Please, Stay with Me: 11

214 18 9
                                    

Mahimbing ang tulog dahil na rin siguro sa pagod at sama ng pakiramdam pero ramdam kong nakabawi ang katawan ko kahit papaano. Ang sarap damhin ang lambot at lamig ng kama habang nag iinat.

Inabot ko ang cellphone sa bag para saglit na magcheck ng messages at email pati na rin magbukas ng social media. Eto na ang nakagawian kong routine tuwing umaga lalo na kapag ka ganitong hindi ako busy at naka day off sa trabaho. Ang saya kayang mag scroll at makibalita. Ang daming pictures ang naka tag sa akin mula sa event kagabi na mas nagpalapad at nagpasaya ng umaga ko. It was nice being with them after how many months. Nakakamiss rin talaga lalo na ang walang humpay na kwentuhan at tawanan.

I answered their messages para hindi na sila mag alala pa lalo na si Pia na nakailang missed calls. Tatawagan ko sana sya ng biglang magring ang cellphone ko.

Max Hanson.

"Good morning! Pasensya na kagabi ha?" Bungad kong salita pagkatapos kong tanggapin ang tawag.

"No prob. Nasa labas ako ng kwarto mo, pwede na ba akong pumasok?" Napaupo ako at natingin sa pinto. Mas lumapad ang ngiti ko sa narinig. Gusto kong lamukusin ang gwapo nyang mukha.

"May breakfast kang dala?" Excited kong tanong.

"Sinangag, pritong itlog, danggit at longganisa." Mabilis kong tinungo ang pinto at binuksan. Isang mahigpit na yakap ang agad kong binigay kay Max na ikinatawa nya.

"Huy! Sana pala yan lagi ang dala kong breakfast para may libreng yakap!" Biro nito sa akin matapos kong kumalas sa kanya.

"Sus! Anong aftershave ang gamit mo? Ang bango! Lagi mo yang gagamitin ha." Bale wala ko sa sabi nya dahil mas naagaw ang atensyon ko ng bango nya. Ang sarap amuyin. Ang fresh. Minty, manly at may hint ng fruity.

"Kain na tayo. You have something to tell me." Sabi nya ng nakangiti bago ako hawakan sa kamay para sumunod sa kanya pababa sa kusina na ginawa ko naman.

"Water or juice?" tanong nya ng makaupo ako sa mesa. Busy syang nag aayos ng dalang pagkain habang sinusundan ko lang sya ng tingin.

"Ang ganda ng biceps mo. Lagi kang nag wowork out?" Grabe kasi lalo na kapag ginagalaw nya ang braso nya.

"Lana, water or juice?" ulit nitong tanong.

"Coffee."

"No coffee. Mag juice ka na lang." Agad nitong binuksan ang Four season juice mula sa ref. Galing di ba? Tinanong ako pero sya rin ang nasunod. Clap clap ka jan Max Hanson.

"Alam ko may kape pa ako jan eh. Ubos na ba?" Pagtataka ko. Parang kahapon lang eh nag kape ako at hindi pa nakakalahati ang coffee bean grind.

"Juice na lang muna. Mas okay to." Inilapag nya ang baso ng juice at umupo sa harap ko.

"Kailan ka pa naging nutritionist o dietitian?" Tinaasan ko sya ng kilay dahil hindi nya pinapakinggan ang gusto ko.

"Kanina lang ng makita ko to." May kinuha sya sa bulsa ng shorts nya at itinaas sakto para makita ko.

Pregnancy Test Kit.

Nanlaki ang mata ko at agad kong kinuha iyon sa kamay nya. Secret ko pa dapat yon para ako lang muna ang may alam kung negative o positive. Ayokong umasa ako at idamay ko pa ang iba.

"Nahulog sa kotse. Naglilinis ako kanina ng makita ko yan. Wala namang ibang sumakay sa kotse kung hindi ikaw kaya alam kong sayo yan. Why didn't you tell me?" Inilapag nito iyon sa mesa sa pagitan naming dalawa.

"Tell you what? Wala pa naman akong sasabihin dahil hindi ko pa nga alam ang resulta." kaswal kong sabi sabay kuha ng mga iyon. Kinabahan ba ako? Hindi naman. Nagulat? Siguro. Natakot?  Hindi. Napressure? Oo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Please, Stay with MeWhere stories live. Discover now