Please, Stay with Me: 8

185 14 0
                                    

"I didn't know you can sing?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I didn't know you can sing?"

"Me either." sabay kaming natawa sa sagot ni Max. Di ko alam pero tawa lang kami ng tawa kahit wala naman talagang nakakatawa.

Hindi naman kalakihan ang food park kung saan ako dinala ni Max. Outdoor at may maliit na stage sa harapan na nung dumating kami at hanggang sa kalagitnaan ng pagkain namin ay wala namang gumagamit. Ang sabi ay tuwing weekends lang may nagpeperform roon at dahil Thursday palang ngayon ay bakante ang stage not until umakyat si Max.

Akala ko ay nagloloko lang ang loko pero seryoso pala sya. Nabanggit ko kasi na ang boring naman hindi lang dahil sa lugar kundi dahil sa ang tahimik din nito kaya dinapuan nya ako ng tanong kung gusto ko raw ba syang kumanta na walang habas ko namang sinagot ng oo.

Umakyat sya ng stage na ikinatuwa ng naroon. Nagpaalam naman sya sa isang staff at pinahiram pa ng accoustic guitar. I have to admit, he is a charmer at nakuha nya agad ang atensyon ng mga tao. Halatang sanay sya sa tao at sa stage.

"I was really caught off guard ng magsimula ka ng kumanta. Akala ko nagbibiro ka lang pero may talent ka palang kumanta at mag gitara? Di halata ah?" Biro ko rito habang diretso pa rin kami sa kakatawa. Siguro kung may nakakakita sa amin pagkakamalan kaming baliw.

Nasa labas kami ng food park at naglalakad papunta sa sasakyan. Ang saya lang maging masaya at mas masaya kung masaya rin ang kasama.

"Didn't expect that huh?" Biro nito.

"Hindi. Kala ko mangbwisit lang ang talent mo."

"That's.. that hurts.." Arteng sagot nito. Mabilis syang umabante para makaharap akin habang patalikod na naglalakad ako naman ay paabante sa direksyon nya. "I used to sing for a living. Kumakanta ako kahit saan para lang magkapera. Kahit sa gitna pa ng kalsada ng US yan basta kumita lang until someone saw me and invited me to join their band. Thank God for that band, I finished college. I survived life through it." Kwento ni Max habang sinasariwa ang mga sinasabi.

"Member ka pala ng band. Anong tugtog nyo?"

"Ballads. Parang tugtugan ng Side A? ng Freestyle? Southborder? Boring ba?" Natawa ako sa pagtatanong nya. May bahid ng hiya kasi ang pagkakasabi nito parang natrauma sa pagkakasabi ko ng boring kanina.

"Nope. Gusto ko nga eh. I'm not a fan of hardcore rock bands. Tamang tempo at melody lang sapat na. Bonus na lang kung gwapo at maganda ang boses ng vocalist." kaswal na sabi ko habang finadama ang ihip ng hangin.

"You mean like me?" His boyish grin is showing up again. Inikutan ko lang sya ng mata kaya mas lalo syang natawa at sinabayan na ako sa paglalakad ng diretso.

"Alam mo hindi kita kokontrahin jan sa kayabangan mo na yan dahil may ipagyayabang naman talaga. Kahit tanungin mo pa yung mga girls at pagirl sa venue. Kita mo ba yung tingin ng mga yon sa akin? Parang gusto na nila kong kuyugin ng lapitan mo ako at iabot to." Taas ko sa isang tangkay ng rosas na hawak ko. Hindi ko alam kung saang lupalop ng venue nya nakuha to pero talaga namang nagtilian ang mga kababaihan ng bumaba sya sa stage. Alam nyo yung parang heartthrob na tinitilian ng mga girls? Ganun ang effect ng loko.

Please, Stay with MeWhere stories live. Discover now