Please, Stay with Me 10

126 14 4
                                    

"Congratulations Lana!! Biruin mong yung dating webtoon eh magiging tv series? Sinabi na ba kung sino ang bida? Alam mo feeling ko yung loveteam na sikat na sikat ngayon ang gaganap kasi parang bagay eh. Tsaka talent nila yon eh kaya malakas ang pakiramdam ko na sa kanila ibibigay ang role.  Sa tingin mo?" hindi matago ang excitement kay Pia simula pa ng malaman nyang interesado ang RMM Network na kuhaning ang ilang sa mga sinulat ko kaya kahit na nasa gitna kami ng meeting ay halos hindi na matapos ang sinasabi ng kausap namin dahil sa mga pasundot sudot na banat nito. Mabuti na lang at nasasakyan ang kalokahan nya at nagtatawanan sila dahil baka bigla ko na lang ito itapon palabas ng bintana.

"Kalmahan mo lang Pia, hindi pa tapos ang negosasyon kaya wag mo muna akong icongratulate. Marami pa ang pwedeng mangyari" Sabi ko rito habang inaayos ko ang ilang papeles sa center table ng opisina ko.

"Kahit na! Ang mapili yung story mo para gawing series sa tv na buong Pilipinas ang makakanood eh isang malaking karangalan na. Kaya doon palang congrats na agad sa aking pinakamamahal na boss at kaibigan. Ang ganda kaya ng meeting kanina kaya kung ako sayo I-go mo na yan at halata namang gustong gusto nung producer yung gawa mo." Minsan talaga sa buhay kailangan mo ng kaibigang proud na proud sayo kahit na sa maliit na bagay. Hindi ko sinasabing maliit na bagay ito ha pero yung tipong kahit na anong gawin mo proud sya sayo at masaya syang sumusuporta sayo. Kaya kahit na malala ang tama nitong kaibigan kong to eh hindi ko maitapon. Binabawi ko na yung kaninang sabi ko na itatapos ko sya sa bintana.

"Depende pa. Ayokong baguhin ang kahit na ano sa story na yon at mukhang doon kami magkakaproblema." Diretsong sabi ko. 

"Sabagay, alam kong special yang story na yan sayo kaya gets kita pero sayang ang opportunity at lalo na ang datung! Malaki ang bigayan!" Sabi nito habang tinutulungan akong salansanin ang mga papel sa harap namin.

"Ay!" halos napatili ako sa gulat ng biglang lumakas ang boses nito na tila may nakitang kung ano.

"Ano ba?! Grabe yang bibig mo! Ano nangyari?" Iritang may pag aalalang sita ko rito.

"Naalala ko lang, ngayon nga pala ang birthday ni Liam! Wala pa akong regalo!" Todo emote ang loka!

"Tumili ka dahil lang don? Alam mo bang halos mahulog ako sa upuan ko sa gulat tapos dahil lang sa birthday ni Liam at wala kang regalo?" sita ko rito.

"Ay, ang sungit ah. Wag ka kasing mag iinom ng kape noh! Bakit ikaw may regalo ka na kay Liam?"

"Wala tsaka wala akong balak pumunta sa party nya. Inaatok ako." tamad kong sabi habang sumasandal sa malambot na sofa na aming kinauupuan.

"Kaya ka siguro namamanas eh dahil sa kakatulog mo! Aba Lana, konti na lang dadaigin mo pa si Sleeping Beauty kakaborlog mo. Sumama ka ng matagtag man lang yang namumuong fats sa katawan mo." Gusto kong mainis sa sinabi ni Pia pero totoo naman. Kanina nga noong nagbibihis ako, hinubad ko yung jeans na dapat ay susuotin ko ngayong araw dahil para akong binalot na suman kaya ang ending ay etong dress ang suot ko ngayon. Ano naman kasi ang magagawa ko kung masarap kumain at matulog? Bumabawi siguro ang katawan ko sa haba ng panahong nagtrabaho ako umaga hanggang gabi.

"O? Natulala ka naman? Hala uy! Hanggang dito nananaginip ka ng gising? Ang tindi rin ng trip mo eh no?" tapik nito sa braso ko para kausapin ko sya.

"Oo na! Sasama na! San ba yung party?"

"Saan pa ba edi sa The Mansion tsaka baka doon mo na Makita yung Mr. Right mo." may halong pang aasar ito. akala ko pa naman ay matatapos ang araw namin na hindi nya mababanggit ang topic na yan. Hindi pa ba sila umay sa lovelife ko? Ako kasi umay na sa kakatanong nila eh.

"Ayan ka na naman! Lubayan mo nga ako please? Darating yon kung darating kaya wag nyo ng madaliin." 

"Nagsalita ang babaeng hindi nagmamadali. So ano ang dapat madaliin? Yung pagkakaroon ng baby? Ah, baka kaya lagi kang tulog at namamaga eh dahil may laman na yang tiyan mo na yan?" Natigilan ako sa sinabi ni Pia. Hindi nga kaya? Hindi pa ako nagtetest simula ng gawin namin ang procedure. Naging successful nga kaya ang procedure this time? 

Please, Stay with MeWhere stories live. Discover now