Chapter 11

67 4 1
                                    

Parehas kaming kinakapos sa paghinga ni Brenton nang makarating kami sa plaza. Nilakad-takbo kasi naming dalawa ang daan papunta dito. 

"Here, drink this" abot sa akin ni Brenton sa tumbler na hawak niya. 

"S-Salamat, Brenton" nahihiya man ay hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggapin ang inaabot niya sa akin.

Uhaw na uhaw na rin ako at wala akong balak ma-dehydrate. Ang mahal pa naman magkasakit. Okay lang sana kung afford ko ang pangpahospital kaso hindi naman. Kaya stay healthy nalang dapat palagi. 

"Paano ka nagkaroon ng ugnayan kay Vincenzo, Hada?" diretsahang tanong kaagad sa akin ni Brenton na siyang nakapagpahinto sa akin sa pag-inom. "Don't you know he's dangerous?''

"H-Hindi ko rin alam eh. N-Nagtagpo lang kami ng isang beses, t-tapos ayun na" sagot ko sa kanya. Alam kong hindi masyadong detalyado pero yun na rin yun.  

"Tsk! Iwasan mo siya hanggang maaari, Hada" ani Brenton sa pinal na boses. Kunot ang noo nitong inabot ang hawak kong tumbler. 

Napatulala nalang ako nang walang alinlangan niyang tinungga ang tumbler at uminom. 

"Naiintindihan mo ba ako, Hada?" pukaw bigla ni Brenton sa akin.

"Huh?'' medyo lutang na may kasamang gulat kong sagot. Nakatitig pa rin kasi ako sa tumbler na hawak ni Brenton ngayon. 

May laway ko na kasi yun eh, tapos ginamit niya pa. Hay....naku naman talaga!

"Hindi ka naman nakikinig. Tulala ka na naman" rinig kong reklamo ni Brenton sa akin.

"Oo, na. Narinig naman talaga kita. Iiwasan ko naman talaga ang Vincenzo na yun. Isa pa, we're not even friends to begin with" paliwanag ko. Totoo din naman ang sinabi ko. 

Hindi ko matandaan na naging kaibigan ko ang lalaking yun kaya bakit naman ako makikihalubilo sa kanya? No point lang naman din.

"Mabuti naman kung ganun" mukhang nabunutan ng tinik na sabi ni Brenton. "Basta, Hada... iwasan mo ang lalaking yun at hanggang maaari dumistansya ka muna kay Sedi. Baka pagtripan ka pa lalo ni Vincenzo dahil sa pagiging malapit niyo ni del Fiorre"

"Ha? Bakit naman?' medyo na curious kong tanong sa kanya. Ano naman kaya ang problema ng asungot na Vincenzo Fujihara na yun kay Calum Duke?

"Hindi mo alam?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Brenton. 

Napakunot noo naman ako dahil do'n. "Alam ang alin?" matapos kung ibalik ang tanong sa kanya ay napahawak sa kanyang baba si Brenton. 

Mukhang ang lalim ng kanyang iniisip. Ilang segundo pa ang nakalipas ay ngumiti ito at tumitig sa akin.

"Hadassah Shen....why am I not surprised?" wika niya sa naaaliw na boses. 

Napanguso naman ako sa hindi niya pagbigay ng klarong sagot sa tinanong ko. "Inaano ka ba d'yan?" 

"Wala..." iling nito.  "Ang sabi ko, hindi ka talaga chismosa nuh? Buti naman hindi ka nagmana sa bestfriend mong maganda kuno pero ubod naman ng pagka-chismosa" komento ni Brento sabay tawa ng malakas.

"Brenton!!!" saway ko kaagad sa kanya. Talagang bina-backstab niya pa si Lezlie sa harap ko? 

"You know what, Hada?...why didn't I notice you before?" 

"Ha?" nakakaintindi naman ako ng English pero kasi hindi ko alam kung ano ang pinupunto ni Brenton.

"Nothing...you're just so---" bago pa maipagpatuloy ni Brenton ang kanyang sasabihin ay inunahan ko na siya. 

"Alam mo Brenton, pwede ba h'wag masyadong mag english? Nahihilo ako, eh" yamot ko sa kanya. "At oo, alam kong high-breed ka at lumaki ka rin sa US kaya lang nandito naman tayo sa Pilipinas eh, kaya pilipino time tayo, okay?" dagdag ko pa. 

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon