Prologue

281 5 1
                                    

"Stop yawning!" halos mapaigtad ako ng bumulong sa akin si Nai Nai, my grandmother. Isinama niya kasi ako ngayon sa simbahan. 

Sobrang aga naman din kasi at antok na antok pa ako. Halos mangiyak pa ako sa pagod nang magising ako kanina. Ayoko naman talagang sumama kaso pinapagising ako ni Nai Nai kasi wala daw kasama na ibang bata si ate Jasmine sa simbahan.

Pero hindi totoo iyon dahil may ibang mga kaibigan siyang katabi ngayon. Nasa harapan ko sila dahil parte sila ng CWL o Catholic Women's league, sa pangunguna na rin ni Mrs. Rodriguez na teacher ko noong third grade. 

"OMG! He's looking this way" bulong ng kaklase ni ate Jaz sa kanilang lahat. Sixth grade students na nga pala sila samantalang ako ay fifth grade palang.

"I think, he's looking directly at you Jaz"

"I don't think so" medyo nahihiya pa si ate Jasmine nang sabihin niya iyon pero halata namang kinikilig.

Nasa likuran niya ako mismo kaya't kitang kita ko kung paano namula ang kanyang mukha. Kahit nga leeg niya ay namula din eh. Sobrang puti niya, kaya super obvious.

Medyo kumunot naman ang noo ko dahil sa kanilang kaharutan. Nasa kalagitnaan kami ng misa at hindi ako nakakapagfocus masyado.

"I didn't know he's a sacristan. Just now" ani naman ng isa sa mga kaklase ni ate.

"Do you know him, Jhea?" tanong ni ate dito.

"Yes, he's actually my brother's friend. He's Sedi"

"Sedi?" tanong naman nung isang nagsalita kanina.

"Sedi as in the Calum Duke del Fiorre"

Bagot na ibinuka kong muli ang aking mga mata at tumingin sa sacristan na kanilang pinag-uusapan. Halos mapanganga ako sa aking nakita. Nawala ang aking antok nang matitigan ko ang pagmumukha niya.

Kaya pala parang kitikiti sina ate dahil talagang napakagwapo naman pala niya.

Simula sa araw na ito ay alam kong magiging ultimate crush ko na siya.

Calum Duke del Fiorre...

May ngiti sa mga labi akong nakikinig kay father. Ni pag hikab ay hindi ko na magawa, my inspiration was standing right in front of me.

Aantukin pa ba ako? 

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon