Chapter 12

68 4 0
                                    

"Hada...Brenton" sambit kaagad ni Lezlie sa aming mga pangalan nang tuluyan na kaming makalapit sa kanya. 

Nalilito itong nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Brenton. 

"Lezlie..." pukaw ko sa pagkatulala niya. Ilang segundo din kasi itong hindi umimik at parang gulat na gulat pa ang itsura nito. 

"OMG, Hada! Sa wakas naman you're back na!" ani kaagad ni Lezlie nang makabawi sa pagkatulala. 

"Ano yun late reaction?" natatawa akong tumugon. 

"Kasi naman itong si Brenton kung makaakbay sa'yo wagas, eh! Tatawid lang naman!" paliwanag niya sabay sapak sa braso ni Brenton na hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin pala sa akin.

"Ouch! Ba't ka naman nananapak?" reklamo  ni Brenton dito. 

"Talagang sapak ang aanihin mo sa akin. You're taking advantage of Hada!" 

"What?! What are you talking about?!'' kunot-noong napatanong si Brenton kay Lezlie na nalukot na rin ang mukha. Tila ba may hindi siya nagustuhan na ginawa ni Brenton.

"Sus, Brenton... don't me, ha! You can take advantage of any girl in this town, pero utang na loob, huwag na huwag mong isasali si Hada sa listahan mo!"

"Nagmagandang loob lang ako, Lezlie. Plus, heto na nga oh. I'm returning Hada to you na buong-buo. Walang labis, walang kulang" napatingin sa akin si Brenton nang sabihin niya iyon kay Lezlie.

"Good'' tipid na tugon ni Lezlie bago bumaling sa akin. "Let's go na Hada. Kuya is waiting for like forever. Baka may kagat ka na ng lamok dahil sa pinaggagawa nitong si Brenton, eh. Kung saan, saan ka kasi dinadala, hmp!"

"Oh come on, Lezlie. Just, so you're aware, I took good care of Hada and I will do it again if I have to" parehas kaming napatigil ni Lezlie nang marinig namin ang tugon ni Brenton sa kanya.

Alam kong narinig at nahimigan din ni Lezlie ang sinseridad sa boses ni Brenton matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. There was something in his voice that I can't figure out yet.

Yun bang sa kaloob-looban ko ay alam ko na, hindi ko lang mawari kung ano.

"Bes..." pukaw ko sa natulalang si Lezlie. Para bang naweweirduhan na talaga ito kay Brenton.

Natauhan naman kaagad si Lezlie kaya ito na rin ang humila sa akin papasok sa loob ng venue kung saan pinagdidiriwang ng buong team ang kanilang pagkapanalo.

"Kuya! Hada's here!" excited uli na turan ni Lezlie. Buti naman at nag iba na ang mood niya.

Baka napagdesisyunan niyang isantabi nalang ang kung ano mang inis na nararamdaman niya kay Brenton.

Mabilis pa sa alas cuatro na nakalapit sa amin si kuya Hugo. His eyes are looking so worried.

Walang imik na yumakap kaagad sa akin si kuya Hugo. "Where have you been, baby girl?"

"K-Kuya..." pag-aatubili kong tugon. Ramdam na ramdam ko kasi na sobrang nag-alala talaga sa akin si kuya.

"After the game, I went ahead and looked for you everywhere"

Napangiti ako at ginantihan na rin ng yakap si kuya.

Ang sweet talaga ng kuya Hugo ko. Sana totoong kapatid ko nalang siya.

"Kuya talaga... Huwag kang mag-alala, okay lang naman ako. Tsaka si Brenton naman ang kasama ko kanina"

Batid kong napabuntong hininga si kuya sa sagot ko.

"Mas okay na rin yun kaysa naman sa dalawang gago" bulong ni kuya sa akin kaya napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Kuya..." saway ko sa kanya.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon