Chapter Eighteen

297K 3.1K 490
                                    

"Wow, fantastic baby. Boom shakalaka, boom shakalaka, boom shakalaka. Yeah yeah.." Kumakanta si Noneen habang nag-aaral. Hindi pa sya bumababa mula nung binigay ni Lawrence yung bulaklak, hindi pa naman kasi siya tinatawag eh kaya hindi muna siya bumaba. Pero napahinto sya sa pagkanta ng biglang niyang marinig na tumunog ang tiyan.



"ASDNNASKDHASKDNA" Napahawak siya sa tiyan nya. Hala, nagugutom na siya. Bakit ba kasi hindi pa sila kumakain? Binitawan niya ang ballpen tsaka bumaba papunta sa kusina nila. Pero laking gulat niya ng nakapatay na lahat ng ilaw at wala ng tao.



Eh? Hindi man lang ako hinintay kumain! Isip nito. Sumimangot siya, ano nanaman ba iniinarte ng lalaking yun ha? Binuksan niya ang ilaw sa kusina tsaka tumingin ng pagkain sa ref. Kumuha siya ng saging sa table. Kinain niya ito, tatapon na sana niya ang balat sa trashcan ng may nakita sya.



Boquet of roses.



Napatigil sya at kumunot ang noo niya. Kinuha niya ito tsaka tiningnan. Mukhang bago pa ang mga bulaklak. Pero nagtataka siya, para kenino naman to? May manliligaw ba si Manang at binusted niya kaya tinapon yung bulaklak? O baka naman galing sa manliligaw ng asawa niya? Napailing siya.



"Sayang naman to." Sabi ni Noneen habang nakatingin sa bulaklak. Napangiti siya. "Pero dahil wala naman atang nagmamay-ari sayo, akin ka na lang! Muwahahaha" Kinuha niya ang pagkain niya, babalik na sana siya sa kwarto niya ng makita niya si Lawrence na nakatayo sa harapan niya.



Nagkatinginan sila. 



Enebenemenyengmengetengeneyen. Isip ni Noneen. Nakita niyang tumingin si Lawrence sa hawak niya tsaka tumingin ulit sa kanya.



"Ba't hawak hawak mo yan?" Tanong nito sa kanya. 



"A-ano kasi eh...nakita ko sa trashcan, sayang naman. Ang ganda ganda pa naman oh." Sabi ni Noneen sabay tingin sa bulaklak. Nakita niyang lumapit sa kanya si Lawrence tsaka inagaw ang bulaklak.



"Akin na yan." Malamig na sabi nito.



"T-teka bakit! Hindi naman sayo eh!" Sigaw ni Noneen. Nakita niyang itatapon ulit ni Lawrence ang bulaklak ng pinigilan niya ito.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon