Special Chapter 8 (Wedding)

94.2K 1.2K 172
                                    

Nakaupo lang ngayon si Ralph habang nakatingin sa kapatid niyang kanina pa lakad ng lakad sa harapan niya. Napakamot siya sa ulo at tsaka napabuntong-hininga.

"Naiihi ka ba o ano?" Tanong ni Ralph pero di siya sinagot ng kapatid.

"Kanina ka pa lakad ng lakad diyan, di ka mapakali. Nakakabwisit na eh."

"..."

"Hoy gago. Kinakausap kita hoy." Pero wala dedma pa rin ang kapatid niya sa kanya. Napailing na lang siya at sakto pagbaling ng ulo niya sa kanan niya ay nakakita siya ng plastic bottle. Agad naman niyang binato ang kapatid.

Napatigil naman si Lawrence sa paglalakad at napatingin sa kapatid.

"Ano ba?!" Sabi nito. Agad naman niyang tiningnan kung mayroon bang narumihan sa suot niya. Natawa naman ng marahan si Ralph.

"Gago pumirmis ka nga sa iisang pwesto. Nahihilo na ako sa'yo eh!" Reklamo ni Ralph. Napahawak naman si Lawrence sa noo niya.

"Kanina ko pa tinatry pero ayaw. Di ako mapakali." Sagot nito. 

"Yung totoo, nagdadalawang isip ka ba ha?" 

"Seriously? Ako pa tinanong mo nyan?" Tanong pabalik ni Lawrence at tsaka tumingin sa kapatid. Nakita niyang nagkibit-balikat lang ito sa kanya. "Sometimes I can't decipher the logic I used on why did I get you as my best man. Seriously dude." Ika ni Lawrence. Napalunok naman si Ralph at tsaka tiningnan ng masama si Lawrence.

Yep, 4 years after meron pa rin siyang issue pagdating sa English.

"Magtagalog ka nga uupakan kita eh." Sagot nito. Natawa naman si Lawrence sa sagot nito. Kahit kelan, kahit anong mangyari talagang 'yan ang linya ni Ralph pag nageenglish siya bigla. Nagpapasalamat pa rin siya na pinanganak na siya noong umulan ng English sa Pilipinas.

"Pero di nga, di ka ba pwedeng manahimik sa iisang sulok ng kwarto na to? Kanina mo pa nalibot eh."

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon