Chapter 4

88 2 0
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ni Lezlie nang biglang sumulpot si kuya Hugo sa aming harapan. Seryoso ang mukha nito at parang walang balak ngumiti.

"Hello to you too, big brother" bati kaagad ni Lezlie sa kapatid.

Tango lang ang sinagot ni kuya at sinabayan na kaming maglakad. Nagkatinginan kaming pareho ni Lezlie, nakakapanibago ang inasal ni kuya.

Never kasi siyang naging cold. Ngayon lang.

"Hi, kuya" bati ko at inabot ang kanyang braso. Kusa kong pinulupot ang aking braso sa kanya.

Saglit na natigilan si kuya at bumuntong hininga.

"Kuya, what's wrong?" nag-alalang tanong ni Lezlie kay kuya Hugo.

"Nothing. Can we just go?" nagkatinginan na naman kami ulit ni Lezlie.

We both know that there is something wrong or maybe today is just not a good day for everybody. Ang dami kasing nangyari simula pa kaninang umaga.

"Bakit ka ganyan kung nothing? Sagutin mo nga!"

"Lezlie!" saway ko sa kaibigan. Tinulak niya kasi si kuya.

Pauwi na nga kami ay mag-aaway pa yata sila.

Lezlie couldn't stand on people's sudden change of attitude. She likes to confront them and resolve the issue. Kaya heto siya ngayon, ginagawa ang dapat gawin.

"Hay naku! Ewan! Kausapin mo nga yang kuya Hugo mo, Hada. May sumpong, eh!" ani niya at iniwan kaming dalawa ni kuya Hugo.

What just happened?!

Hindi ako makapaniwala. Apparently, may sumpong din siya. Ayaw niya kasi yung todo ngiti siya sa tao at negative vibes lang ang ibinalik sa kanya. Kaya lagot talaga si kuya Hugo sa little sister niyang maldita ng slight.

"Pagpasensiyahan mo na si Lezlie kuya, ha. Alam mo naman yun. Mabilis magtampo" paliwanag ko, kahit alam kong kilala na ni kuya ang pag uugali ng sariling kapatid.

Hindi pa rin ito umiimik at patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami ng gate.

Hindi ko mapigilang malungkot kasi feeling ko talaga may dinadamdam si kuya Hugo, ngayon.

It's so not him without that warm smile on his face. Panay din ang pagbuntong hininga niya. Actually, I lost counts na nga eh.

"Kuya, magsalita ka naman oh" pakiusap ko. Nababahala na kasi ako sa kanyang pananahimik.

Imbes na kausapin ako ay pinara ni kuya ang isang tricycle. Nagtataka man ay hinayaan ko nalang siya. Baka ayaw ni kuya na maglakad kami ngayon.

Nang huminto ang tricycle ay hinarap ako ni kuya. "Sumakay ka na. Hindi kita mahahatid sa inyo ngayon"

"P-pero kuya..." pag aalinlangan ko. Nag iwas siya ng tingin.

"Manong, pakihatid po sa Shen mansion"

Mabigat man sa loob ko ay wala akong magawa kung hindi ang sumakay sa tricycle. Kuya paid for a special ride para makauwi na ako kaagad.

Hindi ko pa rin nilulubayan ng tingin si kuya. I'm hoping na titingin siya sa akin, ngingiti at kakaway pero bigo ako dahil hindi nangyari ang inaasahan ko. Tumalikod na rin si kuya at naglakad palayo hanggang sa umandar na rin ang sinasakyan ko.

Gustuhin ko man huminto at sundan nalang si kuya ay hindi ko magawa. I just don't have that freedom to go somewhere after school because of my obligation at Shen's mansion.

Nakauwi akong laylay ang balikat. Sa dami ng nangyari ay hindi ko na alam ang iisipin.

What a day!

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon