Please, Stay with Me: 9

241 17 17
                                    



"Lana, do we have a problem? Kanina mo pa ako di pinapansin."

"Bakit pinagtataasan mo ko ng boses? For your information nasa bahay kita kaya wag mo kong ganyanin."

"I didn't... Whooa" Tumalikod ito saglit at huminga ng malalim bago muling humarap sa akin at sa pagkakataong ito nakapamaywang na sya. Aba! Wala akong pake! Kanina pinapapunta ko sya rito pero hindi man lang sumaglit! Tapos ngayong ayaw ko na syang makita tsaka sya sunod ng sunod. Imbyerna.

"Inaatok na ko. Gusto ko ng matulog." Supladang sabi ko.

"Is it because I wasn't able to come earlier?" Tanong nito.

"Alam mo Max, sinabi mo kasi na pupunta ka tapos hindi naman pala. Sana kay Pia na lang ako nagpasabay bumili ng Cucumber Lemonade at hindi na kita hinintay!" Naiinis ako. Basta naiinis ako.

"You're mad at me just because of a cucumber lemonade, Lana, seriously?" Gusto kong umiyak. Bakit hindi nya magets na gusto ko nga yon at dahil nangako sya hindi ako nagpabili sa iba.

"Ayoko kitang kausap. Matutulog na ko." Ayoko ng makipagtalo pa dahil naiirita lang ako.

"Fine. You better go to sleep so you can rest. It seems like you are really stressed out." Hindi ko sya dinapuan ng tingin. Bahala sya umalis dahil malaki na naman sya. Nakakabwisit lang na umoo sya tapos hindi naman pala nya gagawin. Kaya kong bumili nun magisa pero hintay ko sya dahil nangako sya!

Mabilis kong sinarado ang pinto ng kwarto at humiga sa kama. Naiiyak ako sa inis dahil hindi man lang ako inalo nung lokong yon! Sya na nga ang may kasalanan sya pa ang may gut na makipagtalo. Ni hindi man lang nag sorry.

Naidlip ako ng ilang oras at nagising lang ako dahil kumukulo ang tyan ko. Nakakagutom kaya mabilis akong bumaba at naghanap ng makakain sa ref. Halos magningning ang mata ko ng makakita ako ng dalawang large Cucumber Lemonade sa ref. Mabilis kong kinuha iyon kasabay ng tirang spaghetti kanina para initin.

Hindi ko na kailangan pang alamin kung kanino galing to dahil sya lang naman ang may alam na gusto ko ng Cucumber Lemonade. Napangiti ako ng wala sa oras pero mabilis rin napawi ng maimagine ko ang mukha nya sa isip ko.

Halos maglaway ako habang hawak ang malamig na lemonade at agad akong sumimsim para masiyahan. Ang sarap. Yung freshness ng cucumber at yung tanginess ng lemon plus yung hint ng sweetness ng honey sobrang nakakasaya. Halos makalahati ko agad iyon bago pa tumunog ang microwave para sabihin sa akin tapos na ang pag iinit ng spaghetti ko.

Ang sarap sa pakiramdam. Parang nawala lahat ng inis ko sa katawan dahil sa lamig ng iniinom ko.

4 na ng hapon at mas pinili kong magkulong sa kwarto kesa makipagkita kay Pia. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Masakit ang mga kalamnan ko lalo na ang boobs ko. Pinatay ko na lang ang pagkainip ko sa panonood ng mga pelikula habang katabi ang isa pang baso ng lemonade.

Pang apat ko ng pelikula ang nakasalang ngayon ng may kumatok sa kwarto. I know it's Pia dahil katext ko sya kanina at pupuntahan daw nya ako pagkatapos ng raket nya kaya hindi na ako tumayo pa at sinabihan na lang itong pumasok.

Hinihintay ko syang talakan ako dahil hindi na naman ako nakipagkita sa kanya pero wala akong narinig kaya ako na mismo ang kumabig ng tingin at nanlaki ang singkit kong mata ng makita si Max na nakahilig sa gilid ng pintuan. Nakahalukipkip ito at nakatingin sa akin.

"Bakit ka nandito?! Sinong nagpapasok sayo?!" Unti unti na namang sumisibol ang inis ko sa kanya.

"You just did." Kalmadong sagot nito bago tuluyang magumpisang pumasok sa kwarto. "You're not answering my calls and messages." Seryosong sabi nito.

Please, Stay with MeWhere stories live. Discover now