Chapter 16

91 4 2
                                    

Hindi makapaniwalang nakatitig lang ako sa kanya. Sinusuri ang bawat sulok ng napakagwapo niyang mukha kung seryoso ba talaga siya sa tinatanong niya sa akin. Parang nananaginip lang kasi ako ngayon. Pero ang kaibahan nga lang ay hindi humihilik ang diwa ko. 

Gising na gising ako at kaharap ko siya mismo.

"O-Okay ka lang ba, Calum Duke?" bakas sa boses ko ang pag-alala. Dapat ay kikiligin ako pero dahil hindi pa rin ako makapaniwala ay nangibabaw sa akin ang maweirduhan sa bilis ng mga nangyayari.

"I'm fine. Answer my question, please" nagsusumamo naman niyang wika sa akin.

Napalunok ako. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng pagtibok ng aking puso.

Mukhang hindi talaga nagbibiro si Calum Duke.

"B-Bakit?"

"I don't have any specific reason why, Ms. Shen" sagot naman niya sa akin.

"P-Pero... C-Calum Duke..." ang tanging nasambit ko nalang. Bakas sa mukha ko ang pagkalito.

Crush na crush ko si Calum Duke pero wala pa ako sa wastong gulang para magka-boyfriend.

Tapos kapag malaman pa ng lola ko ang ganitong balita, baka kalbuhin na talaga ako no'n ng tuluyan. Baka mas malala pa nga sa mga dinanas ko mula noon.

"So?" untag ni Calum Duke at mataman akong tinitigan.

"H-Hindi ko alam" wika ko sabay yuko. Baka kasi kapag nakipagtitigan pa ako sa kanya ay makakasagot ako ng oo.

"Is that a no?" agad akong umiling. Ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano. "Then?"

"C-Calum Duke, kasi... hindi ko talaga alam ang isasagot"

"Do you even like me, Ms. Shen?" gusto ko siyang sagutin na oo kahit noon pa. Pero kapag pala nasa ganitong sitwasyon na, mahirap din pala ang magpadalos-dalos dahil lang sa bugso ng damdamin.

"P-Pwede bang bigyan mo muna ako ng palugit?" biglang napaarko ang kilay ni Calum Duke sa sinabi ko at mukhang natutuwa pa ito sa akin ngayon.

Ang bilis talaga magbago ng mood niya pero napaka-cold pa rin ng ekspresyon niya sa mukha.

"M-May nakakatawa ba sa sinabi ko?" hindi ko mapigilang mapanguso.

Umiling si Calum Duke. "Nothing. Just your wording is cute" agad uminit ang aking mga pisngi.

Ang purihin ako ni Calum Duke ay sobrang nagpapaligaya talaga sa akin. Simpleng ngiti nga lang niya ay buo na ang araw ko. Ganun ko siya kagusto. Bata pa lang ay siya na ang pangarap ko.

"Fine.." napabuntong hininga si Calum Duke. "Pagbibigyan kita sa hinihingi mong palugit" pahayag niya sa naaaliw na boses. 

"S-Salamat, C-Calum Duke" imbes na magbigay reaksyon sa pagkaaliw niya sa akin ay minabuti ko na lamang na magpasalamat.

 Baka kasi ay aatakihin na ako sa pagkakakilig sa kanya kung may masabi pa ako na kung ano-ano. Tapos pupurihin niya ako ng paulit-ulit. Ang swerte ko na talaga sa araw na'to!

"S-Sige...mauna na ako.." nag-alalangan man ay tinalikuran ko na rin siya kaagad. Kung magtatagal pa ako sa pakikipag-usap sa kanya ay baka sasama na talaga ako sa kanya pauwi sa kanila.

Lihim akong napahagikhik sa aking naisip na kapilyahan. Pinabilis ko na rin ang aking paglalakad nang maisip kong may naghihintay pa pala sa akin sa labas ng gate.

Hindi nga ako nagkamali sa aking iniisip. Pagkalabas na pagkalabas ko kasi ng gate ay nakita ko ang nakabusangot na mukha ng bestfriend ko.

"Hi b-bes.." kiming bati ko sa kanya. Ayoko pa ngang lumapit ng husto at baka makurot pa ako.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon