Chapter 14

66 3 0
                                    

Halos hindi maipinta ang aking mukha nang amuyin ko ang aking sarili. Animo'y sinigang lang sa asim.

Mas mabuti pa nga siguro ang sinigang ay nakakatakam pa. Eh, samantalang ako ay amoy panis na dapat talagang layuan dahil sa sobrang baho.

May gana pa akong kiligin kay Calum Duke kanina tapos ang baho ko naman. Minsan talaga ay nandidiri ako sa aking sarili.

May pagkadugyot din kasi ako kung minsan. Siguro dahil hindi pa ako ganap na dalaga at may pagka-isip bata pa talaga. Pero sinusubukan ko naman maging tunay na dalaga na eh. Kaya lang ay hindi pa rin ako nagtatagumpay sa aspeto na yan.

Kailangan kopa sigurong maranasan ang puberty hits bago ko maramdaman na nag glow up na ako? Yun bang katulad ni ate Jas kung mag ayos.

Ang hirap din naman kasi ng sitwasyon ko. Kulang sa aruga sa magulang. Hay...buhay.

Dalawang katok ang ginawa ko sa pintuan ng kwarto ni Calum Duke. Buti nalang ay natandaan ko pa ito gawa ng pagkaparito ko noong nakaraang mga araw na kung kailan ako nabugbog ng husto ni Nai-Nai.

Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Calum Duke na napakagwapo kahit sa kadiliman na ng gabi.

"Hmm, a-ano k-kasi... C-Calum D-Duke" utal utal ko na naman sa harapan niya. Gusto ko tuloy sampalin ang sarili sa pagiging balisa pagkaharap si Calum Duke.

"Do you need something?" agad akong nahiya nang mapagtanto kong nakakadisturbo na ako masyado kay Calum Duke.

"K-Kasi C-Calum Duke. G-Gusto ko kasing maligo k-kaso wala akong pamalit" hiyang-hiya na talaga ako sa mga oras na'to.

Hindi ko man lang na-inform ang sarili ko na may kakapalan din naman pala ang pagmumukha ko.

"Come in" nilakihan ng bukas ni Calum Duke ang pinto para papasukin ako.

Hindi ako kumilos. Tinitigan ko lang siya. Parang nakuha naman niya kaagad ang kalituhan na nasa mga mata ko.

"Dito ka na mag shower sa bathroom ko. I forgot the guestroom's bathroom is under renovation" tumango tango ako at pumasok na rin sa loob ng kanyang silid. "Here, you can wear my clothes for now" abot ni Calum Duke sa akin ng mga damit niya.

"C-Calum Duke..." ani ko, nahihiyang tanggapin ang pinapahiram niyang damit sa akin.

"I don't want to mess my sister's belonging kahit na wala siya dito ngayon. It's her own privacy and I must respect that as her brother. I hope you understand" paliwanag naman kaagad niya sa akin na siyang naintindihan ko ng lubos.

Kaya naman ay hindi na ako nag atubiling abutin ang mga damit niya.

Hindi sa nag-iinarte ako pero nakakapanghina lang ng tuhod dahil hindi ko lubos maisip na masusuot ko ang damit ni Calum Duke!

Gusto kong tumili sa kilig nang makapasok ako sa kanyang banyo.

Sino bang hindi lalo na pagdating sa ultimate crush?

Natapos akong maligo na lumulutang pa rin sa alapaap ang utak.

Inayos ko muna ang sarili bago ako lumabas. Nakakahiya naman kay Calum Duke kung hindi ako haharap sa kanya ng nakaayos talaga.

Paglabas ko ng banyo ay walang Calum Duke akong naabutan. Inikot ko na rin ang aking paningin sa bawat sulok ng silid ay wala talaga ang bulto nito.

"Saan kaya yun?" mahinang tanong ko.

Hindi maiwasang mahagip ng mga mata ko ang gusot sa kama ni Calum Duke. Palatandaan iyon na nagpapahinga na talaga siya kanina tapos bigla ko lang siyang inisturbo.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon