Please, Stay with Me: 3

197 13 3
                                    

Late na ako nagising ngayong araw at aba, hindi ko nararamdaman ang presensya ni Max. Mula sa beranda ng kwarto ko kung saan ako nagkakape ay hinintay kong sumilip o lumabas man lang ang loko pero wala. Baka kaya umuwi na sa US at doon na maghahasik ng kaguluhan.

Muli akong pumasok sa kwarto at nanood ng TV. Masarap magpahinga at humilata ngayong araw dahil maulan. Ang sarap kayang magkulubong sa kumot.

Chineck ko ang cellphone ko pero wala rin itong paramdam. Ano na kaya ang nangyari roon? Ni hindi sumasagot ng tawag. For whatever reason, bumangon ako para puntahan ang loko sa bahay nya. Hindi na ko nag effort pang magbihis dahil ilang hakbang lang ang distansya namin.

Sa daming beses kong kumatok ay wala pa rin nasagot pero hindi naman nakalock ang pinto kaya ako na ang kusang nagpapasok sa sarili ko. Well, ganon din naman sya. Kwits lang.

Maganda sana ang bahay kung hindi puno ng kalat. Tipikal na bahay ng lalake. Yung kung saan saan mo makikita ang sapatos, pinagbihisan ng damit, mga gadgets at bola. Pati mga pinagkainan at mga bote ng beer. Hala, sama sama na sila.

Gusto ko man sanang deadmahin ang mga kaguluhang iyon ay hindi mapakali ang kamay ko. Isa isa kong pinulot ang mga damit at itinabi ang mga sapatos at tsinelas sa gilid habang tinatawag ko ang pangalan nya.

Pansamantalang inilagay ko sa ibabaw ng sofa ang mga maruruming damit tsaka binalingan ko ang mga kalat ng chichirya at mga pagkain at bote mula sa sala hanggang sa kusina. Napailing na lang ako ng makita ang lababo na gabundok ang laman pero bago yan nasan na nga ba yung damuhong yon?!

"Max!" Malakas na ang sigaw ko para kung tulog man ay magising iyon pero deadma pa rin. Naroon naman ang motor nyang pinakamamahal at ang kotse kaya sigurado akong nandito lang yon. Baka nilamon lang ng mga basura rito sa bahay nya.

Tumaas ako at ang sosyal lang na buong second floor ay sa kanya lang. May sala at bar at isang kwarto na sigurado akong sa kanya yon.

Kakatok na sana ako ng biglang magbukas ang pinto at binuga ang isang kagwapong nilalang.

"Ang ingay

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

"Ang ingay." Yun ang bati nya sa akin habang isang pirasong twalya lang ang nakabalot sa katawan nito.

"Hell! Nagulat naman ako sa pagbukas ng pinto!"

"Why are you here?" Mapang asar na tanong nito sabay ngisi. "You miss me do you?

Lumingon ako sa likod ko na kunwari ay may hinahanap tapos ay binalikan ko sya ng tingin. "Ako ba ang kausap mo?"

"Ahuh. Namiss mo ko no?" Mas lumapad ang pagngisi nito.

"Anong na miss? Chinecheck ko lang kung buhay ka pa! Aba ayokong mapagbintangan at masama sa imbestigasyon kung sakali man. Tayo lang ang magkapit bahay rito no."

"I'm alive. Happy?"

"Dapat ba? Magbihis ka lang nga muna bago tayo mag usap. Nagugutom na ko, may pagkain ka naman siguro sa ref mo no?"

Please, Stay with MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz