Chapter 5

79 3 0
                                    

Pinanlalakihan ko ng mata si Lezlie nang ngumisi lang ito sa akin at walang ginawa para pigilan si Sedi sa paghila sa akin. Sinusubukan kong mag pumiglas ngunit sadyang malakas lang talaga itong lalaking ito.

"Sige, bes. Enjoy!!!!" kumaway kaway pa sa akin at tila ba tuwang-tuwa sa nangyayari.

"T-Teka, sandali lang" angil ko na hindi naman pinakinggan ni Sedi.

Pinagtitinginan na kami ng mga schoolmate namin na siyang ikinahiya ko ng husto.

Nang makarating kami sa parking lot ay doon ko lang napagtuunan ng pansin ang kamay niyang nakahawak pa rin sa aking pulsuhan.

May kung ano akong naramdaman sa loob ng aking tiyan.

"S-Saan mo ba ako dadalhin?" mahina kong tanong na nakayuko.

Ayokong tumingin sa kanya dahil makikita niya lang ang namumula kong mukha. Hindi niya pa kasi ako binibitawan at hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang init na nagmumula sa kanyang palad.

"Sakay" malamig na utos niya sa akin. Pinagbuksan niya na pala ako ng pintuan.

"P-Pero" pag aalinlangan ko at napaatras ng mabilis. "A-Aray!" hiyaw ko kaagad nang mabangga ang ulo ko sa matigas na bagay.

Ang malas ko naman yata ngayong araw na ito. Lagi nalang akong nababangga.

"YYou really love bumping into my chest, huh?" napatigil ako sa paghimas ng aking ulo sa tanong niya.

"S-Sorry. Hindi ko sinasadya" hinging paumanhin ko. Hindi ko naman kasi alam na nasa likod ko pala siya.

"Tsk! Sumakay ka na nga" tulak niya sa akin papasok sa akin papasok ng kanyang kotse.

Wala naman akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya.

Pagpasok ko sa loob ay hinimas-himas ko pa rin ang likuran ng aking ulo. Medyo masakit pa rin kasi, gawa nang pagkabangga ko sa kanya.

"Does it still hurt?" tanong niya kaagad sa akin nang maka-upo siya sa driver's seat.

Nilingon ko siya at sumalubong sa akin ang concern niyang mga mata. Na touch naman ako kaya nginitian ko siya.

"Medyo" tipid kong sagot.

Napatango na lamang siya at pinaandar ang sasakyan.

"S-Sandali lang" angal ko nang magsimula na itong mag drive.

Hindi niya ako pinakinggan, tuloy-tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

"S-Sandali lang naman, Calum Duke!" medyo nilakasan ko na ang boses ko at hinawakan siya sa braso.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat nang biglang nagpreno si Sedi. Halos mapasubsob na ako sa harapan. Buti nalang ay naitukod ko ang aking mga kamay.

"Shit!" narinig kong napamura siya na siyang dahilan kung bakit ako napapikit ng wala sa oras.

Sinisi ko tuloy ang aking sarili sa nangyari.

"S-Sorry. Hindi ko sinasadyang hawakan ka" nahihiyang sabi ko at inayos ang aking pag-upo.

Maya-maya ay nanlaki na naman ang mga mata ko sa gulat nang biglang inilapit ni Sedi ang kanyang sarili sa akin.

"T-Teka..." umalarma ako.

"You need to be buckled in" tila bored nitong saad sa akin, na nakakunot ang noo.

Napalunok naman ako nang marealize kong ilang dangkal nalang ang distansya ng mukha niya sa akin.

Napapikit ako nang malanghap ko ang kanyang pabango. Sobrang bango niya palang talaga. Nakakaadik.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon