Chapter 6

66 1 5
                                    

"G-Galit ka ba?" hindi ko mapigilang magtanong kay Sedi na ngayon ay kasing lamig pa sa yelo kung ako ay tratuhin.

Kanina pa ako nakatingin sa kanya. Abala siya sa pagpaplano sa e-proproject namin para sa Science fair. Ni hindi man lang ako sinasali.

"C-Calum Duke.." tawag ko sa buo niyang pangalan. Napahinto naman ito at biglang napahugot ng paghinga. "P-Pasensya na" yumuko ako kaagad, nahihiya sa pang-iistorbo sa kanya.

Ilang minuto pa ang dumaan at wala pa rin akong ginagawa. Wala yata talagang balak si Sedi na patulungin ako. Siguro wala siyang tiwala sa kakayanan ng utak ko.

"Hmm.. C-Calum D-Duke" halos pumiyok pa ako nang tawagin ko siya ulit.

"What?!" kunot noo naman nitong tugon sa kanya.

"S-Saan nga pala ang restroom niyo dito?" nakayuko kong tanong. Nahihiya kasi akong tumingin sa kanya.

Nakakailang kasi talaga ang kagwapuhan niya.

"Walk towards the dining area and turn left. Right by the stairs" napatango na lang ako kahit hindi ko siya masyadong naintindihan.

Nasobrahan kasi sa pagka-slang ang English niya tapos ang bilis pa ng pagkabigkas niya. Ang hirap tuloy intindihin.

"Ngee. Sarado yata" komento ko nang sinubukan kong buksan ang banyo ay naka-lock pa ito.

Napakamot nalang ako sa ulo. Mukhang may naglilinis pa yata sa loob. Gusto ko sanang maghintay kaso ihing-ihi na talaga ako. Baka mamaya ay maihi pa ako ng tuluyan sa damit ko. Mas nakakahiya naman yun.

"Bahala na nga" wika ko at umalis. Pagbalik ko sa living room ay tutok pa rin si Sedi sa kanyang ginagawa. "Hmm... C-Calum D-Duke..."

Isang bored na tingin ang pinukol nito sa akin.

"N-Naglilinis yata yung kasambahay niyo. Saan pa ba pwede makiihi dito?" napakagat labi ako, nahihiya sa itinanong sa kanya.

Nagulat nalang ako nang biglang nag-alsa balutan si Sedi at tumayo.

"Follow me" sabi niya at nilagpasan ako. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Umakyat kami sa taas at huminto lang nang makarating kami sa isang kwarto sa may pinakadulo.

"Come in" yaya ni Sedi matapos niyang buksan ang kwarto.

Tumambad sa akin ang isang kulay asul at light grey na interior decor. Agad uminit ang aking pisngi nang mapagtanto kong kwarto pala ito ni Sedi tapos kaming dalawa lang.

"That's my bathroom right there" turo nito sa isang pinto sa may kanang bahagi.

Mabilis ko namang tinungo ito. "S-Sige. S-Salamat"

Pagkatapos ko sa banyo ay lumabas na rin ako kaagad. Nakita ko si Sedi na nakaupo na ngayon sa kanyang study area. Narinig niya yata ako kaya lumingon siya sa akin.

"Sit here" wika nito sabay tap sa kama niya. Nasa gilid lang kasi ng kama niya ang study table niya.

"P-Pwede na ba akong tumulong?" tanong ko matapos maupo sa gilid ng kama.

Nakaharap ako ngayon sa kanya habang sya naman ay nakatagilid sa akin. Malaya ko siyang napagmamasdan sa set up namin ngayon.

Ang tangos ng ilong niya at ang ganda ng pagkakapal ng kanyang mga kilay. Sabayan pa ng mga namumulang pisngi at labi niya.

"Not yet" dinig kong sagot niya sa akin.

"Kailan mo pala kailangan ang tulong ko?" tanong ko ulit.

"When the time is right" ngumuso ako sa sinagot niya.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon