Chapter 2

106 3 0
                                    

"Pasensya ka na Hada. Hindi kita maihahatid ngayon sa paaralan mo. Bilin kasi ni Madam na huwag ko raw ikaw ihatid" napakamot ng ulo si Manong Julio pagkatapos niyang sabihin sa akin ang inutos sa kanya ni Nai Nai.

Wala sa oras na naibagsak ko ang aking mga balikat. Hudyat iyon ng aking pagkalungkot. Pati ba naman sa paghatid ng driver nila ay ipinagkait pa sa akin. Halos hindi naman ako nagkulang na gawin ang mga gawaing bahay araw-araw.

Lahat naman ay tinatapos ko kahit na abutin ako ng hating gabi minsan. Hindi naman sa nagrereklamo ako, kaso kasi ang layo talaga ng school ko dito sa amin. Kung lalakarin ko naman ay aabutin ako ng isang oras bago makarating doon.

"Pasensya ka na ineng, ha. Ayoko naman mawalan ng trabaho. Di bale sa susunod, gagawa ako ng paraan para mahatid ka tuwing umaga" paliwanag pa ni Manong sa akin.

Pilit akong ngumiti sa matanda. "Ok lang po. Naiintindihan ko po. Sige po Manong. Mauna na po ako. Ang layo pa po ng lalakarin ko" kumaway ako kay Manong at nagsimulang maglakad papunta sa school.

Alas sais y media na ng umaga at paniguradong mahuhuli talaga ako sa first subject nito pero bahala na. Second month of classes ay magkakaroon na ako kaagad ng tardiness record.

Napapailing nalang ako sa kawalan.

Buhay nga naman oh. Minsan mapait din. Kung bakit ba kasi ipinanganak akong may dugong Shen. Ilang beses ko na rin naihiling na sana hindi nalang Shen ang naging tatay ko. Hindi ko sana danas ang lahat ng ito.

Halos matisod ako sa gulat nang may bumusina ng malakas sa likuran ko. Bago pa ako makakilos ay bigla nalang huminto ang pulang kotse sa harapan ko. Bumukas ang bintana nito at nakita ko si Sedi na nakahawak sa manibela.

"Hop in" rinig ko galing sa kanya.

Sa aking pagkagulat ay parang naging tuod ang aking buong katawan. Titig na titig lang ako sa kanyang napakagwapong mukha.

Bumusina si Sedi ulit kaya napaigtad ako at tumili. "Ayyy!"

"Are you going or not?!" masungit na tanong niya sa akin.

"Ha?" tila hindi ko pa rin makuha ang kanyang ibig sabihin.

Sino bang hindi? Ito ang araw na pinakahihintay ko.

"I said, GET IN THE CAR!" sagot niyang nakaigting ang mga panga.

Napangiwi ako. Hindi ko pa marahil siya lubos na kilala pero sa tingin ko ay parang hindi siya marunong magpasensya.

"You don't have a ride, right?" tanong niya sa akin. Marahan naman akong tumango nang hindi inaalis ang paningin sa kanya. "Then what are you waiting? Sakay!"

Wala sa sariling napabukas ako ng pinto kaagad at mabilis na napaupo sa loob ng kotse niya. Kinabahan ako bigla. Nakakatakot pala siyang kausap. Pwede naman maging mahinahon. Just like kuya Hugo when he talks to me, he is always calm and gentle. Pero sa palagay ko ay hindi ganoon si Sedi. Tahimik siyang tingnan pero napaka-rough pala ng ugali niya.

O baka pinipili niya lang kung kanino siya dapat maging gentleman? Sad to say, I was not one of them. Nakaramdam tuloy ako ng takot. Napahigpit ang kapit ko sa aking backpack na ngayon ay kalong-kalong ko sa aking mga hita.

Crush ko siya pero I don't trust him.

Ngayon ay nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit ako sumunod sa inuutos niya. Hindi pa nga kami ay under na ako. Aba! Hindi dapat ganoon!

"Are you scared that I might do something bad?" nakatitig ito sa aking mga kamay na mas lalong humihigpit ang pagkakapit sa backpack ko.

Tumaas ang kilay ni Sedi at napasapo sa kanyang sentido.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon