Please, Stay with Me: 7

265 16 1
                                    

"Huy! Okay ka lang?" Ano ba nangyari rito? Bakit parang nahipan ng hangin at natulala na lang? Alam ko namang may taglay akong ganda pero hindi naman ako nakakapag pahinto ng galawa ng tao no?

"Sh!t!" Bulalas nya kasabay ng paglagay ng distansya sa amin. So nananaginip sya ng gising? Ganun ba ko kagaling mag kwento at nanaginip sya ng dilat ang mata?

"Problema mo? Kanina ka pa nakatitig sa akin?" Biro ko sabay patay ng TV.

"W-wala. May naimagine lang ako."

"Na ano? Si buhay si Jack at magkikita sila ni Rose and they live happily ever after?" Umupo ako sa sofa at kumuha ng slice ng pizza.

"Nagayuma yata ako." Luh? Ang gwapo ha?

"Sino naman ang gagayuma sayo? Kung ako sayo, lubayan mo ang imagine! Baka masira ulo mo jan." Namula ang tenga nito at halatang naapektuhan sa sinabi ko.

"Ano ba kasi yun? Baka naman pwedeng malaman oh?" Gatong ko sa pang aasar ko kanina.

"Must be the porn I watched earlier." Ganting sagot nito sa akin suot ang mapang asar na ngisi. Kung hindi ako sanay sa bukas ng bibig nato baka nabigyan ko na agad to ng mag asawang sampal.

"Ang aga nating umalis kanina nakahanap ka pa talaga ng time para manood ng ganon?! Ibang klase ka rin talaga ah!" Inikutan ko ito ng mata.

"Aba, kasalanan ko ba na pagbukas ko ng tv sa collection room kanina sa clinic eh yung babaeng nakatuwad ang bumungad sa akin? Tapos yung mga magazines don eh dinaig ang mga magazines ko sa bahay?" Umupo ito sa kabilang side ng sofa at kinuha ang remote.

"Ang halay mo no?"

"Must be my high testosterone level."

"Kaya nag uuwi ka ng babae sa bahay mo? Ang taas nga ng testosterone level mo. Tandaan mo, may usapan tayo ha? I want you clean."

"You want me clean?" Syempre iba na naman ang naisip nya kaya nakapaskil na naman ang pilyong ngisi nya sa mukha.

"Oo. Kaya lubayan mo ko dahil baka sa pagkagusto kong malinis ka eh buhusan ko yan ng muratic."

"Ang sadista mo." Tinaas nito ang isang paa sa sofa at puwesto na parang kalahating indian seat at nakaharap sa akin. "Alam mo I just want to live longer." His eyes are very much engaging as if may sense ang sinabi nya.

"Anong connect?"

"Based sa mga research, ang pakikipag sex ng lalaki once a week lowers the risk of heart attack, diabetes and stroke AND men with active sex life most likely to live over 80 years old." Alam nyo yung hitsura ng bata na may niyayabang na bagong laruan? Ganung ganun ang mukha nito ngayon.

Tinaasan ko lang ito ng kilay kaya mas lumapit ito at nagsimula muling magsalita.

"And many research says that women between 27 to 45 tend to have higher sex drive AND more intense sexual fantasies." Aba, lokong to ah!

"So anong pinopoint mo? May issue ka ba sa edad ko? May issue ka sa sex drive ko? Sa fantasies ko?" Teka lang, bigla akong napaisip.

"I'm just curious. Is it true?"

"Mali ka ng napagtanungan. Pano ko masasagot yan kung hindi naman ako active sa sex? And why are we talking about it anyway?"

"Lagi kasing sinasabi na lalaki ang mataas ang sex drive wherein pareho lang naman. Obvious lang yung samin dahil nakikita. And one more thing, ang mga babae ang lumalapit sa akin at nagbibigay ng motibo. Syempre, magagalit si Idol nyan."

"Are we having a gender issue here? At sino naman si Idol?"

"Si Idol. Yung gusto mong buhusan ng muratic kanina."

Please, Stay with MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin