Please, Stay with Me: 1

303 12 0
                                    

"Sabi ko naman sayo imbis na ubusin mo ang pera mo jan sa scientific method, humanap ka ng jowa! Yon, libre. Walang gastos, masaya ka pa!" Sabi ni Pia matapos nilang malaman ang resulta ng procedure na ginawa ko.

"Agree! Tingnan mo ko, minsanan lang pero naka three points na agad." Segunda ni Lea habang hinihimas ang malaki na nitong tiyan.

"Iba! Inaraw araw nyo naman yata kasi ni Liam! Kaya pala nung minsan eh iika- ika ka na maglakad." Pang aasar ng baklitang Pia kay Lea. Buti na lang talaga at kabagang namin tong si Lea kaya madali kaming nagkasundo sundong tatlo simula ng ikasal sila ni Liam. Mas madalas pa nga naming makita sya kaysa kay Liam dahil nag seryoso na ito sa pagnenegosyo.

"Bruha ka! Ang dami mong napapansin! At ikaw namang Lana ka, lubayan mo yang kaka IVF mo. Ano, sa harap ka na lang ng doctor bubukaka?" Binaling ng dalawa ang atensyon sa akin.

"Masyado kayo ha! Dapat nga dinadamayan nyo ako ngayon dahil hindi parin successful ang procedure! Kaya ko kayo pinapunta dito para icomfort ako dahil baka kasi malungkot ako diba at hindi para ubusin ang laman ng ref ko." Inubos ko ang natitirang wine sa baso tsaka muling tiningnan ang pregnancy test na nasa mesa. Bakit hindi pa rin? Ilang beses ba dapat ako sumailalim sa IVF na yan bago ako magbuntis? Malinaw naman ang sabi ng doktor ko na healthy at capable ako, pero bakit hindi maging successful?!

Ang hirap sa pakiramdam na aasa ka na pero bigo pa rin pala.

"Nakakaloka ka naman kasi Lana, ano ba yang pumasok sa utak mo at nag IVF ka?" Seryosong tanong ni Lea sa akin.

"Gusto kong magka anak okay? Ayokong tumandang mag isa at sa edad kong ito, mababa na ang tsansa na mabuntis ako kaya hindi ko na maaantay pang humanap ng lalaki, magpaligaw, magkarelasyon tapos may engagement, may kasal, tsaka palang maiisipang magkababy! O worst hindi na nga magkababy sasaktan pa ko sa huli?! Ang tagal ng lalakbayin ko para sa goal ko!" Diretsong sabi ko na ramdam ang frustrations sa bawat salita. Halos sabunutan ko na ang sarili ko habang nagpapaliwanag.

"Pwede namang lagpasan yung ibang steps! Ang dami nga jan o, anak muna bago kasal." Pabirong sabi ni Pia.

"Hindi ka ba natatakot na baka malahian ka ng kung ano? Di mo alam ang hitsura, ugali o kung sino sya? Baka may sakit sa utak, serial killer, o baka masama ugali na mamana ng magiging junakis mo. Alam mo yun, worried lang din kami." Tumabi sa akin si Lea sa sofa tsaka niyakap ako. Siguro ay nahalata na nito ang pagbabanta ng luha sa mga mata ko.

"Hindi ko naman kasi dapat malaman kung sino sya. Semilya nya lang ang kailangan ko at hindi sya." Totoo naman.

"Lana, ang daming lalaki sa mundo, ano ba naman yung umawra ka? Tsaka nakakapanghinayang yung magbabayad ka ng sobrang laking halaga tapos wala rin naman pala! Kung gusto mo, ipapahiram ko sayo ang asawa ko tapos ibigay mo sa akin yung milyon mo?" Biro ni Lea para hindi bumigat ang usapan.

"Kadiri ka!" Marahan ko syang kinabig palayo sa akin na ikinatawa nya. Kahit pa biro iyon hindi ko kayang isipin.

"Oo nga! Kung ano ano yang lumalabas sa bibig mo! Lana, gusto mo ako na lang o? Isang milyon?" Nagboses lalaki ang baklita si Pia tsaka kumindat pa sa akin. Lahat kami ay napa Ew sa sinabi nito.

"Alam mo Lana, darating din ang lalaking para sayo. In God's perfect time. Wag mong madaliin dahil baka kakamadali mo mas lalo pang hindi tama ang mangyari." kalmadong sabi si Lea na tila nahimasmasan na sa kakaokray sa akin.

"Ayan na si Sister oh. Makinig ka. Minsan lang yan magpayo ng seryoso kaya makinig ka kay Mother Superior!" Kinuha ni Pia ang pregnancy test tsaka tinapon sa basurahan.

"Kailan pa? Nauubos na ang oras ko. Baka pagdating nya tuyot na ang ilog. Wala na."

"Kaloka ka jan mare! Try mo kaya mag Tinder? Mag online dating? Baka makabingwit ka ng isdang gustong lumangoy sa patuyot mong ilog?" Tawang tawang biro ni Lea habang lumalafang ng carbonara na niluto ko.

"No, mag bar tayo! Sumama ka kasi sa amin kesa ikulong mo ang sarili mo sa bahay at opisina. Ang pagkakamali mo kasi tinalikuran mo ang sinasabing Work-Life-Balance. Ang sayo puro Work-Work-Work na lang. Ayan, naghahabol ka tuloy."

"Buti na lang ako balanse lahat." Pang iinggit ni Lea.

"Kaya naka tatlo ka na? Ano, taon taon talaga ang pagbubuntis? Pakisabi sa asawa mo, uso magcondom teh."

"Hay! Ang gulo nyo. Bilan nyo ko ng ice cream para hindi ako malungkot." Awat ko sa dalawa na tila laging may debate o kung anong pagpupulong sa dami ng mga sinasabi.

"Libre ko na. Ako na. Para naman sabihin mong may napala ka sa pakikipag usap mo sa amin." Tumayo si Pia na ikinagulat namin.

"Ay! Chocolate flavor!" Pahabol nito ni Lea.

"Baka naman lagnatin yon? Manlilibre talaga sya? Jusko!" Biro ko. Sa kakuriputan ni Pia baka isumbat pa nun ang ice cream sa akin pagnagkataon.

"Wag mo ng batiin baka hindi pa ituloy!"

"Lana, seryosong tanong ha. Sagutin mo ng seryoso at makatotohanan. Wala talagang nanliligaw sayo? Walang pumoporma?" Napabuntong hininga na lang ako sa tanong ni Lea.

"Wala."

"Eh yung lawyer na lagi mong kasama? Di ba inaya ka nun makipagdate? Tinabla mo no?" Usisa nito.

"Masyadong arogante."

"Yung nireto sayo ni Liam? Nakailang padala na ng bulaklak sayo yun.."

"Masyadong matanda para sa akin"

"Yung classmate mo nung college?"

"Playboy."

"Lana, hindi kaya masyadong mataas ang standard mo. Baka sa telenobela na lang makikita yung hinahanap mo teh!"

"Kaya nga nag IVF ako. Wala ng lalaking kayang panindigan ang salitang forever." Sige kung kokontra ka, bigyan mo nga ako! Patunayan mong meron!

"Ang pait! Sobrang pait nyan."

"Hay nako! Hayaan nyo na lang ako sa trip ko."

"Hayaan naming maubos ang laman ng bank accounts mo tapos sakto pag may nabuo wala na ka pera para paaralin yung bata. Kawawa naman dahil matanda ka na at maiiwang mag isa yung bata na wala man lang mag aalaga at gagabay. Buong buhay nyang itatanong lung sino ang tatay nya. Baka ibully pa yon."

"Shhhhh! Ang haba na ng istorya! Ang lawak na ng narating." saway ko rito pero kung tutuusin ay may punto naman talaga.

"Lana, you know, come to think of it. Baka masyado ka lang napepressure na magkaanak dahil sa edad mo. Para sa akin ha, hindi dapat ganun. Mas lalong hindi ibibigay sayo yan kung walang matibay na dahilan. Baka mamaya pag hinain na sayo ang gusto mo eh ikaw itong umayaw." Inabot nito ang baso ko at binuhusan ng wine.

"Bakit na naman ako aayaw? Willing nga akong gumastos ng milyon para lang magka anak." Sumandal ako sa sofa at dinantay ko ang ulo ko sa likuran nito para makatingala.

"Akala mo lang siguro yon. Ako nga ilang beses akong nakipagblind date, nireto sa kung sino sino, umattend ng mga groups at kung ano ano pa dahil sa kagustuhan kong magkajowa pero nung dumating si Liam, ako ang umatras. Hindi ko alam. Ang tapang ko nung wala tapos nung may magparamdam para akong makahiyang tumiklop. It was then that I realized na nadala ako sa paligid ko. Lahat kasi ng kaibigan ko may jowa ako lang ang wala." Kwento ni Lea.

"Try to stop for a moment. Relax."

"May punto naman tong taklesang to. Chill ka lang! Ang kailangan mo, makakasama sa buhay. Magpapasaya sayo." Napalingon kami ni Lea sa pagdating ni Pia.

"At sa anak ko lang makikita yon. Sigurado hindi ako iiwanan nun."

"Yan tayo eh! Asan na yung Lana na daig pa si Darna sa paglipad ng nakapanty at bra lang?! Yung walang problema? Keme kung ano ang nagyayari sa palagid?! Alam mo teh, makinig ka kay Lea. Kalmahan mo muna."

Inubos ko ang wine sa baso tsaka huminga ng malalim. Trying to assess myself. Trying to figure out what's the best for me until my phone rang.

Max Hanzon.

Please, Stay with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon