Chapter Seventeen

302K 2.9K 483
                                    

Haha dedicated para sa kanya. Grabe, Idol tawag sa akin eh. Haha salamat naman *u*

 ---

Tahimik na naglalakad si Rhian sa hallway ng school nila. Baligtad ata ang kapalaran nya ngayon eh, kasi sya naman ang magisa ngayon. Wala kasi si Noneen, ang kanyang bestfriend. Biglang nagdisappear, pinatawag ng teacher nila kaya ayun. Wala syang magawa ngayon, paano naman kasi halos lahat ata ng estudyante busy sa darating na ball at sya naman ngayon problemado.

Wala kasi siyang escort. Required pa naman.

Napabuntong hininga sya, ilang araw na rin ang lumipas simula nung inannounce yun. Pero ni isang lalaki wala atang nagaya sa kanya. Wala pa atang nagkakamaling alukin siya. Ewan nya ba kasi, halos lahat ata ng lalaki takot sa kanya. Paano naman kasi..

napagkamalan siya dating bakla. 

Hindi nya talaga alam kung bakit siya napagkamalan pero hindi na lang din niya pinakealaman iyon. Basta alam niya sa sarili niya.. 

BABAE SIYA.

Naglalakad siya ng bigla syang mapatigil.

"Huhuhu! Huhuhuhu!" Nakarinig siya ng isang taong umiiyak. Napalingon siya sa may tunnel. Nakita niya ang isang lalaking nakaupo habang umiiyak at nagpupunas ng ilong.

Aww uhugin. Isip nito.

"Huhuhuhuuuu!" Iyak nito. Naningkit ang mga mata ni Rhian. Grabe hindi pala umiiyak ang lalaking to. Humahagulgol. Ano bang problema ng lalaking to ha? Parang namatayan ng kamaganak kung umiyak. NIlapitan niya ito, medyo magulo ang buhok nito habang hawak hawak ang panyo at iyak pa rin ng iyak.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon