Chapter Forty Six

220K 2.7K 491
                                    

“ARAY KO NAMAN TEH YUNG FESLAK KO NA-MAGINDANAO MASSACRE HA EKLAVUNG CHARUSH KA!! PAKAEN KO SAYO—“

“Ano ba miss ang ingay mo naman!! Papasakan ko ng toilet paper yang bibig mo eh!” Reklamo ng lalaki sa tabi in Rhian.

“ENGOTSKI KA PALA EH DE NABASA YUN SA BIBIG KO KALURKEY IQ MO THE PANG OCEAN DEEP LANG SA BABA!!” Reklamo ni Rhian. Napatigil naman sa paglalakad ang lalaki tsaka siya tiningnan ng masama.

“Alam mo konti na lang maniniwala akong bakla ka talaga at papatulan na kita ang ingay ng bibig mo daig pa pwet ng manok!” Inis na sabi ni JC. Eh sino ba kasing di maiinis kung yung kasama mo walang ginawa kundi kausapin ka ng ibang language plus pa yung walang tigil at parating pasigaw nito. Napapailing na nga lang si JC eh. Bakit ba kasi siya pa inutusan sumama sa baklang to?!

“EXCUSE ME?!”

“Sige daan ka na.” Pabalang na sagot ni JC.

“Ugh kalurkey itey beauty ng chirvachuchung may goddess akey imbyernadette sembrano nafalling given by the heaven oh jusko Lord!!” Napakamot naman si JC. Ano bang pinagsasabi ng babaeng to ha?

“Alam mo dalawang oras na tayo dito pero naubos lang sa pagtatalak mo. Imbes na matapos na tayo no. Dyan ka na nga!” Wala, naubos na talaga pasensya ni JC. Nagulat naman si Rhian. Paano kasi sila naassign bumili ng mga kakailangang gamit para sa retreat nila bukas. Ewan ba inako ng Values club yung mga materials, ayan tuloy.

Para namang natulala si Rhian ng nakita niyang naglakad na papalayo sa kanya si JC. Oh noes hindi pwedeng iwan siya nito. EH NASA KANYA YUNG PERA TAPOS INIWAN SA KANYA YUNG BASKET!!

“Ugh ang arti mo naman teh, kalurkey siguro tarush ka no!!” Bulong ni Rhian sa sarili tsaka pinilit sundan si JC. Malas nga naman pinagsama pa silang dalawa, sila nga tong hindi magkasundo sa Values club. Paano kasi si JC ang well-known ‘snobbish’ person sa high school. Tapos parating galit, eh alam nyo naman si Rhian happy go lucky. Ayan tuloy.

“Hoy JC wag ka ngang mang-iwan nasayo yung pera!!” Sigaw ni Rhian kay JC patuloy lang maglakad. Wala di na nga siya pinapansin. Kung makapagPMS naman tong lalaking to no. Daig pa si Papa Lawrence o papa Ralph o kahit sinong papable sa isang story.  Sinundan lang niya si JC hanggang nakita niyang huminto ito sa sa tapat ng mga sardinas.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon