Please, Stay With Me: 2

181 11 2
                                    

Napaikot na lang ang mata ko ng makita ang pangalan ni Max sa screen ng aking telepono. Ano na naman kaya ang problema ng taong to?

"Hello?"

"Lana, nilalamok na ko rito sa labas ng bahay mo. Ano? May balak ka pa bang papasukin ako?"

"Sino ba kasing nagsabing pumunta ka? Tsaka ano naman ang pakialam ko kung pupugin ka ng lamok riyan?"

"Sino nagsabi? Pinapunta mo ko baka nakakalimutan mo. Gagawin ko ba yang tumatagas na gripo mo o hindi?"  Napakamot ako ng ulo sa sinabi nito. Bakit ba kasi nakalimutan ko ang usapan namin nitong lalaking to.

"Teka lang. Mamaya na lang. May bisita pa ako. Tawagan kita pag okay na. Bye." Mabilis kong baba ng tawag dahil sigurado akong mas marami pa ang sasabihin ng kapitbahay kong iyon kesa sa sinabi ko.

Tapat lang kami ng bahay. As in tapat na tapat. Ilang linggo lang pagkalipat ko rito ay nakuha na nya ang lote. Sa dami ng bakanteng lote rito sa village sakto at yung lupa sa tapat ng bahay ko ang nakursunadahan pero mabuti na din iyon dahil may instant mekaniko, tubero, karpintero at kung ano ano pang "ro" akong natatawag.

—-

Malakas na kalabog ng pinto ang gumising sa akin. Masakit ang ulo ko sa puyat at dami ng nainom kong alak kagabi pag kauwi nila Pia. Oo, nagsolo ako. Ano pa nga ba? Eh solo lang naman talaga ako sa buhay? Ano pa ba ang ineexpect nyo?

Padabog akong bumangon sa kama at kinuha ang roba para takpan ang mga dapat takpan dahil tinatamad pa akong magbihis ng maayos. Mabilis na nagmumog ako ng mouthwash at tinali ang buhok at hindi na nagabala pa dahil sigurado naman akong sa kama pa rin ako babalik para matulog muli.

"Sandali naman! Sisirain mo pa ang pintuan ng bahay ko ah!" Sabi ko ng malapit na ako sa pinto. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino ang nasa likod ng pinto dahil isa lang naman ang parating pabargas kumatok.

"Ikaw! Hindi mo ba kayang magmarahan man lang? Baka nakakaistorbo ka ng tao?"

"Good morning Madam! Ang aga mo namang magsungit." Itinaas nito ang brown paper tsaka kusang pumasok sa bahay ko at dumiretso sa kusina. Wala na akong nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin at pagmasdan kung paano ilabas ang mga pagkain mula sa dalang papel.

"Mamaya ko na aayusin yung gripo mo, kumain muna tayo ng almusal. Nagugutom na kasi ako."

"Malapit na kong magtaka kung wala bang kusina o mesa sa bahay mo kaya parating dito ka nakikikain."

"Meron naman. Ang wala sa bahay ko eh ang isang babae na katulad mo na makakasabay kong kumain."

"Mahirap solusyonan yang problema mo na yan. Wala akong katulad kaya magsanay ka na na kumain mag isa sa malaki mong bahay."

"No. Magsanay ka na na parating dito ako makikikain." Nagtaas baba ang kilay na to kasabay ng pilyong pagkindat na akala mo naman ay ikinagwapo nya. "Upo na Lana, masamang pinaghihintay ang pagkain sa mesa."

Si Max na rin ang nagligpit ng pinagkainan namin bago simulang ayusin ang gripo ng kusina na ilang linggo ng tumutulo. Hinayaan ko lang sya roon sa baba habang nagbihis ako ng pangbahay. Hindi naman ako makaligo dahil pinatay nito ang supply ng tubig.

Isa isa kong kinuha ang mga maruming damit sa kwarto pati na ang bedsheets at kumot pababa ng madatnan kong hubad na ito at basang basa.

Please, Stay with MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant