Please, Stay with Me: 6

194 12 4
                                    

The IUI day.

Doc Cynthia gave me some Ovulation meds that will increase my chance to get pregnant. After several, blood tests, ultrasound to check the best time of sperm injection finally the IUI date has come.

Maaga kami sa clinic para sa schedule ni Max. Of course alam nyo na kung ano yon. Ang loko, hindi na nahiya sa nurse na tanungin kung pwede daw ba akong sumama sa collection room. Gusto kong batukan talaga sa harap ng nurses tong kasama ko.

Hinintay ko lang sya sa waiting area dahil sigurado naman akong hindi nya kailangan ng presensya ko don. Kaya na nya yon mag isa. At wala pa yatang 30 minutes ay tapos na sya. See?  

Kumain muna kami ng almusal since isang oras pa ang iintayin namin para naman sa schedule ko at walang sya ginagawa kundi ang buskahin ako.

On our way back sa ospital, nahalata na siguro nito na kinakabahan na ako. Tinodo ko ang aircon ng sasakyan to calm myself. Napapraning na naman ako. Ilang dasal na ang nagawa ko since dumating ang araw na to at natawag ko na halos lahat ng santo.

"We're here." anunsyo ni Max. He looks so relax. Oo naman, bakit naman to nenerbyosin katulad ko eh hindi naman big deal para sa kanya kung ano man ang maging resulta nito. No. Erase that Lana. Masyado na namang maraming tumatakbo sa isip mo. Pagalit ko sa sarili.

"Ready?" muli nyang sabi at tanging tango lang ng pagsang ayon ang binigay ko.

Simula ng bumaba kami sa kotse ay hindi na nito binitiwan ang kamay ko. Aalisin ko pa sana ang pagkakasaklop ng kamay nya ng pigilan nya ako.

"Let me." mas hinigpitan nya ang paghawak sa aking kamay. Maybe, he wants to comfort me. To make me feel at ease at hindi ko namanitatanggi na kailangan ko yon ngayon. I need a support.

Pareho kaming tahimik na naglalakad at tila kabog lang ng dibdib ko at tunog ng paglakad namin ang aking naririnig.

"I'm nervous." Mahinang sabi ko.

"I'm nervous too." Mabilis akong nalingon sa kanya. He does?

"Why?" Sunod na tanong nya ng makita ang pagtataka sa mukha ko.

"I'm nervous that the instrument may not work and do it's job properly to target your eggs. Kung ako yon, wala ka ng aalalahanin pa." Mabilis kong kinalas ang kamay ko sa kanya at sinapok sya ng mahina sa braso. Nag umpisa na naman sya ng pagtawa at kahalayan.

"Physical abuse!" pag ilag nya sa kamay ko.

"Apaka mo! Wala ka talagang kwenta kausap." Inis na sabi ko.

Hinabol nya ang kamay ko at pilit na pinagsaklop muli ang kamay namin. "I'm just lightening up our mood baka matakot ang mga sperm at egg cells. Baka pati sa loob mag away sila at di magpansinan." Loko talaga pero epektibo naman. Nalibang ako at pansamantalang nakalimutan ang kaba.

"Lord, sana naman this time may mabuo na." Paulit ulit na sambit ko sa utak ko habang papasok sa hospital kung saan gagawin ang IUI.

Huminga ako ng malalim ng matanaw ko ang pintuan ng examination room. The same hopeful feeling gaya ng nakaraan. The same anxiety and stress feeling pero ang pinagkaiba lang ay may nakahawak sa kamay ko ngayon. May kasama ako.

I was about to untangled our hands para pumasok sa kwarto ng maingat nya akong pigilan.

"Can I go with you?" Nakatitig lang ako sa kanya. "I wanted to be there. Promise, behave ako." His eyes are begging.

"Good morning Lana, Max. Ready for your big day?" Nabaling ang atensyon ko kay Doc Cynthia.

"Good morning doc. I'm ready. Sana this tine successful na." I nervously smile.

Please, Stay with MeWhere stories live. Discover now