na lahat, dun ka lumapit sa akin. Tsaka mo patunayan na hindi dapat kita makita as just a younger sister of mine. Okay?"

 

"Yan I like that. Well paano ba yan? I guess I'll just see you around...around when you're ready enough?"

Napangiti siya sa sarili niya. Pag naaalala nga niya yung mga pangugnulit at mga pagpupumilit na ginagawa niya dati kay Daryl halos tawa siya nang tawa. Naalala pa nga niya yung ginawa niyang pananakot sa HR ng school ng mga magulang niya para lang makuha ang folder ni Daryl at malaman kung ano ang number niya. Ngayon lang niya narealize kung gaano nga kaimmature yung kilos niya.

Pero kahit ganon isang bagay ang sigurado siya hindi immature ang feelings niya kay Daryl nung mga panahon na iyon.

Napabutong-hininga naman siya. Sa isang dekada nang lumipas, hindi na rin niya malaman kung paano niya mahahanap si Daryl. Nung nag-first year college siya nagresign na ito sa school na pagmamay-ari ng magulang niya at naging full-time doctor na raw sa isang ospital. 

Problema hindi naman niya alam kung saang ospital.

Sa dami-dami nga naman ng ospital sa mundong ito, paano niya malalaman kung saan ngayon nakabase si Daryl? Malay mo nasa Mindanao yon? Or worst nag ibang bansa.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon